Phone Call

1.3K 15 5
                                    

Pumunta kami sa bahay ng tita ko sa taguig dahil birthday nya. It was like 2 years ago. May paupahan syang bahay na nabili lately na walang nakatira dahil nga bagong bili, just a lakad away from her home. Dahil hindi naman ganun kalaki yung bahay nla at madaming tao, dun nya sa paupahan pinalagay yung mga bags namin at nilock namin yung pinto.







While partying, naalala ni mama na naiwan niya yung cellphone nila sa bag nila. At dahil bunso ako, syempre ako yung inutusang kumuha nung phone nila. Iniwan ko sa kanila yung phone ko incase na mahanap ko, tatawag ako.







Naglalakad na ko papunta dun at sobrang dilim talaga papunta. Pagdating ko dun? Hinanap ko yung phone nila pero ewan ko bat di ko makita. Dahil sguro tinatamad ako maghanap. Umalis na ko agad kasi natatakot na dn talaga ko dahil parang napakabigat ng feeling ko dun.







Then, bumalik na ko sa bahay ng tita ko. Naalala ko, may sinisipa pa kong bottle nun. Then suddenly nakita ko tumatakbo sila mama. Takot na takot. Tapos niyakap ako ni mama na umiiyak. Natawa pa ko kasi akala ko nagjjoke lang.




Ako: luh bakit?
Mama: @$!#%* mo anong nangyari sayo!!!
Ako: anong nangyari sakin? (Natatawa talaga ko kasi wala akong alam)
Mama: wag mkong tawanan!





Kinuwento sakin nila ate na tumawag DAW ako gamit yung phone DAW ni ate na umiiyak ako at humihingi ng tulong. Puro lang daw sigaw at tulong lang naririnig nila. Which is creepy kasi hindi ko naman nahanap phone nila. We went back to the paupahan and found out na nandun pa dn yung phone nla sa bag. After 3 days binalikan nila tita yung pinagbilihan nya nung bahay, sabi nung may-ari, pinaupahan nya yung bahay na yun at ginawa lang cybersex nung umupa. It's not just a cybersex, may dalawang babaeng nagpakamatay dun dahil nga sguro hindi na makayanan yung sitwasyon nla at hindi dn sla pinapalabas ng bahay.

Spookify StoriesWhere stories live. Discover now