Chapter 34

18.2K 663 10
                                    

"Why?"

I clenced my fist as I utter those three letters. There were a lot of things I wanted to asked, but my tongue failed to find the right words. I looked at him, trying to figure out what he was thinking.

We were currently inside his room. Pumayag akong magpahatid sakanya, pero dinala niya ako dito sa bahay nila. I did not asked nor complained, because I wanted to talk to him and ask him a lot of things.

"Bakit, Leo? Bakit?"

"I-I'm sorry, Tati—"

"Why are you saying sorry?!" I did not let him finish, because I already lost my temper. "Bakit ka nag-sosorry? Saan ka nag-sosorry? Ha, Leo? Saan?! Sorry dahil nakilala kita? Sorry dahil mahal kita? Sorry dahil nahulog ako sayo? Sorry dahil napaniwala at nalinlang mo ako? Sorry kasi pinagmukha mo akong tanga? Sorry dahil nasaktan mo ako? Sorry dahil kabit ako, panakipbutas? Sorry kung dineny mo ako sakanya? O sorry dahil sinasadya mo lahat ng 'yon?"

He wipes every single tears that I have. Just like before, but why does it feels so different? Like he was trying to comfort me so he could leave me alone, hanging.

"Sorry," he apologized again.

"Sorry? Ayan na lang ba ang kaya mong sabihin ngayon? Tangina naman, Leo! Bakit?! Bakit mo nagawa 'yon sa akin?! Answer me! Sagutin mo ako, Leo! Huwag kang puro sorry, because honestly you don't look like one."

Sunod sunod nanaman ang naging pagtulo nang luha ko. I tried to hold them back, pero ayaw. Kusa silang nahuhulog dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napa-upo ako sa sahig, malapit sa kama niya.

Hindi siya nagsasalita. Ang tanging maririnig lamang ay ang malalakas kong hikbi. Wala na! Sumabog na ako. I'm strong, but not all the time.

"Ano na, Leo?! Bakit mo nagawa 'yon sa akin? Bakit mo ako nagawang saktan at lokohin? What did I do? May nagawa ba ako, o May hindi ako nagawa? Saan ako nagkulang?"

"Tatiana, darling, please don't cry. Just hurt me, samapalin mo ako, sapakin, tadyakan, o kahit ano. Just don't... don't cry. Ayaw kitang nakikitang ganito, nasasaktan."

Mas lalo akong naiyak dahil sa kanyang sinasabi. Ayaw niya akong masaktan, pero siya ang nanakit sa akin.

"I'm sorry, Tatiana. I know I'm such an asshole for hurting you. It's my fault. I'm really sorry. You have all the rights to hate me, to punch and hurt me. I deserve it."

"Kahit sampalin pa kita ngayon, sapakin, o tadyakan ng paulit-ilit, hinding hindi non matutumbasan ang sakit at pait na nararamdaman ko ngayon," I yelled in between my sobs.

"Alam ko na lahat, Leo. H-hindi mo ako mahal," my voice cracked. "You used me, to make my sister stay. You did that to save your relationship with her. D-diba?"

"Tatiana..."

Napapikit ako ng mariin. Hindi man lang siya nag-deny o nagsinungaling man lang. Halos masugat na ang labi ko dahil sa diin ng pagkakakagat ko dito.

"In any chance, Leo. D-did you...did you ever l-love me?" I asked.

Hindi ko alam kung naging totoo ba siya sa akin, o lahat ng 'yon ay puro kasinungalingan lang.

"I did."

"Liar!"

Tinawid niya ang distansiya sa pagitan namin, at maingat na hinahaplos ang pisngi ko. Kinagat kong muli ang labi ko habang pinagdidikit niya ang mga noo naming dalawa. My breathing become ragged. Para akong mahihilo habang ito siya, malapit sa akin.

Please, Tatiana. Kahit ngayon lang wag kang maging marupok. Masasaktan ka lalo.

