Chapter 5

14.2K 120 4
                                    


"Dun ka makipagtalik sa ka sex mo kanina!" Agad na napatakip sa bibig si Natalia. Hindi niya sinasadyang masabi iyon, kung maaari nga lang ay ayaw na niyang ipaalam na narinig niya ito kanina ngunit huli na ang lahat dahil aksidenteng nasambit na niya ito.

Napakunot noo naman si Teejay na tila nagtataka sa sinabi ng dalaga.

"Ka sex ko kanina? Narinig mo ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Teejay at naupo sa tabi ni Natalia.

"Oo at hindi lang ikaw, kundi kayong dalawa nung ka sex mo!" Bulyaw nito na parang nagseselos. Nagtataka man ay sinakyan nalang ito ng binata.

"Narinig mo pala? Sana pumasok ka para nag three some tayo!" Matawa tawang sabi ni teejay.

"Pakyu! Magsama kayo nung babae mo!" Halos humagalpak si Teejay nang makita ang hitsura ni Natalia, hindi ito maipinta dahil sa masamang awra!

"Nagbibiro lang naman ako lia, huwag ka na magselos please!" Panunuyo niya dito habang nagpipigil ng tawa!

"Ulol mo! Hindi ako nagseselos kapal talaga ng mukha mo!"  Binato niya ito ng unan saka mabilis na pumasok sa banyo. Doon na humagalpak ng tawa ang binata at matapos sa pagtawa ay sakto namang lumabas na ang dalaga na masama parin ang awra!

"Masaya ka na?" Tanong niya sa binata na nakahiga na sa kanyang kama!

"Oo naman, pero mas magiging masaya ako kapag mag sex na tayo!" Sabi nito habang itinataas baba ang parehong kilay.

"Letse ka talaga, wala kang ibang alam kundi puro kalibugan!"

"Oy hindi ah, alam ko din kaya kung paano ka paligayahin!" Napailing nalang ang dalaga sa kapilyuhan nito at binuksan ang TV!

"Tabi diyan manonood ako!" Tinutulak tulak niya si Teejay pero sadyang malakas ito.

"Kapag ako nalaglag, gagahasain talaga kita!" Pagbabanta nito.

"Talaga ba? Dapat na ba akong matakot Teejay?" Pagtataray nito sabay tingin sa TV ng marinig ang boses ni sponge bob na paborito niyang cartoon!

"Seryoso ako hindi ako nagbibiro!" Wala sa sariling sagot ng binata dahil nakinood na din. Pareho nilang paborito ang spongebob!

"Ngayon ko lang narealize!" Sabi ni Natalia nang mag commercial!

"Ang alin?" Kunot noong tanong ni Teejay.

"na kamukha mo pala si squidward!" Matawa tawang sabi niya na ikina-kunot noo naman ng binata!

"Dapat na ba akong matawa lia? Paki-inform naman ako oh!"

"Letse!" Hinampas nito sa batok si Teejay dahil feeling niya eh napahiya siya.

"Pikunin!" Sigaw ng binata at nakasimangot na lumabas sa kwarto ni Natalia. Nakahinga naman ito ng maluwag at muling ibinalik ang tingin sa TV!

Nang matapos ang pinapanood ay ila-lock na sana niya ang pinto ng kanyang kwarto para maligo ngunit napaatras siya nang bigla itong bumukas.

"Im back, masyado mo naman yata akong namiss at may balak ka pa talaga na sundan ako!" Dire diretsong sabi nito sabay naupo sa kama at inilapag ang mga dalang cd.

"FYI ila-lock ko sana yung pinto kaso bigla mong binuksan!"

"Huwag ka na mag deny lia, alam ko naman na mahal na mahal mo ako!" Pang-aasar ni Teejay habang busy sa pagpili ng papanoorin.

HIS BEDMATETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang