Chapter 1 : US?

6.8K 104 26
                                    

"I miss your smile, your touch, your voice, your hug..... everything"

••••••••••

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos naming maghiwalay, nagkulong ako sa bahay. Pathetic na kung pathetic pero yun naman ang title ng istoryang ito hindi ba? Umiyak ako? Oo naman syempre. Sino ba namang hindi diba? Mahal na mahal mo yung isang tao tapos hihiwalayan ka.

"Sana mahintay mo ako, pangako babalik ako sayo."

Ayan ang mga huling katagang iniwan nya saakin. Sa isang linggong pagkukulong ko ay narealize ko, siguro naman hindi masamang maghintay ako diba? Hindi naman si Arvy yung tipong hindi tumutupad sa pangako diba? Sa lahat ng ito dapat akong magtiwala kay Arvy. Alam kong kailangan nya ngayon ay ang tiwala ko. Kasi nung araw na iyon ay parang may problema sya. Kaya kung may problema sya ay kailangan nya ako. Kailangan nya ng nakaiintindi sa kanya at pipilitin kong intindihin sya kahit na nasa malayo ako. Hihintayin ko sya at mas pipiliin kong bantayan na lang sya mula dito.

Bobo? Tanga? Tawagin nyo na akong ganyan. Wala akong pake. Basta kakapit ako sa pagmamahalan namin. Alam kong mahal nga ako at mahal na mahal ko din naman sya. Alam kong sobrang dami na ng babaeng napangakuan pero umasa at nasaktan lang. Oo! tanga nga ako dahil parang gusto ko pa makasama sa maraming iyan.

"Darating tayo dyan mahal, p-pero-- Ahmm. A-alam m-mo n-namang m-mahal na mahal kita diba?"

Napapikit ako ng biglang sumagi sa aking isipan ang kanyang kataga. Ayan ang mga katagang magpapatunay ng pagmamahalan namin at sa pangako nya, dun ako kakapit. Narealize ko din na sayang pala yung niluha ko. Sinabi nya naman kasi na babalikan nya ako. Alam kong babalikan nya ako. Kaya maghihintay ako.

Dali-dali akong bumangon at tinignan ang aking sarili sa salamin. Wala namang pinagbago, maganda pa din ako haha. Panibagong araw ito at kailangan kong magpakatatag kasi sigurado akong kumalat na ngayon ang balitang hiwalay na kami ni Arvy. Aba Couple of the year kaya kami sa office. Pero wala akong magagawa trabaho is trabaho.

Accountant kami parehas ni Arvy. Katulad ko din ang bestfriend kong si Jenny Rojan. Kaya sigurado akong magkikita kami mamaya sa office at sana mapigilan ko ang sarili kong kausapin sya at yakapin. Baka kasi mamiss ko bigla yung amoy nya, yung yakap nya, yung boses nya, yung ngiti nya, yung haplos nya. Pero alam kong wala na kaya Yanna tumigil ka. Ambisyosa!

7:30 na at 8:00 ang pasok ko sa opisina. Mapait akong napangiti. Mga ganitong oras kasi ako sinusundo ni Arvy para sabay kaming pumasok. Ang hirap talaga 'pag nasanay ka na nuh? Tapos biglang mawawala ang lahat. Siguro kailangan kong sanayin ang sarili ko mag-isa sabi nga nila. "Learn to be alone 'cause not everyone will stay". Oh diba pak na pak.

Hindi katulad ng ibang brokenhearted ay hindi ko na kailangan pang magpaganda. Maganda na kasi ako at imbis na hindi ako kumain dahil sa depression ay kain ako ng kain bakit? EH KASI NAKAKABORING WALA AKONG MAGAWA KUNDI KUMAIN! Kung sana kami pa ni Arvy ay nag-momovie marathon sana kami buong araw kasi day-off ko kahapon. PERO HINDI NA NGA KASI KAMI! jusko naman. Ansakit.

Tumunog yung alarm ko na nagsasabing, pero di sya nagsasalita ahh, 7:45 na at malelate na ako! Gising kasi Yanna! Hindi ka na nga nya susunduin. DAHIL.HINDI.NA.KAYO. Sabi ko nga eh :3 kailangan ipaulit-ulit? Ansakit-sakit na nga! Oo na! Papasok na ako! Lecheng Alarm Clock!

Ganito ba 'pag broken hearted? nagiging abno? Di ko tuloy alam kung magiging masaya ako na wala akong experience sa pagiging broken hearted o magiging malungkot eh. Langya naman. Sabi nga kase maghintay ako :3

Tumayo na ako at pumara ng jeep. Hays namiss ko na din magcomute ah. Dati--este nung nakaraang linggo lang eh lagi akong sinusundo ng motor.