"Believe me, Tatiana. I loved you—"

"Tangina, Leo!" I shouted. Tinulak ko siya na naging dahilan upang magkaroon muli ng distansiya sa pagitan namin. "Marupok ako, pero ayaw kong ginagago ako."

"Minahal talaga kita, Tatiana. Believe me. I tried, but—"

"Alam ko! Mahal mo ako, pero mas mahal mo ang kapatid ko, tama?"

"I'm sorry, Tatiana. You should rest, mauna na ako."

Napaluhod ako ng lumabas siya, at isarado ang pinto. What did I do to deserve this pain?

Inalis ko ang heels ko bago humiga sa kanyang kama. I can almost smell his scent. Niyakap ko ang unan niya, and imagined that it was him.

Ipinikit ko ang mata ko dahil sa pighati na nararamdaman ko ngayon. Mahirap tanggapin, at masakit sa damdamin na siya ay mawawala na sa akin. Ngunit sa tingin ko mas masasaktan ako kapag ipinagpatuloy ko pa ang kahibangan ko.

I closed my eyes and tried to sleep.

The next day, ay nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. It's his room. Akala ko panaginip lang ang lahat, pero totoo pala. Sana nga. Sana nga panaginip nalang ang lahat.

Bumangon ako, at napansin ang isang trey sa side table ng kama niya. May laman 'yon na isang baso ng tubig, gamot sa hang-over, bread toast, clubhouse sandwich at bacon. Sa gilid din ng kama ay mayroong nakalagay na puff sleeve dress.

Ininom ko ang gamot at isinuot ang damit, pero hindi ko ginalaw ang breakfast. I went downstairs and saw him with my sister. Palihim akong tumawa sa aking isipan. Kaya ba breakfast in bed ang binigay niya sa akin, para hindi ko sila maistorbo?

I don't care anymore. Tapos na ako sa mga laro nila. I'm done and tired. Tumayo si Leo, at nagpunta sa kusina.

Tuloy tuloy ang ginawa kong pagbaba. Sinalubong niya ako sa bukana ng hagdan.

"What are you doing here?" Mataray niyang tanong. Nakakunot na ang noo niya, at tila magwawala na sa inis.

"Dito ako natulog."

"Malandi ka talaga! Parehas kayo nang nanay mong malandi!"

Hindi na ako nakapag-pigil, dahil mabilis na lumipad ang palad ko sa kanyang kanang pisngi. Ngumisi siya at ginantihan din ako.

"Ahas ka! Wala kang modo! Boyfriend ng sarili mong kapatid, aahasin mo."

"Bakit, Ciara? Natatakot ka ba?"

"I'm not! Kahit anong gawin m—"

I did not let her finish. Tinalukuran ko na siya, ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Nanlilisik ang tingin na ibinibigay niya sa akin.

"Tatiana? Ciara? What's happening here?"

Iwinaksi ko ang pagkakahawak niya ng dumating si Leo. I still managed to composed myself and looked at them coldly.

"Uuwi na ako," paalam ko. Tinalikuran ko na ang mga 'to, at nagdire-diretso palabas. Narinig ko ang pagsigaw ni Ciara sa pangalan ni Leo.

"Get in. I'll drive you home."

Sinundan pala niya ako sa labas. I'll drive you home. Kung dati, kinikilig ako ngayon ay wala na akong pakealam.

"Huwag na," tanggi ko bago buksan ang gate nila.

"Baka mapahamak k—"

"Wala kang pakialam!" I shouted. "At wala ka na dapat pakialam pa. Sige na, bumalik ka na sakanya. Kaya ko ang sarili ko."

Tinalikuran ko na siya at dali daling nagtawag ng tricycle. Pagkasakay ko ay tinakpan ko ang bunganga ko upang pigilan ang paghikbi.  I can't hold my tears anymore. Patuloy lang ito sa pag-agos. I could taste on my tears the anger and emotions that I've been holding on for so long.

I love you, Leo. Mahal na mahal na mahal kita. Kung ikakasaya mo yung ikakasakit ko, papayag akong masaktan at magdusa para sayo.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now