IV. House or Home?

6 0 0
                                    

Ginabi ka yata ngayon?

"Ay oo, puro full load kasi lahat ng jeep na nadaan."

"Sigurado ka?" Nagpasundo ka na lang sana sa akin kung mahirap sumakay ngayon.

"Ay hindi na, alam ko naman na pagod ka maghapon.Ayokong abalain ka" Kumain na ba si Ningning?

"Oo, tulog na siya.Kanina ka pa niya hinihintay."

"Ikaw kumain ka na ba?

"Tapos na. Ikaw kumain ka na.May nakahain ng pagkain sa lamesa.

"Ay sige."

*****
Matulog na tayo sweetie?

Mauna ka na Belle. Nanonood pa ako t.v.Tapusin ko lang toh.

Tara na, tulog na tayo. I miss you.

Mamaya na. Maganda palabas.

Please,let's sleep.

Ang kulit mo! Sabi nanonood eh!

Okay fine! Night!!!! (Blaaaaaaaaaaag!)

Kapag nagising ang bata! Ikaw ang magpatulog! Hindi ka lang mapagbigyan ...ganyan ka na!
Pagod ako! Intindihin mo sana yun!

Don't talk to me! Matutulog na ako! 😠😠😠
Siguro may babae ka ganyan ka! Bahala ka na nga sa buhay ko!

Babae? Ayan ka na naman.Pararatangan mo na naman ako ng mga bagay na hindi ko kayang gawin.

Patayin mo na yang tv. Nag aaksaya ka lang ng kuryente! Tandaan mo, mas malaki ang naipapasok kung pera sa bahay na ito kaysa sayo!

Belle naman! Pati ba talaga yan isusungbat mo sa akin? Oo hindi ako nakapagtapos ng college gaya mo pero ginagawa ko naman lahat para maging mabuting asawa at ama sa inyo ah.

Kung hindi dahil sayo, sana malaya pa ako.Sana nagagawa ko pa ang mga bagay na gusto ko.Sana dalaga pa ako,walang pinoproblemang anak at asawa.

Pinagsisisihan mo kami ng anak mo? Somosobra kana Belle! Diyan ka na nga!

Dirty Little SecretsWhere stories live. Discover now