Jessa: I Love You, Brother! :)

370 4 4
                                    

Lahat ng tao maykarapatang mag mahal

Hindi kayang pigilan ang puso.

Ngunit hanggang saan nga ba ang hangganan ng pag mamahalan?

Pag may kaagaw ka na?

Paano pag ang Diyos na pala?

Makakaya pa ba?

Pero ang pag ibig ay isang malakas na element sa mundong ibabaw.

Kaya alamin kung paano umikot ang kwento ng seminarista at ng simpleng babae na nagngangalang JESSA.

1….Crush!

Ako si Jessa.17 years old, 2nd year college. Mabait, morena, di masyado matangkad, NBSB pero maganda ako (sabi ng nanay ko. Hahaha), madaldal din ako syempre pag mag-isa nalang eh tatahimik din, minsan ngumingiti rin ako mag-isa lalo na pag naaalala ko yung mga crush kong seminarista.

 Yup! Tama ang basa mo. Sila yung mga magpapari palang. Ibig sabihin…. ALAM MO NA!

                Lahat sila crush ko, as in inaadmire ko silang lahat kasi parang ang babait nila tignan eh at sa tuwing kumakanta sila, para silang mga anghel! Nakakainlove, nakakagayuma! Number 1 fan din kasi nila ako, kahit effort gumising ng maaga tuwing lingo eh gagawin ko makapagsimba lang sa church nila at sa tuwing may mga concert sila, lagi akong pumuputa pag hindi naman ako nakakapunta, masama ang loob ko. Dadamdamin, yung tipong iniwanan sa ere ng taong mahal niya, ganun! Ganun na lamang ang tama saakin ng mga seminaristang iyan!

2….Dimples!

Isang araw, inimbita ako ng kaibigan ko para sumali sa isang oraganisasyon sa aming paaralan, religious org yun na nag-aapostolate o bumibisita sa mga unibersidad ang mga seminarista. Nanlaki ang mga mata ko, lumaki rin ang ngiti ko at pumapalak pa ang mga tenga ko sa tuwa nung narinig ko yun. Kaya heto naman ako, parang GLOBE, GO lang ng GO! Hahaha

Sabado nung nagmeet kaming mga members tapos tsismisan at tawanan ng ganyan habang hinihintay yung adviser naming dumating, may meeting nanaman daw, eh nung huling meeting naming sabi niya dadating yung mga brothers eh wala naman. (Nalungkot ako.Haha. Syempre taas ng expectation ko oh! Ayun, lumagapak! Hahaha)

Tinabig ako nung isa kong kasama nung nakita niya si ma’am. Anjan na pala siya! Quiet na. haha

“Okay adings, settle down, I want you to meet our brothers from SPS.” Sabi ni ma’am.

Napatameme ako, nalaki ang mga mata at abot tenga na ang ngiti. Actually, walang may alam sa hidden desires ko at ang dahilan kung bakit ako sumali sa org. bwahahaha! Yung best friend ko lang na ka-org ko din.

 Kasabay nun ang pagtitig ko sa kanilang lahat tapos biglang napaslow-mo ang mundo ko sa isang matangkad, maputi, gwapo at nung ngumiti eh may dimples na brother. (ahhhhhhh. Grabe! Ika nga nila. “nakakalaglag panty” hahahaha)

3…Getting to know!

Getting to know na, magpapakilala na ang isa’t isa. Nauna sila brother. Hindi ko na nga matandaan kung anong pangalan nung iba eh, isa lang kasi yung laman ng attention ko, sakanya lang naman ako naka focus talaga. Hahah.

                “Hi! Good afternoon. I’m Miguel Cervantes from Narvacan, Ilocos Sur”

                After ng getting to know, University tour na. Pasimpleng tumabi ako kay Brother Miguel at sinimulang makipag kwentuhan. Haha. Oo alam ko na unang araw palang naming mag kita eh FC o feeling close na ako. Hahaha. Walang basagan ng trip. Ngayon lang din kasi ito eh. Hahaha

must be destiny ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon