Chapter 3: THE TALENTED NAFFY

150 19 0
                                    

@@@ Shin Lee @@@

                Habang nagbabasa ako ng kung anu-anong files sa desk ko ay bigla akong may napansin na pumasok sa kwarto ko ng hindi man lang kumakatok o tumatawag.

                Tinanggal ko muna ang suot kong eyeglass at inilapag sa ibabaw ng lamesa bago ko tinignan ang walang modong pumasok.

                Pagkakita ko sa mukha niya ay napasimangot ako agad, Si Ate Naffy lang pala ang pumasok.

“Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong ko rito ng makalapit ito sa akin at habang nakatayo ito sa harap ko.

                Ganyan ako magsalita sa kanya noon dahil nawawalan ako ng manners pagdating sa kanya, at hindi ko alam kung bakit..siguro hindi lang talaga ako sanay na igalang siya dahil kahit sa bahay ay hindi ko na siya pinopo..pero kahit na hindi ko siya pinopo ay tinatawag ko naman siya na Ate kaya ginagalang ko parin siya kahit papaano.

“”Marunong naman, kaya lang tinamad akong gawin iyon eh, kaya pumasok na lang ako agad” wika nito habang nakatuon ang pansin nito sa paligid ng kwarto.

                Wala talaga itong manners, sumasagot ng hindi nakatingin sa kausap.

“Pwede ba akong umupo?” tanong nito sa akin habang nakatayo pa rin ito sa harap ko.

                Hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya ay umupo na agad ito..

Wala talagang modo tong ate ko ah, saan ba to nagmana tsk. Pasalamat siya at ate ko siya dahil kung hindi baka kanina pa ito nakatikim ng galit ko at kanina pa ito naparusahan.

“Anong kailangan mo sa akin?” tanong nito ng makaupo ito.. napagbuntongan nanaman nito ng pansin ay ang eyeglass ko na nakalapag sa desk ko dahil hawak hawak na nito iyon.

                Hindi lang pala ito walang manners, pakialamera pa tsk.

“Akin na nga yan” sabay hablot ko sa kanya ng eyeglass ko pero naiilag niya.

“Pahiram muna saglit” sabay suot nito sa mata niya.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko na lang sa kanya, kaysa naman makipag-agawan pa ko sa kanya ng eyeglass ko .

“Pinatawag mo ako kaya ako na rito” pilosopong sagot nito, as if naman na hindi niya nagets ang ibig kong sabihin.

“Bakit ka narito sa Prince Academy?” ulit kong tanong.

“wala lang, gusto ko lang tsaka di ba nga sabi ko secret” sagot nito habang pinapakialaman ang mga files na binabasa ko kanina.

“Anong wala lang? anong gusto mo lang?..hindi mo ba alam na hindi pwede ang isang babae sa Prince Academy?” saad ko rito.

“Alam ko, kaya nga nakapanglalake ako di ba?” sabay tayo nito at pinakita ang suot nito ng panglalake “Tsaka hindi pa ba ako mukhang lalake sayo?” sabay pose naman nito na parang mr. pogi.

                Wah! Ano bang gagawin ko sa babaeng ito? Hirap mag-explain sa kanya.

“Mukha ka ngang lalake pero hindi ka naman talaga lalake ate Naffy at paano na lang kung malaban nila na hindi ka lalake at isa kang babae?”

“Anong gusto mo?” sabay balangbang nito sa akin. “magpalagay ako ng titi para maging qualified ako rito? Tsaka wala naman makakaalam na babae ako kung hindi mo sasabihin sa kanila” katwiran pa rin nito.

                Hay naku, matigas talaga ang ulo nito, ayaw patalo eh haist.

“Bahala ka na nga” suko kong saad. “pero dapat bagohin mo yang ugali mo kasi masyado kang bastos, dapat marunong kang kumatok tapos huwag kang pakialamera, pwede ba?” wika ko rito na ikinataas ng kilay niya “at huwag mo ring asahan na hindi kita paparusahan pag nakagawa ka ng kasalan o may nailabag kang batas rito, naintindihan mo?” mahaba kong saad.

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon