Kabanata 14

24 1 0
                                    

Thank you


"Does it still hurt?" Tanong ni Liam habang isinusuot pabalik sa mga paa ko ang high heels ko.

"H-Hindi na." Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pagtingin niya sa akin. "You don't need to do that." Pagtutol ko habang bahagyang inilalayo sa kaniya ang kaliwang paa ko.

"I insist."

"But I can do it."

"I can do it, too, so please just let me."

Wala akong nagawa kung hindi ang hayaan siya sa gusto niyang gawin. I was biting my lower lip the whole time and was trying so hard not to look at him.

"There you go. Tara na." Pahayag niya nang matapos ang ginagawa niya.

Tumayo na ako at ganon din siya. Sabay kaming lumabas sa opisina. May ilang mga empleyado siyang tinanguan bago kami tuluyang nakalabas sa café. Sa pagkakataong ito ay dumiretso na kami sa parking lot. Huminto siya sa tapat ng isang itim na motorsiklo.

"You're riding a motorcycle, aren't you?"

"Of course I am." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Pakiramdam ko kasi iniisip niya na ang arte arte ko kaya niya ako tinanong ng ganon.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya. Kinuha niya ang kulay itim na helmet na nakasabit sa motor niya bago lumapit sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang ayusin niya ang ilang hibla ng buhok ko na humarang sa mukha ko at saka sinuot sa akin ang helmet niya. His warm hand softly touching my face sent me shiver.

All I could do was stare at him and right there and then, it happened. An unbelievable bliss conquered my body. His touch gave me warmth, the warmth one would feel when feeling secure. But as weird as it was, I weren't feeling secure at all. I am feeling that kind of warmth but I knew I was in danger.

"Let's go!" Aniya na may malapad na ngiti sa labi tapos ay naglahad ng kamay para makasakay ako sa motorsiklo niya.

"Paano ka? Walang kang helmet." Hindi ko napigilang hindi sabihin.

Saglit siyang tumawa. "I will be fine. Mabilis lang naman ang biyahe natin."

Tumango ako at umangkas na sa motorsiklo niya. Agad siyang sumakay pagkatapos. Hindi ko alam kung saan ako dapat humawak, sa huli ay pinili ko na lang ang sa likuran.

Lumingon sa akin si Liam, napalunok ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Hands, please. Sa akin ka humawak, baka mahulog ka."

"Okay." Halos pabulong na sagot ko.

"Good. It's better to fall for me than on somewhere else." Mahina ang pagkakasabi niya pero dahil sa lapit namin ay nagawa ko iyong marinig.

My breathing stopped. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero isa lang ang sigurado ako... hindi na biro ang abnormal na tibok ng puso ko. It's my first time to feel something like this in my years of existence. Never pa akong nagka-boyfriend but I knew exactly what's this unexplainable feeling was about.

Ang tagal ko ng gusto si Japeth pero wala akong maalala kahit isang beses na naramdaman ko ang ganito. Ilang beses na kaming lumabas dalawa pero wala kahit isang beses na naranasan ko ang tulad nito— this roller coaster ride of emotions.

Pinilig ko ang ulo ko para maalis ang kung ano man nasa isipan ko.

Sinulyapan niya ako sa huling pagkakataon tapos ay ngumiti. Nang alisin niya ang tingin niya sa akin ay saka ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Pumikit ako ng mariin. Pagmulat ko ay dahan-dahan kong nilagay ang mga kamay ko sa baywang niya.

I swear, I felt him stiffened when my arms touched his waist. Hindi ko napigilang hindi mapangiti, thinking I have this effect on him.

"You have done a lot for me today." Sabi ko habang bumababa sa kanyang motorsiklo. Nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay namin.

"I would gladly do it all over again if I have to."

And for the nth time, I was astonished by his words. This Liam guy is something.

"Papasok na ako sa loob, mag-iingat ka." Wika ko at pumasok na sa loob ng gate. Nakatayo lang ako roon at nakatingin sa kanya. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng motorsiklo niya at tila wala pang balak umalis.

"Hindi ka pa ba aalis?"

Agad kong kinagat ang labi ko nang ma-realize ang tanong ko.

"Aalis na rin, just get inside first then I'll go ahead."

Tumango ako bago ko siya tinalikuran. Maglalakad na dapat ako nang may maalala ako. Humarap ako sa kaniya at tinawag siya. "Liam,"

"Why?"

"Thank you." iyon lang ang sinabi ko at agad na umalis. Pero bago pa ako tuluyang makalayo sa kaniya ay nakita ko ang muli niyang pagngiti.

I can't helped but smile, too.

"Where have you been?!"

Iyon agad ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa loob ng bahay namin. Nakatayo si Charlo sa gitna ng sala at nakapamaywang. Wala ang parents namin, nasa isang convention sila kasama sila Tito Arman.

"Calm down, Charlo."

Lumapit ako sa kaniya at marahang hinaplos ang braso niya. Nagbuga siya ng hangin. Napansin kong medyo kumalma na rin siya pagkatapos non. Umupo siya sa couch at saka sumandal doon.

"Fine. Now, explain."

I took a deep breath before I decided to speak. "I accidentally met two kids when I was about to go home. Well, I... Uh, decided to buy them foods." I said while playing with my fingers. "Nagpunta kami sa supermarket." I bit my lower lip then looked away.

"Were you alone?"

Nagbukas sara ang bibig ko, sa huli ay mas pinili kong magsabi ng totoo. "No, I was with Liam. It just happened that he saw me and he wanted to help the kids too."

Sa tingin ko ay hindi na naman niya kailangan pang malaman ang tungkol sa ginawa ng dalawang bata. Ayoko rin naman mag-alala pa si Charlo sa akin. Kapag nalaman niya ang nangyari kanina ay baka hindi na niya talaga ako hayaang umalis mag-isa. Isa pa, ayoko na dagdagan pa ang alalahanin ni Charlo dahil abala na siya sa negosyo namin. Our parents want him to take over our business as soon as he finished his studies. Dapat katulong niya ako roon ngunit mas gusto ko ang negosyo namin nila Ate Estella and I'm just glad that my parents were cool about it.

"I thought you don't like him?"

"I do..." Agad na sagot ko pero tila ayaw iyon tanggapin ng sistema ko. Iba ang sinasabi nito. Pinilig ko ang ulo ko bago muling nagsalita. "I had no choice but to let him." I sighed. "Magpapahinga na muna ako, twin." Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya.

Pumunta ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo. Naglinis ako ng katawan, nagbihis pagkatapos ay nahiga na sa kama ko.

Habang nakahiga ako at nakatingin sa ceiling ay bigla kong naalala ang mga nangyari kanina. Simula noong inagaw ng dalawang bata ang cellphone ko hanggang sa dinala namin sila sa supermarket. Bigla rin nag-pop up sa isipan ko ang pagpunta namin ni Liam sa Art Café, the way his warm hands touched my face and even our motorcycle ride.

I don't like him...

Am I?

Because right now, all I could think is how thankful I am to him.

"Thank you." I breathed before I drifted off to a peaceful sleep with a smile on my lips.

The Guy She Noticed (Montejero Series #1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora