Chapter 2

20.5K 145 3
                                    



"Bye tito nate, Ingat!" Masiglang paalam ni Teejay sa papa ni Natalia! Ito ang taga hatid at taga sundo nila sa school!

"Ingat papa!" Nakangiting paalam niya at nang makababa na sa sasakyan ay agad napalitan ang expresyon ng kanyang mukha. Para bang sobrang galit siya sa mundo pero sa katanuyan ay kay Teejay lang talaga siya galit.. Nanghiram kasi ang binata sa kanya ng foundation pero aksidenteng naihulog iyon ni Teejay. Kaya naman niyang bumili ng bago ngunit sadyang mahalaga sa kanya ang foundation na iyon dahil bigay yun ng friend niya na bakla bago pumunta sa ibang bansa last week!

Lalo pa siyang napasimangot ng makitang may ka-holding hands ito na babae. Hindi siya nagseselos.. naiinis lang siya dahil pagkatapos sirain ang foundation niya ay parang wala lang sa binata ang nangyari samantalang siya ay ang laki ng problema ngayon. Kapag bigay kasi sa kanya ang isang bagay ay talagang pinagkaka-ingatan niya ito!

"Good morning Natalia!" May kung anong nagtakbuhan sa dibdib niya dahil bumilis ang pagtibok nito. 1st year college pa sila magka-klase pero ngayong 2nd yr lang siya pinansin ng Ultimate crush niyang si Brent. Madalas na siya nitong binabati at hindi niya alam kung bakit. Ayaw naman niyang mag-assume dahil ayaw niyang masaktan!

"Good morning din!" Kung kanina ay hindi na maipinta ang mukha niya sa pagkainis, ngayon naman ay halos mapunit na ang labi niya sa sobrang lawak ng ngiti. Daig niya pa ang kinukunan ng litrato!

"Sabay na tayo?" Nakangiting aya ng binata. Patango pa lamang siya nang may humawak sa kanang kamay niya at mabilis na hinila siya palayo sa kanyang Ultimate crush. Halos mag-usok ang kanyang ilong nung makitang si Teejay ang may kagagawan non.

"Ano bang problema mo at nanghihila ka?" galit na tanong niya at ibinalik ang tingin sa kaninang pwesto nila ni Brent ngunit wala na ito doon na lalong ikinagalit niya. Minsan na nga lang siya liligaya sa piling ng kanyang crush, pinutol pa ni Teejay!

"Problema ko? Ikaw! Kung kani-kanino ka nakikipag-usap, isusumbong kita kina tito at tita na lumalandi ka na!" Napakunot ang noo niya sa sinabi ng binata. Magkaibigan naman si Teejay at Brent dahil magkaklase silang tatlo mula pa noong 1st yr college kaya't naguluhan siya sa sinabi nito na kung kani-kanino daw siya nakikipagusap samantalang magkaibigan naman nga ang dalawa!

"Edi isumbong mo, kung gusto mo samahan pa kita!" Matapang na sabi niya kahit na naguguluhan  at mabilis na naglakad papunta sa kanilang classroom.

Pagdating sa classroom ay nagkatinginan sila ni Brent. Balak niya sana itong ngitian ngunit agad itong nag-iwas ng tingin at kinausap si Andrea na kaklase din nila na kanyang ikinalungkot.

Kasalanan mo to Teejay! 

Salitang paulit-ulit na binabanggit niya sa kanyang isipan!

Natapos na't lahat lahat ang klase nila ay walang imik padin si Natalia, pakiramdam niya ay nawalan siya ng gana sa hindi pagpansin sa kanya ni Brent kanina nang magtama ang kanilang mga tingin. Alam niya sa sarili na napakababaw ng dahilan niya ngunit hindi niya talaga maiwasan na hindi malungkot!

Walang kagana ganang tumayo siya mula sa kinauupuan at agad na lumabas ng classroom. Agad naman siyang sinundan ni Teejay na kanina pa napapansin ang pagkatahimik ng dalaga. Sa katunayan ay kanina niya pa sinusulyapan ito dahil napansin niya na hindi manlang nagtataas ng kamay ito nang mag recitation sila sa isang subject, samantalang ito ang laging nangunguna sa pagsagot kapag ganitong bagay dahil hindi nagpapahuli ito sa klase at lalong ayaw na mapabayaan ang scholarship!

"Tara sa tom's world?" Aya ni Teejay sabay ang akbay sa dalaga. Alam niyang hindi siya tatanggihan nito!

"Anong nakain mo at nag-aya ka?" Nagtatakang tanong ni Natalia. Usually kasi ay siya pa ang nag-aaya dito kapag gusto niyang maglaro sa tom's world pero madalas na tumatanggi ang binata!

HIS BEDMATEWhere stories live. Discover now