EIGHTH ROLE: Mr. and Miss Confused

4.5K 68 0
                                    


NINTH ROLE: Mr. and Miss Confused

HINDI makatulog si Joven. Naroon lang siya sa ibabaw ng kama, nakayakap sa nakahubad na katawan ni Katrina.

Ikalimang araw na ng road trip nilang dalawa. Nasa Baguio na sila ngayon, tumutuloy sa isang apartelle doon. Sa araw ay madalas silang mamasyal sa iba't-ibang lugar. Sa gabi, nagiging ibang tao sila. Nagiging ibang tao sila while having sex.

Minsan nang naging isang naughty nurse si Katrina at siya naman ay isang pasyente. Nagroleplay na rin sila na isa siyang horny na estudyante at ito ay seductive niyang teacher. There was a time he had the role of a delivery man and she was a lonely seperated woman. And then there was one scenario he particularly liked, where she was his stepsister. It was so naughty and taboo he came so hard.

Pero kahit kailan, hindi sila nagniig bilang sila. They always have to assume roles, they always have to be someone else. Tingin niya ay hindi na lang iyon sexual fantasy para kay Katrina. It was a need. It was a requirement. Para bang hindi nito kakayaning magpaangkin bilang sarili nito.

And he would often wonder why.

Tumitig si Joven sa natutulog na si Katrina, hinaplos ang mukha nito. Simpleng paghaplos pa lang sa mukha nito ay may kasiyahan nang idinudulot sa kanya. At ewan ba niya, pero he was always looking forward into cuddling with her after sex.

Nalilito man si Joven sa ibat-ibang emosyong ipinaparamdam sa kanya ni Katrina, mas nalilito pa rin siya kung bakit hindi ito pumapayag na makipagtalik sa kanya na walang role.

"Why, Katrina, why?" hindi niya mapigilan ang sariling sabihin.

Umungot si Katrina, na tila may napapanaginipang masama. Nakitaan niya ng kalungkutan at takot ang mukha nito. Madalas mangyari iyon dito, halos gabi gabi nga.

Niyakap agad niya nang mahigpit si Katrina, dinampian ng halik ang noo nito. "Ssssh," sabi niya. "It's okay. Nandito 'ko."

Isa pa 'yon sa nagbago sa kanya: mas gusto na niya na palaging naroon para sa dalaga.

Hindi alam ni Joven kung naririnig ba siya ni Katrina, pero mukhang oo dahil yumakap ito nang mas mahigpit sa kanya. Isinubsob nito ang mukha nito sa may leeg niya. Panaka-naka ay umuungot pa rin si Katrina, kaya marahan niyang hinimas-himas ang likod nito.

"It's okay, baby. It's okay..." he said.

Mayamaya lang ay kumalma na rin naman ito sa loob ng mga bisig niya. Ginawaran niya nang magaang na halik ang mga labi nito, saka isinumpa sa sarili na aalamin niya ang dahilan kung bakit kinakailangan pa ni Katrina na maging ibang tao kapag nakikipagtalik ito sa kanya.

KINAUMAGAN ay nagsimula na naman sila na maggala. Nagpunta sila sa isang strawberry farm sa Baguio at nagbayad para maturuang mamitas ng strawberry. Tuwang-tuwa sila sa ginagawa at in fairness, marami naman silang napitas.

"Gusto mo ng strawberry?" tanong kay Katrina ni Joven, nakaumang ang strawberry sa bibig niya.

"I want," she said.

Imbes na isubo sa kanya ang strawberry ay inipit ni Joven iyon sa may bibig nito. Tumaas-taas ang kilay nito, parang tinutukso siya. At alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito. Dumukwang siya palapit rito at kinuha ang strawberry sa bibig nito gamit ang bibig niya. Then they both smiled.

Maghawak ang mga kamay nila habang pabalik sa sasakyan. Isa iyon sa madalas na nilang gawin, pero hindi nila pinag-uusapan, hindi nila tinatanong kung may kahulugan.

Sa totoo lang ay medyo nalilito na si Katrina. Siguro iyong una nilang pagtatalik, casual lang, walang ibig sabihin. Pero ngayon ay naulit na iyon nang ulit... At holding hands? May mga tao bang naghoholding hands nang walang kahulugan?

Bare And Beautiful (A Somehow Erotic Novel)Where stories live. Discover now