Pagkasakay ko ng jeep ay siksikan na. pero biglang sumigaw yung driver ng... "Dalawa pa! Dalawa pa!" Ay grabe sya oh.

"Aba naman manong! Siksikan na kami dito tapos dalawa pa? Mapipisat na yung itlog ni kuya oh!" sigaw ko kay manong at tinuro yung katabi kong lalaki na ipit na ipit na ang hita. Bale lahat naman kami ganun na eh. Nakapatong kasi sa hita ni kuya 'yung itlog na dala nya. [A/N: Aminin nyo, ano yung naisip nyo nung una? HAHA]

Natauhan ata si manong driver kaya pinili nyang paandarin na lang yung jeep nya. Paghindi nya paaandarin yan ako magdadrive! Aba late na kaya ako.

"Bayad ho." Sabi ko sabay abot ng bayad.

"Ilan ito?" Tanong saakin ni manong driver.

"Dalawa sana manong, kaso iniwan nya ako." Sabi ko ng wala sa tuliro. Langya broken-hearted na broken-hearted ang sagot ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga pasahero. Di kaya matunaw ako neto? Alam kong maganda ako pero wag nila akong titigan.

"Oh neng , eto na sukli mo. Humuhugot hugot ka pa dyan eh" Sabi ni manong sabay abot ng sukli ko. Sisigaw na sana ako ng "Darna"-- este ng "Para" ng makita ko yung karatula sa jeep ni manong.

Wag sumigaw ng PARA 'pag bababa na. Ayan ang naka-lagay sa karatula. So pagtataas lang pwedeng sumigaw? Bawal sumigaw? Hmmm.

"Para, paki-bulong sa katabi mo hanggang umabot kay manong. Bawal daw sumigaw eh" Bulong ko sa katabi ko. Ayan ha. Di ako sumisigaw. Arte kase ni manong eh.

"Ang ibig sabihin nyan ay iba ang isigaw mo pag-bababa ka na. Kunwari "Manong bababa na po ako" 'yung ganun". Sabi saakin ng katabi ko kaya napatango na lang ako.

"Manong! Hanggang dito na lang ako! Itigil na natin to!" sigaw ko kay manong driver kaya bigla nyang naipreno ang jeep. Duon naman pumasok ang inertia kaya halos masubsob silang lahat. Oo sila lang, dahil alerto ako nakahawak agad ako. Ayoko kasing masyadong madikit sa iba lalo na lalaki ang katabi ko. Baka magselos si Arvy--ayy sabi ko nga walang magseselos.

Pagkatapos ng dramatic exit ko sa jeep ay eto ako ngayon. Nakatanaw sa building ng office namin. Oo nakatanaw lang, hinihintay ko kasing lumapit yung building saakin.

Pag pasensyahan nyo na ah. Naaabno ako eh. Inumpisahan ko ng maglakad. Baka kasi matakot ako paglumapit talaga yung building saakin. Pagkabukas ko ng pinto ay napatingin saakin ang lahat. Oh diba sabi sainyo eh. Maganda talaga ako.

"Di ata sila sabay ni Vayne?"

"Ang sabi-sabi ay break na sila nung nakaraang linggo pa."

"Wahhhh Shiniship ko pa naman sila! VeyAnna! Huhuhu"

"Baka naman kasi nakuha na ni Vayne ang gusto nya, You know ang birheng dangal, kaya ayan iniwan na"

"Oo nga, buti nga sakanya, kala mo kung sinong maganda ayan tuloy. Hahaha"

Napayuko ako sa mga narinig ko. Isa lang ang nagpasaya saakin ah. That VeyAnna OTP. Namiss kong marinig yun. Kaso wala na talaga. As of sa sinabi nila. Asus. Hindi ganung tao si Arvy, hindi sya yung lalaking ang birheng dangal lang ang habol sa babae at syempre hindi din ako yung babaeng ibibigay ang buo sa lalaking alam kong iiwan lang ako.

Dahil naka-yuko nga ako ay may nakabunggo akong lalaki. Naglag-lagan ang papeles na dala-dala nya. Kaya agad ko naman syang tinulungan sa pagpulot. Pagkatapos naming mapulot lahat ay napataas ako ng tingin para mag-sorry. Pero kaya pala pamilyar ang hugis ng palad at katawan nya. Kaya pala pamilyar ang amoy nya. Kaya pala naghuhurimintado nanaman ang puso ko.

"Sorry, Arvy." Sabi ko ng may mahinang tinig habang nakatingin sakanya.

-End of Chapter 1: US?-

A/N: Keanna is pronounced as Ki-yan-na| Arvy is pronounced as Ar-vi| Vayne is pronounced as Veyn| Rojan is pronounced as Ro-han

♦ Vote, Comment and Support ♦

Thank You So Much!

Ate Z

Pathetic Martyr BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon