FINALE : What's going to happen next ?

3.5K 87 9
                                    

Author's Note : Ang mga picture po sa chapter na ito at picture sa Prefinale ay pag aari ko po. Mga photography ko ang mga yun kaya by appreciation vote po tayo. Salamat po.

Nais ko pong ipabatid 😂 na may ibang stories pa po ako na dapat ninyong abangan. Isa na po dito ang PATTERNS : TASTE OF REVENGE(boyxboy) AT ONE DAY IT COMES TO AN END(girlxboy) yong nakaclose parenthesis yan po yong guide niyo ibig sabihin pag boyxboy mga lalaki yan at pag Girlxboy yan yong babae sa lalaki haha ! Alam niyo na ? Kaya pag Ayaw niyo sa boyxboy go with the "One day it comes to an end" yun po pang makikitid ba utak yun ! Este pang normal love story hahaha!

Salamat po pala sa pagsuporta niyo sa story ko po na ito naapreciate ko po it takes me years para matapos too haha ! 3 years ata haha! Salamat po sa mga masipag magvote diyan naappreciate ko po kayo ! Sobraaaa ! At pagpasensyahan niyo na po ang mga sasabihin ko gusto ko lang magising ang mga ito. Kaya susulitin ko na haha ! Sa mga hindi na nga nagvovote at nagrereklamo at bashers pa ! ANGKAKAPAL NG BIGBIG NIYO !!! MAKIKITID ANG UTAK NIYO ! KAYO YONG TINATAWAG NA BOBO ! NAKITA NA NGANG BOYXBOY ! Sasabihin pang ano ba yan akala ko babae ! Ano ba yan pang bakla.! Pwe ! Hahah ! Alam niyo na ng pong boyxboy tema ganun pa at di mo kayo marunong umintindi ng binabasa niyo puro kayo basa haha ! Iilan nalang ngayon ang mga babaeng sobrang kinikilig sa ganito haha ! I salute you girls 😁 sa mga ganung babae ako naiinlove haha ! Kaso di ko pa kailangan love life ngayon haha ! Sakit lang yan sa ulo haha.

Ayan at dito sa chapter na po nagtatapos ang story na ito hope po na supurtahan niyo po mga on going stories at upcoming stories ko promise ! Di kayo magsising nagbasa kayo ng stories ko dahil matutunghayan niyo lahat ng uri ng pag ibig. Happy Ending man o Never ending 😂 joke lang haha! HAPPY ENDING MAN O WALANG FOREVER ! Asahan niyo masasatisfy kayo sobra ! At syempre di lang lagi pag ibig nandun na din ang friendship at iba't ibang genre pa haha ! So Ito na po ! Are you ready !!! Here it comes !

•••


Jessie's POV

Kasalukuyan akong nandito sa condong tinitirahan namin ngayon. Actually Isa ito sa pag mamay-ari namin ito ang pinakamalaki dahil ito ang nasa pinakataas. Para na itong isang bahay kung tutuusin. Kasya na kami dito ni Joel.

Hindi pa kasi kaya ni Joel ang tumira sa dati naming bahay dahil bumabalik yong mga pang aabusong ginawa ni Jeszelle sakanya. Kaya dito nalang kami. Maganda naman na dito. Isinama na din namin si Manang Fely dito para naman may mag alaga kay Joel pag wala ako.

Sa katunayan hindi pa nagsisink in sa utak ko lahat. Pero ang alam ko safe na ang anak ko at sa lahat ng pinagdaanan niya atleast namdito pa siya. Laking pasasalamat ko nalang talaga kay Manang Fely.

Kasalukuyang nanonoud si Joel ng Tv sa sala ng may magdoorbell. Kaya ako nalang nagbukas kasi nagluluto pa si Manang Fely ng Tanghalian namin. Ako na sana ang magluluto kaso namiss ko ang luto ni Manang Fely kaya ganun.

Nang Buksan ko ang pinto. Tumambad saakin si Anthon ng nakangiti. Napakagwapo niya ngayon. Bagong shave siya at nakaayos buhok niya at nakaformal suit siya. Siguro galing siya ng trabaho. Hindi ko pa kasi siya tinatanggal sa kompanya namin dahil siya ang nagpapatakbo dito at hindi ko naman kayang sirain ang buhay niya dahil lang dito pero masyadong malaki ang nagawa niya at hindi sapat na dahilan yun para sirain mo ang buhay ng isang tao. At hindi naman siya ang may kasalanan. Pero may kasalanan din siya. Sobrang gulo ng utak ko ngayon part of me wants him then part of me gusto kong magbayad din siya. (WORD FOR THIS STORY! )"Minsan kasi sa buhay ng tao kung sino pa yong mababait na laging umiintindi sila pa ang nagiging masama sa mata ng mga tao eh wala lang naman silang ibang ginawa kundi umintindi. Kahit kasi gusto mong paghigantihan ang isang tao biglang pumapasok ang kabaitan sa puso mo. Hindi sa ayaw natin kundi wala tayong ibang inisip kundi ang sitwasyon ng iba. Kaya mahirap maging mabait. Sa katunayan dapat isipin din natin ang pansarili nating kaligayahan tanggalin muna natin ang kaligayahan ng iba. Magfocus ka sa sarili mo muna bago mo mahalin ang iba." Nabalik ako sa aking ulirat ng magsalita siya.

EX - WIFE'S/HUSBAND REVENGE (boyxboy)Where stories live. Discover now