Five

2K 76 1
                                    

Five: Bracelet

Buong araw kahapon wala akong ibang nagawa, hindi ko rin nahanap ang taong namimigay ng mga regalo sa'kin. At ngayon, ala una na ng madaling araw hindi na naman ako nakakatulog.

Hindi ko talaga alam kung paano ko hahanapin ang taong iyon, at paano ko nga ba siya mahahanap? Wala akong clue, wala akong prospect at wala rin akong hakbang para mahanap siya!

Ilang araw na rin akong walang saktong tulog dahil sa sobrang dami ng iniisip. At paano na naman ako makakatulog ngayon?!

Bumangon na lamang ako mula sa pagkakahiga ng kama, at binuksan ang nakapatay na ilaw sa sariling kwarto. Bumungad kaagad sa'kin ang mga regalong nakapatong sa malaking aparador ko, at hindi ko na nga mabilang kung ilang regalo na ngayon ang mga natatanggap ko.

Lumapit na ako sa aparador at umupo sa silya habang nakarahap sa sariling repleksyon sa salamin. Mukha na akong mangkukulam dahil sa ilang araw na akong kulang sa tulog, at ngayon hahayaang ko na lang maguguluhan ang sarili sa mga regalong ito.

Napansin ko kaagad ang red scarf na ibinigay niya sa'kin kahapon, at muli ko na namang naramdamang kumislot ang aking puso na walang dahilan.

Bakit...

Bakit binigyan niya ako ng scarf?

At bakit...

Nagkakalapit na ngayon ang aming mga landas, na sa pagkakaalala ko ay hindi ko dapat iyon pinapansin?

Isang ordinaryong kaklase ko lamang siya at ganoon rin ako sa kaniya. Wala naman sigurong masama sa pinapakitang kabutihan ng isang tao na hindi ko minsan napapansin sa iba.

And I shouldn't feel like this.

Hindi ganito ang nararamdaman ko sa tuwing malapit na ang Pasko. Hindi ko nga maalala noon kung talaga bang naranasan ko nang maging masaya o maexcite man lang sa nalalapit na kapaskohan. All I could remember is that I treat this kind of holiday just like an ordinary day in my life.

And I know I became bitter as I grow up. Nilukob na nga yata ako ng kabiteran dahil nga sa sitwasyon ng pamilya namin, o pamilya nga ba talaga ang matatawag ko nito. Pero hindi ko rin naman masisisi ang sarili kung bakit naging ganito ako, kung bakit kinabibiteran ko na ang mga okasyong dapat nagkakasama ang isang pamilya.

But, why do I felt different this year?

Ano na bang nangyayari sa'kin? Bakit unti-unti na akong nagbabago nang dahil lang sa mga natatanggap kong mga regalo? Ano bang meron sa buwang ito at bakit naeexcite na ako ngayon sa Pasko?

Napabuntong-hininga na lamang ako, sinusubukang pakalmahin ang sarili mula sa sobrang dagundong ng aking dibdib. Baka sa araw na 'to, titigilan na ako ng taong iyon at baka wala na nga akong matatanggap na regalo ngayon lalo na't hindi ko naman talaga siya hinahanap.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod nang dahil sa maraming iniisip. Dito pa talaga ako mismo nakaulog sa aparador na kung saan dito lahat nakalagay ang mga regalong pinagkakasya kong mailagay dito.

Napasulyap na ako sa orasan, at laking gulat ko na lang na sampong minuto na simula nang nagsisimula na ang Misa de Gallo! Late na nga ako!

Nagmamadali na akong nagbihis ng jeans at simpleng shirt para makahabol pa ako sa misa. Mabilis na akong lumabas ng bahay, nilock ang gate at tinakbo ko na nga ang daan papuntang simbahan.

Sana hindi na lang ako nakatulog ulit! Pwede namang hinintay ko na lang ang oras ng misa para hindi na ako mahuli, pero tuluyan nga akong nakatulog!

