SECOND ROLE: The Seductive Voyeur and The Reluctant Exhibitionist (SPG)

7.7K 80 1
                                    

CHAPTER TWO

SECOND ROLE: The Seductive Voyeur and The Reluctant Exhibitionist

"DO YOU REMEMBER the night my sister broke up with you?"

Bumuntong-hininga si Joven, hindi sinagot ang tanong ni Katrina, nanatili ang tingin sa kalsada. Iuuwi muna niya si Katrina sa condo unit niya. Masyadong malayo ang apartment unit nito and he was tired already. He wanted to sleep.

"I remember you weeping like a little baby," sabi ni Katrina, sabay hagikgik. Drunk as hell. Itinaas pa nito ang paa nito sa dashboard. He dared not to look at her creamy legs. "She cheated on you, right? Kasi na-bore siya sa 'yo or something? 'Yon ba ang nangyari?"

"Nakalimutan ko na 'yon," sabi ni Joven.

"Hah!" sabi ni Katrina. "'Yong gano'ng pag-iyak? 'Yong matindi talaga? Imposibleng makalimutan mo 'yon"

Exasperated na napailing si Joven. Katrina could be cruel sometimes. "She's the love of my life, okay?"

Umayos bigla ng upo si Katrina. "Hanggang ngayon?" she asked, hindi naman nagulat, parang nanghihingi lang ng confirmation. "Hanggang ngayon, mahal mo pa rin si ate?"

Hindi nakasagot si Joven, ipinagpatuloy lang ang pagda-drive. Dumukwang si Katrina sa kanya. And how he wished na hindi nito iyon ginawa. She was wearing a top with a plunging neckline. Kanina, hindi niya napigilan ang sariling mapatitig sa gilid ng mga dibdib nitong bahagyang na-expose dahil sa suot nito. At sari-saring pilyo at maiinit na eksena ang hindi niya napigilang isipin kanina dahil doon. And her smell... Goodness, her smell. She smelled like cherries...

"Ano, Joven ha, hanggang ngayon ba? Hanggang ngayon pa ba may feelings ka pa rin kay ate?"

Gamit ang isang kamay ay marahan niya itong itinulak palayo sa kanya. Ayaw niyang makaramdam ng libog habang nagda-drive, baka mapahamak pa sila. "It's none of your business, okay?"

Natawa si Katrina. Padaskol na sumandal sa upuan nito at muling itinaas ang paa sa dashboard. "It's been like what? Seven years?" she said. "Tapos hindi ka pa rin nakakamove-on kay ate? May asawa na siya sa Singapore."

"Alam ko 'yon," sabi ni Joven.

Nag-asawa ang Ate Ramona nito two years ago, isang turista na nakilala nito sa isang beach resort sa Palawan. Ito ang nagma-manage ng business ng pamilya nito matapos mamatay ang daddy nito apat na taon na ang nakakaraan. Pero iniwan nito ang kompanya para sa asawa nito. Ngayon ay pinsan na nito ang nagma-manage ng business na iyon dahil tumanggi si Katrina na ihandle iyon.

"'Yon ba ang rason bakit mo ko sinundo?" wika ni Katrina, ang tinig ay nag-iba ang tono. Suddenly, mas naging seryoso ito. "Kaya mo ba ko sinundo, kasi may feelings ka pa rin kay ate, at itinuturing mo 'ko na parang little sister mo?"

Hindi nakasagot si Joven. Napatitig siya sandali kay Katrina. Nasa labas na ang tingin nito, tila bahagya ring lumamlam ang mga mata. Bumubukas-sara ang kamao nito. Her lips were twitching, too.

"Life is unfair," biglang sabi ni Katrina.

Ibinalik ni Joven ang tingin sa kalsada, hindi kumikibo.

"Life is fucking unfair. Kaya siguro may nagsabi na no one dies a virgin. Kasi totoo naman, eh. Life will fuck us all."

Joven did not react on that. Ilang sandaling katahimikan. Nagpatuloy siya sa pagda-drive. Hanggang sa bigla na lang siyang mapapiksi dahil pumatong ang kamay ni Katrina sa hita niya. Bigla niyang natapakan ang brake pedal. Thank God for the seatbelt.

Katrina giggled. Nakapatong pa rin ang kamay nito sa hita niya. Hinawakan niya iyon at inalis sa hita niya. Pero ibinalik din nito iyon doon. And then she caressed his legs slowly, that suddenly the naughty thoughts went surging on his mind again.

Bare And Beautiful (A Somehow Erotic Novel)Where stories live. Discover now