Chapter 85: Swordhaven Empire

4.5K 286 114
                                    

A/n: Hi guys! WOW is up again! Please let me have your support AGAIN! vote and comments ✌

"Anong meron?" Tanong ng isang Hero ng makita ang sunod-sunod na mga nakalinyang mga karwahe at lahat ng ito ay patungo sa iisang direksyon!

Far Away Land!

"Hindi mo ba alam? May B Rank Quest na ibinibigay ngayon sa Far Away Land at isa iyong Open Quest!" Sabi naman ng Herong katabi nito!

"Isang B Rank! Talaga!" Hindi naman makapaniwalang tanong ng lalaki

"Oo kanina lang ito at tsaka nakalagay din ito sa lahat ng Quest Board sa lahat ng lugar sa Central City at iba pang City sa Great Central Continent!" Sabi ng lalaki dito habang mabilis niyang ipinakita ang ditalye ng nasabing Quest!

B Rank Open Quest!

Description: The SwordHaven is looking for manpower to build the Grand Palace and buildings for the newly established SwordHaven Empire!

Highly Needed:

Architects

Engineers

Builders, laborers and other profession

Time Frame: ET 3 Months

Reward: SwordHaven Empire Contribution Points

Location: Far Away Land Central Region

Agad na natuwa ang lalaki sa kanyang nakita at mabilis itong pinasa ng kanyang pinagtanongan na hero sa kanya dahilan para makuha niya din ang quest at walang ano-ano ay sumama siya sa mahabang pila ng mga karwahe!

Habang sa ibang parte din ng Great Central Continent ay makikita ang hanay ng mga tao at karwahe at lahat ng mga ito ay patungo sa Far Away Land!

Sa isang iglap naganap ang tinatawag na mass migration! Habang ang pinakamadami namang gustong mag migrate ay galing sa Central City!

*****

Swordhaven Kingdom
City in the Sky

Lumipas ang limang araw sa loob ng World of Weapons at muli ay nabalik ang dating normal na pamumuhay ng lahat ganon paman taliwas ito para sa mga core member at important member ng Century Shop Guild dahil lahat ng mga ito ay ipinadala ni Airi sa Far Away Land Central Region kong saan ay gagawin at itatayo ang Swordhaven Empire

"Hindi ba ako pwedeng mag pahinga?" Tanong ni Shan habang nag mamakaawa kay Airi ganon paman ay tiningnan lang ito ni Airi at parang walang narinig

"Ikaw ang Heneral ng Guild at ng Swordhaven Kingdom kaya kailangan ka sa lugar na iyon at tsaka hindi lang ikaw ang pupunta doon!" Sabi ni Airi dito habang kanyang tinuturo ang iba pang naiwang core member

"Umalis na kayo sa harap ko! Umiinit ulo ko sa inyo!" Sabi ni Airi sa mga ito habang takot at nag madaling nag tayuan ang mga ito at agad na lumabas sa resting hall ng Swordhaven Kingdom

"Highblood na naman ata ang gf mo" Sabi ni Phantom na binatukan naman agad ni Shan

"Kasalanan ito ng isa diyan e" Sabi ni Shan habang nakatingin sa lalaking natutulog sa tabi ng Tree Portal

Ang lalaking ito ay nakasuot ng malaking puting robe habang katabi nito ang isang itim na maliit na lobo

"Ako ba ang tinutukoy mo?" Sabi ng lalaki habang nakangiti

"Sino paba? Ikaw dahilan kaya laging mainit ulo noon, puno ng trabaho" Sabi ni Shan habang napabuntong hininga

Tumawa naman si Red ng marinig ito

World of Weapons Book I "Gods and Goddesses"Where stories live. Discover now