CHAPTER 4 (aalis sila)

9.3K 266 18
                                    

nang pauwi na ako may tumawag saakin...

"hey, jelay"

"ohh hey jason"

"san ka pupunta?"

"uuwi na, ikaw?"

"same... san ka ba nakatira?"

" diyan lang sa Hamilton 172"

"ohh parehas lang pala tayo ehh... sabay na tayo?"

"ahh sige.."

nag lakad kami papunta sa parking lot..

Clark's Pov.

habang nag lalakad nakita ko si jelay na may kasama... teka si ano yun ahh.... si Jason?? oo nga si jason... aba pinag palit na agad ako ni Jelay??... psh bahala ka diyan jelay... simula ngayon hindi na kita papansinin...

jelay's pov.

hinatid ako ni jason sa bahay at umuwi na din siya agad, ohh diba ang galing kakakilala lang may pa hatid hatid pang nalalaman hahaha... by the way pag pasok ko sa bahay umakyat ako agad sa kwarto... wala sila mommy at daddy sila ate't kuya naman nasa school pa... bale ang kasama ko lang ngayon ay sila manang at manong... nag online ako ng facebook... kung ang alam niyo sa mga nerd hindi marunong ng mga ganyan... well tama kayo, tinuruan lang ako ni clark nito... nag fefacebook ako ng di ko namalayan naka tulog na pala ako...

kinabukasan

nag ayos ako ng maaga (alam niyo naman kung pano manamit ang nerd diba) pagkatapos mag ayos ang nadatnan ko lang sa baba ay sila mama at papa... teka nasaan sila ate??

"ma nasaan sila ate??"

"nako anak nauna na sila papuntang school"

"ayyy ganun po... hindi na po ako hinintay??"

"hindi na"

parang ang aga naman nilang pumasok.. teka anong oras na ba?? wwhhhaaatttt??!! 9:01 na???!! late na ako!!!

"ma sige hindi na ako kakain baka matraffic pa ako..."

"bakit anak anong oras na ba??"

"9:01 na po ehh... 9:30 po pasok namin ngayon!"

nagmadali akong lumabas sa bahay at nag pahatid sa isa pa naming sasakyan... nandito na ako ngayon sa... sa... traffic road na tohhh... hayss bwiset naman ohh 9:13 na... hinubad ko ang sapatos ko at nag tutumakbo... hanggang makarating sa school... sa sobrang pagmamadaling maka rating sa room natapilok pa ako... hayssstt pag minamalas nga naman ohh... hindi na ako pumunta sa clinic dahil tapilok lang naman... nag madali akong pumasok sa room kahit masakit... nang papasok na ako

TIME CHECK: 9:27 AM

hay salamat akala ko malelate ako ehh...

"jelay... bakit ngayon ka lang"

"wala natraffic lang"

"ahh sige sige... ehh bakit iika ika ka?"

"tapilok lang toh" sagot ko kay Jason daming tanong eh... close tayo?? hehehe joke lang...

"tapilok... masakit yun ahh! tara dalhin kita sa clinic."

" hindi wag na wag na... okay na toh... mamasahihin nalang ni clark"

"ako???"

"oo ikaw, ayaw mo ba??"

"ppsssh. bakit ko naman mamasahihin ang babaeng hindi ko naman kilala??"

"nag bibiro ka ba clark... tawa na ba ako hahaha"

"anong nakakatawa... di mo ba ako narinig?? hindi kita kilala... at ayokong dungisan ang pangalan ko dito sa school na pag mamayari ng bestfriend ko na si jelay natividad dahil lang sa pag hilot sa paa ng isang lampa na nerd.. gets mo??"

Campus Heartthrob Fall Inlove To The Campus NerdWhere stories live. Discover now