Simbahan

872 9 0
                                    

Hi, gusto ko lang ishare yung karanasan ko about sa mga kaluluwa or mga bagay na nagpaparamdam dyan sa paligid or kung saan pa man. Nung una hindi talaga ko masyadong naniniwala sa mga kwento kwento about sa multo, ligaw na kaluluwa o mga engkanto. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na maniniwala lang ako kapag ako na yung nakakita o nakaramdam.







So ganito na nga, ako nga pala si Ed, lagi kasi kaming umiinom ng mga kaibigan ko kapag natsempuhang walang pasok kinabukasan. Meron kaming kaibigan na malapit mismo sa simbahan yung place kung san kami umiinom (Hindi mismo sa loob ng simbahan). Sa likod ng simbahan kami umiinom at nagkwekwentuhan, meron kasing kubo don at malamig. Hanggang sa umabot kami bandang 3am natapos yung inom at nagkwentuhan na lang. Nabanggit ng kaibigan ko na "Alam nyo ba pag ganitong oras merong naglalakad sa labas ng simbahan na nakakadena? Dinig na dinig ung tunog ng kadenang nakasabit sa paa o katawan nya na parang hila hila nya" So kami namang mga kaibigan ko nagka interes pag usapan ang mga ganong bagay. Pero sa oras na yon natatakot na ko at nag iimagine sa isip ko kung anong itsura non. Hanggang sa nasabi ko "Edi tara mag ghost hunting na lang tayo oh?"







Bandang 4am, kumpleto pa din kami at walang uwian nga kase, isang babae saka 5 ata kaming lalake puro magkakaibigan kame. So ganito na nga, ang target naming is maglakad lakad around sa simbahan. 4am ah 4am. So takot na takot nako, naka gitna ako sa mga malalaking taong kasama ko. Halos wala naman kaming marinig na kadena or kaluskos sa paligid, hanggang sa naisipan naming pumasok sa simbahan dahil nakabukas naman ung pinto sa likod, taga don din kasi ung kaibigan ko malapit sa simbahan halos kapitbahay nila kaya alam nya ung pasikot sikot.






Hindi ko na patatagalin pero pag pasok naming ang bubungad sayo is yung altar, hindi naman ako hilo o lasing ng mga oras na yon. Hindi ako makapaniwala na merong Pari sa gitna ng altar na para syang nagmimisa sa madaming tao pero walang boses nakatayo lang sya. Hindi ko inalis yung tingin ko sa kanya kasi gusto kong mafeel kung totoo ba yung nakikita ko o namamalikmata lang ako.






Halos 10 seconds ko syang tinititigan, pero hindi ko maaninag yung mukha nya. Nakapagitna pa din ako sa mga kaibigan ko na walang lumalabas sa bibig ko kung hindi "Sh*t putang*na hindi nyo ba nakikita yung nakikita may nakatayo sa altar tignan nyo dali putang*na" (sinabi ko yon paulit ulit ng pabulong dahil maririnig ako kung sisigaw ako) hindi ko alam kung maiihi ako, maiiyak, matatakot, tatakbo, kakabahan, mamumutla basta halo halong emosyon ang naramdaman ko. Hanggang sa hindi ko na nakaya tumakbo ako palabas hatak hatak ung iba kong kaibigan. Pag labas namin, napaupo na lang ako at walang imik.






Kinamusta nila ako at tinanong kung ano nangyare, habang sinasabi ko sakanila hindi ko namalayan tumutulo na pala luha ko sa takot at kaba. Paulit ulit kong sinabi na may nakita ako sa altar na Pari na parang nagmimisa pero nung sinasabi ko daw yun wala naman daw silang nakikita, hindi talaga ko hilo o lasing, alam ko yung nangyayare ng mga oras na iyon.







Matapos yung mga nangyare at yung Paring nakita ko sa gitna ng altar. Nung nasa labas kami sinasabi nila na "Wala yon guni guni mo lang yon tara na ulit sa loob." Hindi ko sila pinansin kasi alam ko sa sarili ko ano yung nakita ko. So sige game na ulit, pero bago pumasok nagdasal ako, habang papasok unti unti kong nilingon ung altar pero wala na yung nakita ko kanina. So okay na ko, kampante nako pero etong kaibigan ko dahil alam nya yung pasikot sikot, inaya nya kaming umakyat sa taas sa mismong kampana, so sige tara. Paikot yung hagdan, magkakalaglagan kung sabay sabay aakyat dahil masikip lang kaya isa isa kaming umakyat pero sunod sunod kami. Madilim pa nga eh kaya nag flashlight kami gamit yung phone namin. Siguro mga 3rd o 4th floor yung taas, bawat floor merong mga vandal sa paligid sa mga dingding. (Meron pa nga akong mga pictures ng vandal pero binura ko na dahil sa takot ko sa nangyare.)






So kwento ko na, nasa taas na kami sa mismong kampana, malamig ang hangin dahil mataas eh, so wala namang nangyare masyado napagod lang kami. Eto na, palabas na kami galing sa pinaka mataas na floor, nauuna yung kaibigan ko pero nung palabas na sya bigla syang tumigil at sinabing "Pre mauna kayo parang ayoko ng bumaba" Nung nadinig ko yun, agad akong natakot kung ano meron sa baba (Shet kinikilabutan ako sa mga oras na to habang tina-type ko yung story nato). So sabi ko "dali na natatakot nako ano ba meron jan bumaba na tayo" So yung babae naming kaibigan sinilip nya yung baba kung ano meron at bigla syang napatili, napaupo at napa dasal.






Takot na takot ako kung ano yung nakita nila sa baba, wala ng atrasan kasi kailangan na talaga naming bumaba. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, kami lang ang gising ng mga oras na yon. Sa baba ng hagdan merong tatlong kandila na nakasindi, tatlong kandila na paakyat sunod sunod. Ultimo parang inilawan kami dahil madilim nga (Shet kinikilabutan talaga ko!!) Kahit masikip yung hagdan nagsiksikan kami pababa na kulang na lang malaglag kaming lahat.






Yung nauuna naming kaibigan sya ang nagpatay ng kandila at ginilid yung pinaka bote ng kandila, akala naming tapos na don. Pero nung lalabas na kami sa pinasukan naming pinto sa likod, nagtatakbo na kami ng walang tunog, salita o sigaw na lalabas sa mga bibig namin dahil nagulat kami naka sindi yung kandila ng isang poon sa altar. Bandang 4:30am na non. Walang lasing samin, kaya hindi pwedeng hindi naming alam yung nangyayare o nakikita naming. Pag labas namin, at nakahiga lang kami at nahirapan matulog. Iniisip namin kung nakita mo ba yung ganito nakita mo ba yung nakita ko, pero lahat kami pare parehas ang karanasan, bukod lang ako sa nakita kong Pari dahil hindi nila nakita yon. Meron daw pala kasing ganong kaluluwa na kapag gustong sayo lang magpakita, ikaw lang ang makakakita.

Spookify StoriesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang