VI. Class Discussion

6 0 0
                                    

Sweetie, tungkol sa nangyari kagabi. Pasensya ka na.Alam ko kasalanan ko yun", Rod uttered

"Please, hindi pa maganda mood ko sayo.Hayaan mo muna ako mag-isip at huminga."Belle requested

"Okay" ,Rod sighed. "Sorry ulit"

*****
gudeve po

from +639756435078
*****

B:Who are you?

J:Si Jervic ito ma'am.Kamusta?

B: E2 malungkot.

J:Sad ka ma'am? Y po mam?

B:War kami ng asawa ko?

J:Ano po nangyari mam?

B:I think nagiging cold siya sa akin.

J: baka may iba ma'am

B: hinala ko nga.wala naman daw sabi niya

J: alangan naman aminin niya sau mam?

B: ewan.para nagsasabi nman sea ng 22o

J:meron yan mam.maniwala ka.ganyang yung tatay ko noon.

B: wag namn sana.baka makapatay ako.

J: hala mam.grabe.

B:ay sorry.

J:ok lng mam.nadadala ka lang ng emosyon mo.

B:gawa mo?

J:nagbabasa ng leksyon mam

B:ay cge baka naiistorbo kita.I need to prepare my IMs for tomorrow.Gudnight.

J:gudnight mam.pakatatag ka.mwaaaahhh
*****

Good morning class.

Noong nakaraang linggo, sinabi kong isulat niyo sa kwaderno ninyo ang mga uri ng tayutay.Ngayon ating pag usapan ang konseptong ito.Sino ang makapagbibigay sa akin ng uri ng tayutay at nang halimbawa nito?

Pagtutulad ma'am.

Magaling! Ano ang pagtutulad?

Ang pagtutulad ay ang paghahambing ng dalawang bagay gamit ang -magkasing, -sing
-kagaya ng ..katulad ng

Mahusay! Sino ang makapagbibigay ng halimbawa ng pagtutulad?

Nagtaas ng kamay si Jervic.

Jervic?

Ang kutis ni ma'am ay singkinis ng singkamas.

Uyyyyyyyyyy! sigawan ng lahat.

Haha.Magaling Jervic.At ginamit mo talaga ako sa halimbawa mo.Okay class, ano ang dalawang bagay na pinagkumpara?

Kutis at singkamas mam!

Magaling!

Mayroon pa ba kayong ibang halimbawa?

Ang kanyang  labi ay kasingpula ng makopa.

Ang dalawang bagay naman na pinaghambing dito ay labi at makopa?

Naiintindihan ba ang pagtutulad?

Opo ma'am.

Ngayon dumako naman tayo sa susunod na uri ng tayutay.

Ano naman ang pagwawangis?

Ito ang direktang pagkumpara sa dalawang bagay nang hindi gumagamit ng -sing, magkasing.

Magaling.Kung ganoon ang pagwawangis ay kasalungat ng pagtutulad.Ang pagtutulad ay gumagamit ng sing, magkasing  at iba pa para pagkumparahin ang dalawang bagay pero ang pagwawangis ay hindi.Kung ganoon, sino ang makapagbibigay sa akin ng halimbawa?

Ikaw Ma'am  ang bituin sa buhay ko

Ayyyyih! Sigawan uli ng lahat

Magaling Jervic! Ano ang dalawang bagay  na pinagkumpara?

Si ma'am at bituin ma'am.

Napakagaling.Madali kayong turuan.

Sino pa ang makapagbibigay sa atin ng halimbawa?

Yes Juris?

Lahat tayo ay may ahas na kaibigan!

Mukhang malaman ang halimbawa ni Juris.Sino kaya ang pinapatamaan niya?hahaha.Biro lang.

Ano ang dalawang bagay na pinagkumpara?

Ahas at kaibigan ma'am.

Magaling, ngayon dumako tayo sa ikatlo.

Ano naman ang personipikasyon?

Ang pagbibigay buhay sa mga bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga  katangian nagagawa ng tao.

Mahusay! Ano naman ang halimbawa nito?

Ang buwan ay nakangiti ngayong gabi.

Tama! Ano pa?

Ang mga damo ay sumasayaw sa galak.

Napakagaling!

Dumako tayo sa ikaapat at ito ang pagmamalabis?

Ano ang pagmamalabis?

Exxageration ma'am.

Tama. Ito ang paggamit ng mga salita na napakaimposibleng mangyari..

Sino ang makapagbibigay ng halimbawa?

Jervic again?

Mahal mo ako ma'am.

Hah? Ano yan?

Pagmamalabis mam?

Paano naging pagmamalabis yan?

Kasi imposibleng mahalin mo ako ma'am.

Hahahahahahahahaha! Witwiw! Ayyyyyyyihhhhh
Tawanan ang lahat!...

Iba naman yan Jervic. Mayroon ka bang maibibigay na ibang halimbawa?

Susungkitin ko ang buwan,mahalin mo lang ako ma'am.

Magaling.Ano pa? May maidadagdag ba kayo?

Yes Juris?

Sasagutin ka lang ni ma'am kapag pumuti ang uwak.
Hahahaha😀😀😀

Ouch.Sakit mo naman magsalita Juris. Ma'am mayroon pa akong halimbawa.

Sige Jervic, ano yun?

Saka lang magkakaboyfriend si Juris kapag nabilang ko ang buhok ko.

Tawanan ulit ang lahat! 😁😂😃

Grabe! Tama na yan!

Jervic,huwag mo nang asarin si Juris. Di mo ba alam na crush ka niya?

Ma'am naman eh, never ako magkakagusto sa tsonggong yan!

Wow hah! Tinawag mong tsonggo ang mukhang ito? Madami nang nabighaning babae sa kagwapuhan ko noh!

Awat na! Ipagpatuloy na natin ang ating aralin.Ngayon dumako na tayo sa huling uri ng tayutay at ito ang pagtawag. Ano ang pagtawag?

Ito ang pagtawag sa mga bagay o tao na wala o hindi nakikita.

Tama! Bigyan niyo ako ng halimbawa!

Oh Rizal, gumising ka at tulungan mo ang mga kabataan ngayon.

Tama! Ano pa?

Oh Kamatayan, sunduin mo na ako at akayin.

Magaling! Ngayon class, gagawa kayo ng liham na mayroon ang 5 tayutay na pinag-aralan natin ngayon.Salungguhitan ang mga tayutay para mas mabilis kong maidentify.Gagawin niyo ito ng 20 minuto.Ang may pinakamagandang output ay ipupublish sa ating school paper.Gawin niyo niya at pagkatapos, maari na kayong lumabas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dirty Little SecretsWhere stories live. Discover now