Chapter 95: Time and Space Supreme Weapon

3.2K 180 13
                                    

A/n: vote and leave a comment! Sorry for the typos ♤ ty guys.

Exchange Shop

Sa malaking building na matatagpuan sa sentro ng mega city ay makikita ang itinayong exchange shop, dito mo maaring palitan ang mga gold coins na nakuha at nakolekta sa gold coins hunting

Maari lamang pumasok sa loob ang tatlong representative bawat guild o organization

Kaya naman si Airi, Red at Kate lamang ang pumasok sa loob ng building habang naghihintay naman sa labas ang iba pang kasapi ng Century Shop Guild

Agad na namangha ang tatlo sa oras na makapasok sila sa loob ng building, hindi katulad sa ibang mga building ang loob ng exchange shop ay masasabing majestic

May mga malalaking marble statues sa buong paligid at ang mga statues na ito ay parang mga diwata na nagmula sa kalangitan

Habang makikita ang malaki at mahabang red carpet sa gitna ng exchange shop!

Sa pinakaharap ng building ay matatagpuan ang mga gintong upuan habang sa harap nito ay merong isang golden stage!

Agad na humanap ng upuan ang tatlo at habang naglalakad ay hindi maiwasang mapansin ng mga heroes na nasa loob ang grupo nila Red

Ganon paman ay hindi ito pinansin ng tatlo at umupo sa kaliwang tabi na matatagpuan sa harapan

Ilang minuto lamang ang lumipas at napuno na ang buong exchange shop at sa oras na mag sara ang pintuan ng building ay ang paglabas naman ng isang magandang matured na babae sa golden stage

"Welcome sa Exchange Shop! Ako ang inyong host sa special event na ito. Seguro naman ay may kunti na kayong nalalaman sa lugar na ito o sa mangyayari sa lugar na ito" Sabi ng magandang matured na babae habang madami sa mga nandun sa loob ay hindi alam kong anong sinasabi ng host

"Well ipapaliwanag ko, hindi lang ito simpleng exchange shop na kong saan ay makikita niyo sa harapan niyo ang item at agad na bibilhin bagkus ang lugar na ito ay isang auction house! Ibig sabihin lahat ng items na makikita sa lugar na ito ay ibebenta sa pamamagitan ng auction! The highest bidder will win!"

"Ngayon simulan na ang auction!" Hindi paman nag sisink-in ang sinabi ng host sa iba ay agad na nagsimula ang auction

Agad na lumabas ang dalawang maganda at sexy na babae habang may dinadala itong bagay sa kanilang kamay na nakabalot sa isang pulang tela

"First item sa araw na ito!"

"Level Up Potion! Isang mahiwagang potion na kong saan ang iinom o ang gagamit ng potion ay agad na mag lelevel up ng 20 times! Tama ang narinig niyo 20 times!" Sabi ng host na agad na ikinagulat ng lahat maging si Red ay kanya itong ikinagulat

Sa ngayon ay level 300 na si Red at masasabi niyang siya palamang ang nakakadating sa level na ito habang ang normal level ng nakakarami ay level 200-220 at ang mga powerhouse ay nasa 240-260

Sa stage ng laro ngayon masasabing mahirap ng mag level up! Ngunit sa oras na mapasakamay nila ang item na ito ay walang kahirap-hirap silang mag lelevel up!

"Starting price 1,000 Gold Coins!" Sabi ng host habang agad namang sumuko ang mga kaunti lang ang gold coins

"1,005 Gold Coins!"

"1,010 Gold Coins!"

"1,059 Gold Coins!"

"1,500 Gold Coins!"

Sa oras na marinig ng lahat ang bid ay agad na napatingin ang lahat dito, isa itong may edad na lalaki at nakasuot ng isang damit ng powerhouse organization

World of Weapons Book I "Gods and Goddesses"Where stories live. Discover now