Love 10

129 9 2
                                        

[A/N: Zuey and Jace yung nasa pic.]
Jace's POV:
Pakshet!

Ang ganda pa din nya hanggang ngayon, wala syang pinagbago. Nagkatinginan kami ni Zuey at agad din naman syang umiwas, ang bilis pa din ng tibok ng puso ko.

Pero teka, sa iisang bahay lang sila Zaki?

"Pero bakit? I mean, magkaano ano ba kayo? Cousins? Childhood friends? What?" Tanong ni Zuey na titig na titig kay Cj kaya naikuyom ko naman ang kamay ko. Hanggang ngayon, si Cj pa din talaga ang pipiliin nya.

Tumingin sa kanya si Cj, "Y-yeah... Pinsan ko sya..." Sabi ni Cj kaya napatingin ako kay Zaki, para namang biglang hinampas si Zaki ng kama at napatungo na lang. Lumawak naman ang ngiti ni Zuey kaya mas bumaba ang simangot ko.

"Sige, bibili lang ako ng snacks for later." Sabi ni Zuey at masaya nyang kinuha ang bag nya, nakatitig lang ako sa kanya at tumingin naman sya sakin. Tinuro nya ako kaya medyo napaatras ako, "Come with me."

Lumabas na sya kaya sumunod agad ako sa kanya, "B-bakit?" Tanong ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin, dirediretsyo lang sya hanggang sa elevator kaya sumunod na lang din ako sa kanya.

"How are you?" Tanong nya kaya napangiti ako ng mapait, kamusta na nga ba ako? "Okay lang, ikaw ba?" Tanong ko kaya tumingin sya sakin at nag-cross arms pa, ginagawa nya yan kapag alam nyang nagsisinungaling ako.

Umiwas na lang ako ng tingin, dahil kapag sinabi ko ang totoo ay hindi din naman nya magugustuhan. "Look, I know you're not fine but I'm sorry... Si Cj talaga ang mahal ko, and I never felt this kind of love before."

Ouch, tangina ang sakit.

"Alam ko naman yun, kaya nga ni-let go kita, hindi ba?" Tanong ko pero hindi ako tumingin sa kanya, feeling ko kasi magbe-break down lang ako kapag tumingin sa kanya. PUTA! ANG SAKIT SAKIT. Kahit ilang buwan na ang nakalipas, hindi nabawasan ang sakit.

Hahawakan bali nya ako pero sakto din ang pagbukas ng elevator kaya lumabas agad ako, pero bago pa ako makaalis ng tuluyan ay narinig ko ang sinabi ni Zuey. "I'm sorry...."

********
Zaki's POV:

"Y-yeah... Pinsan ko sya..." Hindi ko alam pero bigla na lang akong nanlumo sa sinabi nya, pinsan daw? Edi wow.  Haaaay. "Sige, bibili lang ako ng snacks for later." Narinig kong sabi ni Zuey pero hindi ko na binigyan pansin ang mga pinagusapan pa nila.

Ang tanging nasa isip ko lang ay pinsan ako ni Cj, tekaaa! Don't tell me na nagka-amnesia na si Cj??? Omgggg, kaya siguro akala nya pinsan nya ako. Huhuhuhu, kawawa naman talaga si Cj. "Cj, nakikilala mo pa ba ako?"

"Oo naman, bakit?" Kunot noong tanong ni Cj kaya napaiyak ako, huhuhu. Agad namang napaupo ng maayos si Cj, "Huy, bakit ka umiiyak? Hoy, pansinin mo ako. Aba ayaw mo talaga ha." Patuloy lang sya sa pagsasalita kaya hinawakan ko ang ulo nya.

Agad ko yung pinakinggan, "Cj... Nagka-amnesia ka na ata, hindi mo naman kasi ako pinsan  e. Ako si Zaki, galing ako sa painting mo. Hindi mo talaga ako pinsan, Cj- Aray!" Sigaw ko ng biglang itulak ni Cj palayo yung mukha ko.

"Tanga ka ba?"

"Ay grabe sya oh."

Ako na nga 'tong concern sa kanya e, grabe na talaga 'tong si Cj, mapang-abuso na. "Nako Cj, irereklamo ko na talaga ang doctor mo, sabi nya likod mo lang daw ang problema, e pati utak mo nasira- ARAY!" Nakakailang pitik na yan ng noo ko ah!

