VIA 2 Pagbabalik-tanaw

740 78 10
                                    

Gusto niyo bang malaman kung bakit ako napunta sa VIA? Oo mahirap mang tanggapin pero mas gusto ko sa TEAM eh mas masaya doon kasi nga sa VIA ay karamihan ay matatanda na yung kasama ko.

Heto na nga ikukwento ko na...

★flashback★

Noong nasa TEAM pa ako ang saya-saya ko kasi lahat kami ay magkakasundo. As in lahat-lahat kami yung tipong grupong mahirap tibagin kasi napakatibay ng pundasyon.

Kapag nagkakaroon kami ng extra time pupunta sa bahay ni ganito para magmovie marathon. Yung closeness talaga naming TEAM ay Kakaiba.

Tapos kapag mayroong problema si ganito ay tulong-tulong kami para masolusyonan namin iyon.

Kapag nagkaroon ng samaan ng loob o kaya ay hindi pagkakaunawaan ang bawat miyembro ay nagdaraos kami ng isang open forum para mailabas ang iyong saloobin sa bawat isa.

Through that, mas napapatibay pa namin ang aming samahan kasi nagiging open kami sa isa't isa.

Yung leader namin sa TEAM ay strict talaga. Kapag sinabi niya dapat sundin namin at hindi kami pwedeng magreklamo.

One time ay gumawa pala yung Kuya ko ng kalokohan at naging syota niya pala si Stella at Dina na KaTEAM ko. Timer pala Kuya ko tapos ayun nag-away yung dalawa.

At dahil sa nangyari, nagkasagutan yung Kuya ko at yung Leader namin at ayun nag-away na sila.

At nung nalaman iyon ng Tatay ko ay galit na galit siya sa Leader namin kahit na ang Kuya ko ang may kasalanan.

Yung tatay ko po ay hindi pa masyadong malalim yung Faith niya kay God. Minsan naninigarilyo pa siya at umiinom ng alak. Mabuti na nga lang at hindi siya nagsusugal eh.

At dahil nga sa nangyaring iyon, kinausap ako ng tatay ko...

"Anak Arlyn, umalis ka na sa TEAM na iyan! Lumipat ka na lang ng ibang Ministry! Masama ugali ng Leader niyo!" Sabi ni tatay ng pasigaw at pagalit.

"Eh tay, ayoko po! Alam niyo naman pong hindi ko kayang talikuran yung Ministry na kinagisnan ko eh..." sabi ko habang nagmamakaawa sa kanya.

"Wala akong pakialam! Kung anong sinabi ko sundin mo! " -tatay

"Opo!"

At dahil si Tatay ang batas sa amin, wala akong nagawa kundi sundin siya na lumipat ng Ministry.

Mahirap para sa akin na tanggapin na iba na yung Ministry ko pero may better pa sigurong plan sa akin ang Lord.

★end of flashback★

Namimiss ko na yung TEAM... hindi ko na sila masyadong nakakahalubilo dahil parang hindi na ako nag-eexist sa paningin nila.

Ang sakit, para wala na akong kaibigan sa loob ng Church.

Wala kasi akong nagawa para maipagtanggol ang Ministry na gusto ko.

Gusto kong maibalik yung dati naming samahan ng TEAM kahit wala na ako sa kanila.

Ngayong VIA na ako, ieenjoy ko na lang na napabilang ako rito.

★★★★★★★★

Elmo's Note:

Sana po ay nagustuhan niyo :) magcomment at magvote po kayo salamat!

Pasensya na at ngayon lang nakapag-update busy na kasi sa school eh. Salamat sa aking mga new readers na sumosuporta rito.

Word of God

They were forbidden by the Holy Spirit to preach the Word in Asia. 

-Acts 16:6

Contentment comes when we want God's will more than our own way.

Copyright © risingservant 

All Rights Reserved 2014

Heart of a ServantWhere stories live. Discover now