11-Light Knight

158 13 0
                                    

Hindi ko alam pero bigla akong tinawagan ni Bec. Sabi nya ay pumunta daw kami ni James sa office. Aba malay ko kung tungkol saan.

Nagtext naman si James na sabay na daw kaming pumunta don.

Naligo na ko agad at nag-ayos.

Pag labas ko ng kwarto ay nandun na rin si James.

"Alam mo ba kung bakit nya tayo hinahanap?" Bungad sakin ni James.

Umiling lang ako. So hindi rin pala sinabi sakanya ni Bec?

Hindi pa naman ako nakakapag-check ng mga accounts ko kasi maaga pa.

May mga camera na sumalubong samin paglabas namin ng parking.

Nung nakarating na kami sa office ni Bec ay parang nakahinga sya ng maluwag.

"Nakita nyo na ba yung article?"

Nagkatinginan naman kami bigla ni James.

"Anong article?" tanong ko naman agad.

"Here" sabay pakita samin nung laptop nya.

Guess what? Yung kadramahan ko na hindi ko alam bakit ko ginawa, may nakakita pala.

"Paul, I told you not to go out di ba? Ngayon na idol ka na. How would we solve this na?" Halata sa muka ni Bec na problemadong-problemado sya.

Binasa ko lang yung nasa article.

"Paul, tell me, is everything in that article true?"

Napatango na lang ako. Totoo naman kasi talaga ang lahat ng nasa article eh.

Nagbasa rin ako ng comments at marami ang galit.

"Ganito na lang. Magbibigay ako ng statement tungkol dyan ok? I'll fix this. Just...be careful next time ok?"

Tumango na lang ulit ako.

Nagkaron naman ng sandaling katahimikan. Nakayuko lang kami pareho ni James habang nasa harap namin si Bec.

"Totoo na ba ang lahat?"

Kinabahan ako sa tanong ni Bec na yon.

"Oo" sagot naman ni James.

Ang sabi nya ay hindi namin pwedeng totohanin ang lahat? Pero sya ang nagsasabing totoo na ang lahat?

"Bec" nakuha naman ni James ang atensyon ni Bec.

"Magpapakasal na kami ni Paul" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nyang yon.

"What?!" gulat naman na tanong ni Bec. Kahit ako naman kasi ay hindi makapaniwala.

"Ang alam ng mga tao ay fiancee ko na sya. Pag kinasal kami, mas mapapatunayan namin sa mga tao na totoo ang relasyon namin, in that way, hindi maaapektuhan yung career ni Paul"

May point nga naman si James.

"I'll talk to some people and ask them about your idea"

---
Nandito lang ako ngayon sa dorm. Wala pang updates until now pero chineck ko yung account ko. Almost lahat ay nagte-tweet na galit. Sa FB naman ay articles na galing sa iba't ibang sources.

Nagcheck na lang ako sa internet. Nanood na lang ako ng reality show ng Dark Night.

Episode 3 na pala. Pinanood ko yon isa-isa.

---
Hindi ko napansin na almost 4 hours na pala akong nanonood. Na-entertain naman ako ng Dark Night. Next episode pala ay ilalabas next week. Haha parang nagiging fan pa ko ng Dark Night. Medyo mas nakilala ko sila dahil sa reality show nila. Adik pala talaga si Nuice sa salitang "nice", ugaling maknae nga naman talaga.  Si Ice naman ay may pagka-cold talaga. Si Theo at Gerdine lang ang feel ko na medyo makulit. Si Hyde naman yung tipong main singer na tahimik.

---
Nakapag-release na yung company ng official statement at medyo naging malumanay na yung ibang fans. Hindi na masyadong galit yung iba. Pinalabas na lang nila Bec na hindi totoo ang lahat ng mga nandon. Tutal di naman narecord nung gumawa ng article yung mga nangyari. It was just kind of a blog.

Nagpa-plano na kami ng wedding. Ngayon ay nagwo-workshop ako. Sabi naman, I can debut in acting na rin. Which is also good for my career as a solo idol.

Wala pang sure na project for me pero pinag-workshop na rin ako.

---
Sikat na designer ang gagawa ng gown ko. Sa magandang church din kami ikakasal. I think sinisimulan na rin nilang gawin ang invitations. Sa totoo lang stressful ang lahat dahil at the same time ay nagwo-workshop ako. Pero mas magaan ang lahat dahil nandyan naman si Bec at ang iba pang mga staff para mag-assist sa paghahandang ginagawa namin para sa kasal. Naplano na rin ata ang date para sa kasal.

Dahil Saturday naman ngayon, wala akong gagawin. Kakauwi ko rin lang from workshop. Nag-check ako sa internet at nakita kong may mga rumors na tungkol sa kasal namin ni James.

At the same time, may new episode na ang reality show ng Dark Night. Habang naglo-load yon ay kumuha muna ako ng yogurt sa ref.

Umupo ako ng komportable sa kama ko at habang nakatutok sa laptop ko ay kumain na ko ng yogurt.

It was actually fun. Puro facts lang ang episode na to. Paramihan sila ng mabibigay na facts sa mga nabunot nila. Bale, ang nagkabunutan:

Nuice-Gerdine-Theo-Hyde-Ice-Nuice

Sabi ni Gerdine ay may nakakatandang kapatid na lalaki daw si Theo. Feel ko naman ay alam na yon ng mga fans nila.

Tapos si Theo din daw ang pinakahabulin ng mga babae. I wouldn't doubt that. Gwapo nga naman kasi si Theo. Sabi naman ni Nuice ay si Gerdine ang pinakatorpe kahit pa leader sya. Tumitiklop daw kasi si Gerdine pag dating sa mga babae. Tas si Ice naman mapagmahal na kuya. Hindi lang daw talaga halata pero may kapatid pa syang babae. Ang nasabi lang ni Theo kay Hyde, matulungin daw. Fact ba yun o description? Almost puro description ang mga sinasabi nila.

May nakakatawa pang sinabi si Gerdine. May nagugustuhan na daw na babae si Theo. Medyo kinabahan si Theo nung sinabi ni Gerdine yon so feeling ko totoo. Alam ko namang hindi nila pwede sabihin ang totoo sa harap ng camera. Tas sinabi na lang ni Gerdine na "syempre kayong Light Knights yon" sumakay na rin lang si Theo sa sinabi ni Gerdine.

Dun ko rin lang nalaman na ang fandom name nila ay Light Knight.

Forced To Marry A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon