Nineteen: Jacket
Malalim akong napabuntong-hininga at napabagsak ang dalawang balikat.
Paano ba naman na umuulan na naman sa araw na 'to. Nagpapasalamat na lamang ako na saktong-saktong nakarating muna ako sa eskwelahan bago bumuhos ang malakas na ulan. Ang pinoproblema ko na lamang ngayon ay wala akong pangsangga ng ulan mamaya sa pag-uwi.
Lunes at papalapit na talaga ang aming Christmas Party. Makikita sa mga mukha ng aking mga kaklase na nae-excite at hindi na mapakali para sa huling party namin sa junior high school.
Ako lang yata ang walang gana sa mga kaganapan sa buwang ito, lalong-lalo na sa sinabi ng aking ama kagabi.
Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin kung ano nga ang maisasagot ko sa kaniya, kung sakaling tatawag na naman siya muli sa akin. Hindi ko lang talaga maatim ang mga ideyang maaaring mangyari, kung sakaling dadalo nga ako sa imbita ni Papa sa kanilang pamilya. Hindi ko rin maisip na alam nila ito at sasang-ayunan nila si Papa na dumalo ako sa kanilang salo-salo.
Mas pipiliin ko na lang na mag-isang sasalubungin ang Pasko at ang bagong taon, kesa makasama ang mga taong pinagsusuklaman at pinagdidirihan ang aking pagkatao. Hindi nila ako maaapi at masasaktan kung ako na mismo ang gumagawa ng paraan na hindi na muli magkrus ang mga landas namin.
Kasalukuyan kaming nagkakaroon ng group activity sa unang subject ngayong araw. Isang roleplay na tungkol sa iba't-ibang pamilya kapag nagdidiriwang ng kapaskohan.
Nagpapasalamat akong hindi nila ako binigyan ng role na maraming lines na sasabihin, at hindi mabigat na role na tamang-tama lang sa aking makakayanan.
"Mikasa, ihanda mo na ang mga pangalan natin sa isang one fort." Utos ng kaklase kong babae.
Nagdadalawang-isip akong gagawin ko ba ang iniutos niya sa akin, o tatanggihan ba siya. Hindi ko pa naman kabisado ang mga pangalan ng mga kaklase, lalong-lalo na ang kaklaseng nag-utos sa akin nito.
Wala akong ibang nagawa kundi sumunod na lamang sa kaniyang sinabi.
"T-teka lang, u-uhh pwede mo ba akong diktahan sa mga pangalan ng mga groupmates natin?" Nahihiya kong pakiusap sa kaniya.
Hindi makapaniwala niya akong tinitigan na parang may mali sa sinabi ko.
"Jusmiyo! Ilang buwan na tayong magkasama, hindi mo pa rin kabisado mga pangalan namin?" Hindi makapaniwala niyang singhal sa'kin.
"U-uhh.. Pasensya na.." Napayuko na lamang ako sa kahihiyan.
"Huwag mong sabihin na 'di mo rin saulo pangalan ko?" Mataray niyang tanong na mas lalo kong ikinakahiya ang sarili.
Walang emosyon na lamang akong humarap sa kaniya, para siya na mismo ang sumagot sa katanungan niya. Sinukatan niya ako ng tingin na parang nanliliit sa'kin, dahil sa kagagahan kong hindi kabisado ang mga pangalan nila.
"Ako na nga lang ang magsusulat! Nastress ako sa'yo day!" Reklamo niya, at siya na nga ang gumawa sa inutos niya sa'kin.
"A-ano nga ulit p-pangalan mo?" Kinakabahan kong tanong habang patuloy niyang sinusulat ang mga pangalan namin.
Doon niya pa ako sinagot nang matapos na siya sa kaniyang ginagawa, at hinarap ako.
"Almarie." Walang gana niyang sagot.
"Huwag mo na 'yang kakalimutan hah, uupakan na talaga kita sa susunod." Mataray niyang banta sa'kin at umalis na sa tabi ko para ipasa ang papel.
Nang mapag-isa na ako, doon ko pa naramdaman kung gaano ka importanteng malaman at masaulo ang pangalan ng tao, na noon ay wala man lang akong pakealam sa mga ito.
BINABASA MO ANG
25 Days before Christmas
Teen Fiction"The Watty Awards 2019 Winner in Young Adult" Christmas Series Special # 1.18 Dalawampu't-limang araw na lamang ang natitira bago ang araw ng Pasko, Bente singkong mga hiling ang naisulat sa mga nakaraang Pasko, Twenty-five na mga surpresa ang matat...