Chapter 3: Jenny Rojan

3.6K 80 9
                                    

"I don't trust easily so when I tell I trust you, Don't make me regret it"

••••••••••  

"Hello, Yanna!" Sabi ng isang mahinhing tinig. Kahit hindi ako lumingon ay kilala ko sya. Wahh Namiss ko din itong babaeng ito ah!

"Jenneeeng! Namiss kitaaaa!" Sabi ko sakanya at niyakap sya. Wala akong pake kung nasa office man kami or kung work work work mode sila. Malakas naman ako sa boss eh. Haha

"Hm. Namiss din kita Yanna." Sabi nya ng mahinhin pa din. Sya si Jenny Rojan. Ang naging bestfriend ko nung 3rd year college ako. Isa sya sa may gusto kay Arvy nuon. Dati kasi ay naging famous si Arvy tahil sa talent nya sa pagkanta at paggigitara! Wahhh Proud Girlfri--err I mean, yea Ex girlfriend.

"Bakit antagal mo nga palang absent?" Tanong ko sakanya. Kung ako ay halos isang linggo absent, sya naman ay sumobra pa ng isang linggo.

"Ah-eh. F-Family Vacation eh" Sabi nya na uutal-utal. Nakita ko ang pasimple nyang pagsulyap kay Arvy kaya napakunot ang noo ko. Sinulyapan ko si Arvy at ganoon na lang ang gulat ko ng makatingin ito saamin. Especially kay Jenny. Awts. Pero may tiwala naman ako sakanila. Alam naman ni Jenny na mahal na mahal ko si Arvy eh. Siguro naman... siguro naman hindi na kailangan magbago ni Arvy ng girlfriend diba? Kasi diba pinaghihintay nya ako? Sheeet. Nalilito ako. Atsaka bakit parang hindi sya sure sa dinahilan nya? Wahhhh ano ba Yanna! Pati ikaw mismo nagiging chismosa na eh.

"Ahh- Okay, tara na sa cubicle may gagawin pa ako eh. Ikaw din siguro" Sabi ko sakanya at duneretso na ako sa cubicle ko. Eto nanaman ang nararamdaman kong kaba.

"Sige. Hays. Grabe talaga ang halaga ng pera ngayun noh. Pinahihirapan tayong mga Accountant" Komento nya pero hindi pa rin nawawala ang kanyang mahinhing boses.

"Buti pa nga yung pera pinahahalagahan" Sabi ko nanaman ng wala sa wisyo. Ayan napapahugot nanaman tuloy ako langya. Napaghahalataang broken hearted talaga ako. Alam ko namang hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang issue na VayAnna No More na yun T_T

"A-ahmm Yanna, T-totoo b-bang w-wala na kayo ni V-Vayne?" Tanong nya na may pag-aalinlangan. Yep. Bestfriends kami pero hindi kami open sa isa't isa. Mas open ako kay Deighmarc. Parang anggulo noh? Bestfriends kami pero parang front lang ganun.

"Oo." Simpleng sagot ko. For the nth time. Ayaw ko nga kasi pag-usapan. Baka isang sundot na lang saakin ay biglang maglandas ang mga luha sa buong mukha ko with matching uhog.

"B-bakit?" Tanong nya muli.

"Ahmm, P-pwede ba wag na lang natin pag-usapan hehe." Sabi ko sakanya. Nagiging chismosa din ata itech. Haha

"Ahh-- okay, sorry." Sabi nya pero tumango lang ako. Nakakawala sa mood 'pag naaalala ko yun. Wala kaming formal break-up kaya mas masakit eh. huhu.

Si Jenny Rojan, sobrang mahinhin sya dati pa. Sya ang nag-pauso ng 'pag tawag saakin ng Yanna. Nagkakilala kami nung 3rd year college kasi transferee sya nun at nagkataong ako ang seatmate nya kaya ayun. Ganun naman lagi diba? Baka naman hindi mo kinakausap iyung seatmate mo? :3 Sabay naming nagustuhan si Arvy pero ako ang naka-lapit agad. Sa kapal ng mukha ko? Haha. At duon na nagsimula ang pagmamahalan naming dalawa. Sabi nya naman saakin na wala daw syang nararamdamang hate. Syempre nanatili kaming magbestfriend.

Lunch time at sabay kaming kumain ni Jenny. Eto na kasi yung nakasanayan namin eh. Syempre hindi pa rin mawawala ang pagsulyap-sulyap ko kay Arvy. Sa mga araw na nagdaan bakit mas lalo akong naiinlove sa kanya kahit alam kong wala na talaga? Siguro nga martyr ako pero wala eh. PINANGAKUAN AKO. Atsaka wala pa naman syang bago. Okay na yun. Wala pa akong kapalit sa puso nya.

Marunong ako makuntento kaya kuntento na ako. Kuntento na akong maghintay sakanya at tumingin na lang sa malayo.

"Hahaha, Oo nga pare" Umabot sa pandinig ko ang mga tawa nya. Ang mga tawa nyang kay sarap pakinggan. Kailan kaya ulit kami tatawa ng sabay? Kailan kaya dadating yung point na magjojoke ako at kahit corny ay grabe pa rin sya makatawa. Hays. Sheet. Naiiyak ako.

*Mahal, may tumatawag sa'yo, sagutin moooo~*

Tuluyan ng lumandas ang luha sa pisngi ko langya. Yung ringtone ko hindi ko pala napalitan T_T . Ayan. Sya iyan eh. Boses nya yan na nirecord nya para matuwa daw ako bawat may tatawag. Shet, agad akong tumungo sa cubicle ko at pinunasan ang mga luha ko, huminga ng malalim bago ko sinagot ang tawag. 

"Hey, You Bitch! Antagal mong sagutin yung tawag! BITCH!" sabi nung tumawag, pagkasagot na pagkasagot ko. Sus. Sya lang pala ang tumawag bakit ko pa sinagot?

"Yea, I'm a bitch I know, and buti nga sinagot ko pa eh. Hindi ko kasi alam na ikaw pala ang tumawag." Sabi ko langya napapa-english tuloy ako. Etong babaeng ito kasi! Nag-eemote ako dito tapos ano? tatawag sya?! Langya! Ansarap talaga sabunutan ng babaitang ito. Maikilala nyo din sya soon. Isa sya sa mga peste ng buhay ko pero hindi ko kayang mawala. O diba andrama walanghiya.

-End of Chapter 3: Jenny Rojan-

♦ Vote, Comment and Support ♦

☻ Thank You So Much ☻

♥babyGD♥

Pathetic Martyr BitchWhere stories live. Discover now