Sino Ba Tayo?

15 1 0
                                    

Sana'y hindi mo ako layuan
Sana hindi ka pipiglas sa oras na malaman mong
Hindi pala gubat ang binabaybay mo
Kung hindi isang madilim at masikip na pasilyo
Ang kapeng pinangakuan ka ng init hanggang sa maubos mo ito
Ngunit lumamig
Sana'y hindi ka lumayo sa oras na malaman mong masyado akong malungkot para sa'yo
Na masyado akong mahirap basahin
Masyadong magulo at maraming tinatago
Sana'y kilalanin mo ako
Sana'y itanong mo ang kailangan mong itanong
Ng walang takot, walang pag-aalinlangan
Sana'y isa man lang sa aking ibabatong mga rosas sa'yo ay saluhin mo
Kahit pa mahawakan mo'y tangkay nito
Sana'y hindi ka lumayo sa oras na malaman mong maraming hindi totoo sa mga sinabi ko sa'yo
Dahil dalawang taon na kitang... sana,
Sana'y hindi ka lumayo sa oras na malaman mong mahal na kita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SanaWhere stories live. Discover now