"Hoy, ano bang pinagsasabi mo dyan ha? At tsaka, alam ko naman kung sino at ano ka. Hindi ako nasisiraan ng ulo, ikaw ata e." Sabi nya kaya tinuro turo ko sya, nagulat pa nga sya e. "Tignan mo na, tignan mo na! Ako pa pagbibintangan mo e hindi mo nga kasi ako pinsan!" Sabi ko at napakamot naman sya sa ulo.

Tignan mo na, abnormal talaga si Cj! "Ay yun ba ang sinasabi mo? May reason naman kung bakit sinabi ko 'yon e." Sabi nya kaya napatigil ako at napaiwas ng tingin, ang bilis ng tibok ng puso ko. Tama nga siguro si Cj, ako nga ata ang may sira.

"Hala! Hindi kaya may sakit ako sa puso?!" Nagaalala kong tanong bago tumayo at naglakad lakad sa kwarto nya, paikot ikot lang ako at nakita ko naman ang titig sakin ni Cj kaya tumigil ako. "Ano na namang problema mo?" Tanong naman nya.

Lumapit ako sa kanya at pinahawak ang puso ko, "Hala Cj, bakit namumula pisngi mo?!" Nagalala kong tanong pero mas nagulat ako ng itulak nya ako kaya napaupo ako sa upuan, hala, ang lakas naman nya.

"A-ano ka ba.... Bakit mo naman pinahawak sakin yung ano mo?" Tanong nya nang hindi sakin nakatingin. Ano na naman problema nito? Naramdaman nya kaya yung puso ko na may sakit? Halaaa, hindi kaya may taning na ang buhay ko kaya hindi sya makatingin sakin?

Napahawak ako sa puso ko, "Mamamatay na ba ako?" Tanong ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Cj. Siguro magpapa-check up na lang ako mamaya, oo siguro nga. "Hoy, kung ano ano na naman iniisip mo. At tsaka panong mamamatay ka, e ang lakas mong kumain?!"

"Alam mo minsan nakakainis ka, e pano ako pag hindi ako kumain, edi namatay talaga ako? Nako Cj, yung utak mo nga ang may problema." Sabi ko habang hinihimas ang ulo nya kaya tinulak na naman nya ako palayo.

Sinamaan nya ako ng tingin, "Ewan ko sayo, dun ka na nga. Nakaka-stress ka kausap!" Tignan mo! Ako pa ang nakaka-stress ha?! E sya nga tong kung ano ano ang sinasabi tapos ako pa ang nakaka-stress? Aba, nakakaloka naman talaga ang isang 'to.

********
Cj's POV:

Napangiti ako ng palihim dahil kanina ko pa gustong yakapin si Zaki, ang cute cute nya kasi talaga! Syempre may reason kung bakit ko sinabi na pinsan ko si Zaki, una dahil alam kong sasaktan nya si Zaki kapag sinabi kong special syang tao sakin. Pangalawa, matindi magselos si Zuey at alam kong gagawin nya lahat mapalayo lang sakin si Zaki. Pangatlo, baka ipagkalat pa nung gagong si Jace na espesyal sakin si Zaki at saktan pa nila ito.

"Hoy, kinakausap kita. Bakit hindi mo ako pinapansin? Don't tell me na nabingi ka din?!" Nagaalalang sigaw ni Zaki kaya natawa naman ako, kakaiba talaga mag-isip ang isang 'to. Out of the world e!

Binatukan ko naman sya, "Ano na naman ba sinisigaw sigaw mo dyan?" Kunwaring naiinis kong tanong. Sinamaan naman nya ako ng tingin kaya sinamaan ko din sya ng tingin, "Grabe ka na talaga Claud James, kanina pa ako salita ng salita dito-"

"Ang dami mong sinasabi, sumasakit ulo ko sayo." Sabi ko kaya napatigil naman sya sa pagsasalita, tinignan nya ako bago tumayo. For sure iba na naman nasa isip nito, abnormal utak nyang babaeng yan e.

Nagtaka ako ng iabot nya sakin yung headset, "O, ilagay mo sa tenga mo para hindi mo ako marinig dahil madami pa akong sasabihin sayo. Ilalabas ko galit ko sa ayaw o gusto mo." Sabi nya kaya napabuntong hininga ako.

"Bakit ba napaka abnormal mo?" Tanong ko pero nilagay na din ang headset sa tenga ko, nakita ko naman ang mga gestures nya at may pasuntok suntok pa sa ere. Kinuha nya pa yung bottled water na binili nya sakin at tinuro turo pa ako.

Habang pinapanood ko sya, napapangiti na lang ako. " Ang ganda mo talaga."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Love from Another SideWhere stories live. Discover now