EPILOGUE

2.1K 40 6
                                    

EPILOGUE 

May away pa sa pagitan ng mga Mendez at mga San Diego. Away na naging parte ng kwentong ito. Hindi pa tapos ang lahat ng kasamaan pero ang kwentong ito ay tapos na. Ang kwento ng buhay niya ay nagwakas na. 

Siya si Agent X.

Ano nga ba ang nasa likod ng mga pangalang ito?

Si Joy. Isang babaeng sawi sa pag-ibig. Pinilit niyang limutin ang nakaraan ngunit sadyang bumabalik ang bawat ala-ala at sinasabing mahalaga kung ano man ang laman nito. Sa pagpasok niya sa isang sikretsong ahensiya, marami ang nangyari. Nagkaroon ng aksyon ang buhay niya ngunit kulang parin. Ang bawat pagputok ng baril ay hindi nagiging dahilan upang sumaya siya. Ang pagtarak ng mga kutsilyo ay nagsanhi lang ng panandaliang saya. Ang trabaho niya? Ni hindi niya alam kung bakit siya pumasok sa propesyong iyon. 

Ngayon? Ito pa ang dahilan nang kaguluhan ng lahat. Ang dahilan kung bakit siya mag-isa. Ang dahilan ng pagiging malungkot niya sa bawat araw na lumilipas.

Siya ang dahilan ng pagkamatay ng lalaking mahal niya.

Kung hindi lang sana umabot ang lahat sa ganito. 

Masaya sana siya ngayon.

Siya si Agent X. 

At ito ang pagtatapos ng kanyang istorya. 

~

Mhim's Corner: This is so embarassing. Nakakainis. Hindi ako makapag-isip ng ayos. Sorry po ha. Tsaka dinagdagan ko lang ng Epilogue, hindi naman po counted ito diba? Gusto ko lang po ilagay. :) Salamat po sa pagtitiis na basahin ito kahit hindi naman po maganda. :)

-Mhim-

To God Be The Glory!

Siya si Agent X [FIN]Where stories live. Discover now