Chapter 24 The 'Incredible' Stephanie

26K 862 115
                                    

"When I'm alone, I think of so many things to say to you. But when I have the chance to tell you, I go speechless."


Hailey POV


"Ginawa niya yun sayo?!" Nanlaki ang mga mata ni Stef sa akin ng sinabi ko yung ginawang panghahalik sa akin ni Skylo nung matapos ang laro nung Huwebes.

"Yup." Sagot ko habang nakaakbay ako sa kanya.

Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila, araw ng Sabado. Gusto kong ipagpaalam siya sa kanyang inay na hindi pa dumadating mula sa pamamalengke para sana sa bakasyon namin ni Stef next week.

"Aba't gago pala siya eh!" Galit na sabi niya saka tatayo na sana na parang manunugod. "Saan ba yun nakatira? Makikita niya!"

Natatawang idiniin ko naman yung kamay ko sa pagkakaakbay sa kanya. Halos umusok na yung ilong niya.

"Hayaan mo na, nasapak ko na naman eh." Nangingiting sabi ko. Ang cute lang niyang magalit and to think na dahil sa nahalikan ako ng iba kaya siya galit ngayon ay mas lalo ko naman iyon ikinatuwa.

Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Bakit sapak lang ginawa mo sa kanya?" Sabi niya sa akin.

"O?" Nagmamaang maangan namang sabi ko. "Ano pa ba dapat?" Sabay kagat sa ibabang labi ko para pigilan yung kumakawalang tawa ko.

"Dapat sinipa mo pa, tinadyakan, sinampal, sinabunutan at sana tinuhod mo pa yung ano niya para magtanda!" Inis na sabi niya. "Babaeng yun! Akala mo naman magaling ang yabang lang eh! Nakakainis!"

Di ko naman napigilang matawa sa mga sinabi niya. Ako? Mananampal? Tsk, pang girly lang ang mga ganung eksena. Tsaka sabunutan? My God, pagtatawanan pa ako ng mga pinsan ko pag nagkataon.

"Aray ko!" Napaigtad ako sa sakit ng di ko namalayang nakurot na pala niya ako sa tagiliran ko.

"Ikaw naman!" Baling niya sa akin. "Bakit ka pumayag?"

"Pumayag?!" Di makapaniwalang sabi ko sa kanya. "Hell, no!"

Umirap siya sa akin. "Sana sinuntok mo din yung nguso niya para magtanda. Hmp!" Asar na sabi niya.

"Babe naman. Pati ba naman sa akin galit ka?" I said sheepishly.

"At tsaka yan!" Sabay turo sa pagitan ng mga mata ko sa may ilong ko na may band aid pa. Awtomatiko namang napahawak ako dun. "Siya rin ba may gawa niyan? Siya ba nagtulak sayo nun?" Tuluy-tuloy na tanong niya. Daig pa niya si mama Ana pag pinagsasabihan ako.

"Hindi yata eh. Iba yung natawagan noon ng foul." Tugon ko sa kanya.

Umirap na naman siya sa akin. "Makita ko lang yang Skylo na yan, hay naku! Tatamaan talaga siya sa akin." Asar na sabi niya. "Makikita niya!" Banta pa niya.

Di ko mapigilang di mapangiti sa kanya ngayon dahil ang possessive and protective lang niya ng mga sandaling iyon sa akin. Pero gusto ko yung pagiging possessive na ipinapakita niya sa akin, nakakataba ng puso. Nakaka-boost ng confidence. Hoo!

"Tama na yan." Kunwaring awat ko naman sa kanya saka hinimashimas yung braso niya.

"Tama na yan ka diyan! Di ako maka-get over sa panghahalik na ginawa sayo ng Skylo na yun!" Typical Stephanie, ang cute.

"Sinasadya pa nga niya yata nun na mahawakan ako sa dibdib." Wala sa loob na nasabi ko.

"Ano?!" Sigaw niya at napatayo pa talaga siya sa kinauupuan naming sofa dito sa sala nila.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyWhere stories live. Discover now