Mabuti na lamang ay hindi pa nagsisimula ang homily, ang importanteng bahagi ng buong misa at hindi na ako tuluyang nakapasok sa loob dahil paniguradong wala na akong mauupuan sa loob sa sobrang dami ng tao.

Buong misa ay parang dinadalaw ako ng antok, mukhang nakulangan nga ako sa tulog kaya madala akong napapapikit sa pagkakaantok. Pero nagpapasalamat pa rin akong nakagising pa ako kanina, at ngayon ay tapos na nga ang ika-limang araw ng Misa de Gallo.

Hindi na ako pumasok sa loob ng simbahan nang matapos na nga ang buong misa, kaya naman dumiritso na akong naglakad pauwi kasabay ang mga taong nagsimba rin ngayon.

"Miss! Miss!"

May naririnig akong may tumatawag, pero hindi ko na ito nilingonan dahil baka hindi naman talaga ako ang pakay nito.

"Miss." Mahinahon niyang tugon kasabay nang paghawak sa aking braso.

Tuluyan ko na nga siyang hinarap at bahagya na naman akong nagulat sa bumungad sa'kin dito ngayon. Binawi ko kaagad ang kamay ko mula sa kaniya, at binitawan niya naman kaagad ako.

"You dropped this, again." Nakangiti niyang pahayag at inangat kaagad niya sa'kin ang isang bracelet.

Mas lalo akong napakunot ng noo sa kaniya nang dahil sa sinasabi niya at sa bracelet.

"Huh? Hindi sa'kin 'yan, Elfis." Seryoso kong tugon dahil alam kung pinaglalaruan na naman niya ako ngayon.

"Then, this is yours now." Mapaglaro niyang tugon, at kinuha na nga niya mismo ang kamay ko para maisuot na ito doon.

"Elfis." Naguguluhan kong tawag sa kaniya habang sinusuot na niya ito sa'kin.

"Mikasa, don't reject this gift. You owe this to someone." Natatawa niyang tugon at tapos na nga niya itong isuot sa'kin.

"Huh? Ba't may utang na loob ako sa ibang tao, eh hindi naman ako nanghihingi ng ganito sa kaniya!" Hindi ko na napigilang taasan siya ng boses dahil sa mga halo-halong nararamdaman ko na ngayon.

Mas lalo siyang napangiti sa sinabi ko.

"Why don't you just be grateful?" Nakangisi niyang tanong.

"Grateful? Eh hindi ko nga kilala ang taong namimigay ng mga regalo sa'kin." Reklamo ko at sinupalpal sa kaniyang mukha ang bracelet na nakasabit na ngayon sa palapulsuhan ko.

"Interesado ka bang malaman kung sino?" Nangingiti niyang tanong sa'kin, at kumakalma na nga ako ng dahil sa sinabi niya.

"Malamang." Walang buhay kong sagot kahit sabik na sabik na akong malaman kung sino nga ba talaga ang namimigay ng mga regalo sa akin.

"Then maybe... see you tomorrow!" Tugon niya at aakma nang lagpasan ako para umalis.

"Huh? Ano?"

"Bukas ko na lang sasabihin, kung magkikita ulit tayo rito." Kalmado niyang sagot na nakapamulsa pa, at parang pinaglalaruan lang niya talaga ako ngayon.

"'Di ako makakapayag, ang daya mo Elfis!" Himutok ko dahil sa sobrang pagiging desperada.

"Bye, Mikasa!" Masayahin niyang pamamaalam sa'kin at iniwanan akong magulo at nalilito ritong nakatayo sa labas ng simbahan.

Nakasinag na pala ang araw at ngayon ay mag-isa na lamang ako rito habang nakauwi na nga ang lahat ng mga dumalo sa misa. Miserable ko na lamang tinitigan ang bracelet na nakasabit sa palapulsuhan ko na kulay ginto, at may nakaukit na design na 'love'.

The kind of word that I've been neglecting just because I've been yearning to felt it from a family, from a friend, or even from a lover.

25 Days before ChristmasWhere stories live. Discover now