Guard#1: The transformation

59 2 0
                                    

Ced's POV

"Pareng Ced? Anong nangyare at ganyan ang ayos mo?" Bungad ng kaibigan kong si James. 

"Ahm...maganda ba ako?" Tanong ko naman. Sabay lagay ng kamay sa bewang.

"Para kang baklang palaka na nirape ng mga nakasinghot!" Sagot naman niya, sabay tingin mula baba hanggang Taas sa akin.

Ano nga ba kasing suot ko at, ganyan ang reply Ni James?

Sa totoo lang, ngayon kasi ang araw ng pagaaply ko ng trabaho bilang lady guard sa mga Monteverde.

Kaya naman, dahil lalake ako kailangan kong magpanggap at magbalat anyo bilang Babae.

Kagabi, pinaghirapan kong kalwitin ang bistida nung kapitbahay nila James na may alagang malaking bulldog!
Para makalwit yun, kinailangan kong umakyat ng puno,pero letche! Nahulog ako sa puno! Kaya ayun! Umuwi akong maraming sugat at kalmot sa katawan gawa na rin ng bulldog na yun!

Mabuti na lang at nakuha ko pa yung bistida!

Talino ko talaga!😊😊😊

Kanina naman, humingi ako ng siopao sa kapit bahay, nakihingi na rin ako ng bra sa may kapitbahay kong GRO.
Para magmukhang may bundok ako sa dibdib..
Ngayon ko lang narealize...
Mahirap palang maging babae!

-___-'

Tapos, nakapulot ako ng lipstick sa basurahan, inaapply ko na sa lips ko, medyo Hindi ko Alam kung tama yung pagkakalagay... Actually ginaya ko lang yung mga baklang nadaanan ko nung isang araw ...

Yung buhok ko na maiksi, nilagyan ko ng clip na hiniram ko dun sa bata sa may park...umiyak pa nga eh! Letche! Buti nalang umalis ako kaagad dun, ex convict daw tatay nun eh!

"Inggit ka lang kasi maganda ako!" Sabi ko sabay impit nung boses.

"Pfffttt! Pare naman! Pinagchichismisan ka na oh! Hindi dahil sa maganda ka kundi mukha kang baklang ipinaglihi sa kabayo!" Reply Ni James.

Huh?
Pinagchichismisan?
Eh?
Siya lang naman yata ang nakakaalam na ako toh eh!

"Ha? Paano naman ako pagchichismisan, eh ikaw lang yata nakapansin na ako toh?!" Tanong ko.

"*facepalm. Nalintikan na! Nakasinghot ka ba o ano? Pare, halatang-halata na ikaw yan! Ikaw kaya topic ng buong barangay!" Bulyaw ni James.

O_O

Nalintikan na nga!

"Anak ng!" Sabi ko sabay tanggal ng bistida at hablot ng damit na nakasampay sa sampayan ng kung sino man.

"Tsk! Ayan kasi eh! Ano ba kasing nakain or nainom mo't ganyan ang ayos mo? May lipstick ka pa oh! Hay nako!" Tanong na may kasamang inis ni James.

Ladies and gentlemen!
Meet the most idiotic man(besides me) in the whole world!

Juanito Angelo Marcelino Evangelista Santiago!

*confetti

James for short! Wag na wag niyong tatawagin sa tunay niyang pangalan yan, kung gusto inyo pang sikatan ng araw!

Classmate ko yan nung first year college! Sa calculus!

Sa totoo lang, Hindi ko Alam kung bakit may subject akong ganun, eh pH psychology ang course ko!

Tsk!
Ok! Balik sa topic!

"Basahin mo toh ng maintindihan mo!" Sabi ko sabay abot nung fliers!

"Wanted: Lady guard! Oh! Lady guard naman pala eh! Ba'-"

O_O
*lingon na Parang whipped flash

"ANO NA NAMAN BANG BALAK MO????" Sigaw ni James sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Guy is A Lady Guard!Where stories live. Discover now