CHAPTER 18 (hospital)

5.3K 157 2
                                    

nang nag lalakad may nakita akong eroplano na papel, tinignan ko kung may tao sa likod ko, wala naman kaya kinuha ko yung papel na yun…




"Jelay sama ka sa isla, oops wag ka nang tatangge lahat na ng kaibigan mo pati si kyle kasama, ooopps wag ka na ulit mag dahilan nakapag paalam na ako sa mama, ate at kuya mo" aba alam na alam nito kung pano ako kumontra ahh, teka kanino ba galing toh? Uhh alam ko na kay clark toh galing




"Hay nako wag ka nang mag tago kilala na kita" aba no response?




"Hay nako, claaaaaaark!!! Wag ka na mag tago!!!!" Sa kakasigaw ko hindi ko namalayan ang sasakyang padating sa kinatatayuan ko… nag slowmotion ito kaya hindi ako agad naka kilos sa kinatatayuan ko…




"Aaaraaaaaay!!!!! Tuloooong!!! Ang sakeeeeeeet!! Waaaaah!!!"


And all went black…


Clark's pov

Nang makita ko ang isang babaeng nakatayo sa gitna ng daan habang isinisigaw ang pangalan ko biglang sumalpok ang isang sasakyan sakaniya…



Nag sisigaw siya sa sakit, sa sobrang takot ko nilapitan ko siya… JELAY?!!



Agad umandar ng mabilis ang sasakyan…

"HOY!!! BUMABA KA DIYAN TULUNGAN MO KAME!!! WALANG HIYA KA!!!!!"
binitbit ko si jelay at tumawag ng taxi…




ito nakasakay kami ngayon sa taxi, bwiset sino ba kasi nag palipad ng papel na eroplano na yun??! Kung hindi niya ginawa yun edi sana hindi nasagasaan si jelay!!! Bwiset!!! Humanda ka saakin mahanap lang talaga kita


plate number: ________




Ahh, humanda ka saakin!!

Jelay's pov

Ahh ang sakit ng ulo ko, ano ba kasing-, haysst sino ba kasing naka sagasa saakin…





"finally gising ka na, okay ka lang?"





"ahh oo okay na ako, teka nasan sila ate bakit ikaw kasama ko???"





"ahh hindi ko na sila tinawagan kasi alam kong mag aalala lang sila, may itatanong lang sana ako?"





"ano naman yun??" Si clark nga pala tong kausap ko ngayon…





"kung bakit moko tinatawag kanina?"





"ahh yun ba? Kasi may nag palipad ng papel kanina akala ko ikaw nag palipad"





"ahh sige maiwan na kita"





"wait!"





"hmmm?"





"thank you"





"welcome" at tsaka siya lumabas

haysst ano ba- ayy oo nga pala na bangga pala ako… biglang pumasok ang doctor…





"finally you're awake"





"doc. Hanggang kailan ako mag iistay dito??"





"until gumaling ang iyong sugat"






"what!!!!?" Haysst tapos hindi niya (clark) sasabihin kay ate, kuya at mama??!! Ano hindi niya padin sinasabi kay kyle??? Grrrrr!





"clark!!" Sigaw ko, agad naman siyang pumasok sa room ko





"ANO HINDI MO SASABIHIN KAY MAMA, KUYA AT ATE??!! SATINGIN MO KAKAYANIN KONG MAG ISA DITO UNTIL GUMALING TONG SUGAT KO??? ANG LAKI PA NETO OH!!!" bungad ko sakaniya





"Calm down"





"ANO HINDI MO RIN SASABIHIN KAY-"





"i said calm down!, haysst bakit ka ba sigaw ka ng sigaw?? Tinawagan ko na si kyle okay??? Papunta na siya! Masaya ka na??" Ayp, that makes me speachless…





"labas muna ako"- clark

Hindi na niya ako hinintay makasagot at lumabas na… ano ba tong nagawa ko, pssh ang babaw niya ahh!! Sigaw lang galit agad…





Clark's pov

Kung iniisip niyo na nagalit ako sakaniya dahil sa pag sigaw niya, no hindi dahil don… nagalit ako sakaniya dahil hinahanap nanaman niya si kyle… ano pa nga bang aasahan ko ehh sila na nga diba ibig sabihin wala na akong lugar sa puso niya…





kahit ano pang gawin kong effort wala na kasi sila na ng pie niya! Nakakainis lang, nandito naman ako bakit kailangan niya pang hanapin ni kyle…





Nakita ko naman si kyle kaya agad kong tinuro yung room ni jelay…

"ayun yung kwarto niya, mauna na ako"





"wait!" Hayst parehong pareho sila ni jelay





"What??"





"anong nangyari?"





"yun hindi nag iingat nabangga ng sasakyan, kayo na diba?? So please wag mo namang hayaan yang girlfriend mo na nag iisa sa daan… pssh" at umalis na ako, hindi ko na hinintay na sumagot siya…





Kyle's pov

Hmm? Anong problema nun? Pssh makapasok na nga…





"Pie are you okay???"






"Yes i'm fine, nasan si clark?"





"umalis na pag dating ko, mainit ata ulo"





"ahh ganun ba? Sige."

(One week later)

Campus Heartthrob Fall Inlove To The Campus NerdTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang