Pre Finale : The root got what it Deserves

2.3K 72 5
                                    

Authors Note : Heres the new update. Excited kayo eh haha ! Ako din eh haha ! Naexcite kung ano mangyayari haha. Malapit na po itong matapos haha ! Kaya nais ko lang pong I-indorse ang iba ko pang stories. Taste of revenge (boyxboy) at One Day it comes to an End (girlxboy)  Punta nalang po kayo sa Works ko makikita niyo po don salamat haha ! tatapusin ko po muna ang stories pong nasa taas bago ulit ako gumawa ng bago. Actually madami na akong nasa isip ko naghahanap lang ako ng perfect timing for all of it. Vote po tayo mga readers at silent readers. Appreciation.

•••

Manang Fely's POV
(Flashback Continuation)

Kaya nakaisip ako ng paraan para mailayo sa disgrasya si Joel kung di talaga nila bibigyan ng halaga si Joel ako ang magbibigay ng halaga. Naging mabait saakin ang pamilya ni mam Jessie kaya tutunin kong alagaan ang panilya niya.

Nakiusap ako sa mga oulis na huwag munang ibubuklat ang nalaman nilang ito dahil may tamang panahon para ibuko ang baho ni mam Jeszelle. Nakiusap din ako na  mananahimik sila kahit na anong mangyari at kung kailangan ko ng tulong nila balang araw sa paglabas ng baho ni mam Jeszelle ay sumang ayon naman sila. Sa ngayon nakatagong lihim ang tangkang pagpapapatay ni Jeszelle kay Joel kaya pinalabas ko at kakuntsaba ko ang mga pulis dito. Kilala ko kasi ang mayor at nakataas na hepe dito. Kaya napakiusapan ko sila.

Kaya binigyang ng sakatuparan ang plano pinalabas naming namatay na si Joel iniwan namin ang damit niya sa gilid ng ilog para magmukha itong nalunod. Para hindi na din pagtangkaan pang patayin ni mam Jeszelle si Joel. Nanatili kaming tahimik at itinago ko si Joel sa probinsya namin inuwi ko siya sa pangasinan. Kung saan nakatira ang aking mga kamag anak.

Makalipas ang Ilang buwan nabalitaan kong nagbalik na si Mam Jessie dahil nasabi ito saakin ng mga kasama kong kasambahay nila sir Anthon narinig daw nila itong pinaguusapan ni Sir Anthon at mam Jeszelle.

Kaya napagdesisyunan ko ng lumuwas at ibulgar ang baho ni Mam Jeszelle kay Mam Jessie. Dumeretso kami sa bahay nila sir Anthon dahil akala ko doon na tumuloy si Mam Jessie dahil iyon ay pagmamay ari ng pamilya ni Mam Jessie. Nang makarating kami sa bahay naabutan naming nag aaway si Mam Jessie at Mam Jeszelle ng biglang sumigaw si Joel at nagtatakbo palapit kay Mam Jessie ng tingnan ko si mam Jeszelle ay wala itong malay. Inutusan akong ihiga si mam Jeszelle sa sofa at nagpatulong ako sa mga kasama kong kasambahay. Ng makaalis na sila Mam Jessie ay Umalis na rin ako at nagpagdesisiyunan kong tumuloy muna sa baryo namin malapit dito. Kinabukasan bandang hapon tinxt ako ni Mam Jessie na kailangan niya ng tulong ko sa hearing gusto niyang malaman ang katotohanan kaya ng gabing iyun kinausap ko na ang mga pulis na witnessed at and dalawang mamang nagtangkay patayin si Joel.

End of flashback
(Back to Jessie's POV)

"At ito na nga po ang tamang pagkakataon para ilabas ang baho ni mam Joszelle"sabi ni manang Fely. Ng biglang nagreact nanaman si Jeszelle.

"Walang katotohanan yan ! Anggaling mo din namang gumawa ng kwentong matanda ka ! Kung husgahan mo ako parang alam na alam mo lahat ! Diyos ka ba ?! Diyos ka  b-"sabi ni Jeszelle pero pinutol siya ni Manang Fely.

"Huwag ! Na huwag mong isasama dito ang Diyos ! Hindi ito tunglol saakin tungkol ito sa baho mong matagal ko ng pinagtiisang ilabas ! Oo ! Hindi ako diyos ! Pero alam ko at nakita ko ang lahat ng pinaggagawa mo kay Joel pero kahit hindi man lahat lahat alam ko sapat na iyun para pagbayaran mo ang kasalanan mo."sabi ni manang Fely.

EX - WIFE'S/HUSBAND REVENGE (boyxboy)Where stories live. Discover now