Claire: My Unrequited Love

75 1 3
                                    

Mahirap magmahal. Alam mo yun?!

Sa dami ng crush ko eh wala man lang may gusto saakin.

Pero diba hangga’t may buhay may pag-asa?

Paano kung puro nalang umaasaa?

Masakit! Oo, pero GO lang ng  GO!

Hangga’t kaya ko pa, habang ako’y nabubuhay pa

patuloy akong aasasa na habang may buhay, May PAG-ASA!

1…Flashback!

                Nung college ako, bibihira ako mag karoon ng crush sa classroom. Karamihan ng crush ko eh crush ko lang pag nakikita ko sila. Pero may super crush ako nuon, si Felix!

                Lahat ng kaibigan ko, alam na si Felix yung super crush ko. Gwapo din naman kasi sya. Pero syempre, ligaw tingin halik hangin lang. haha. In short, wala akong ginawa. Kaya yung mga kaibigan ko ang gumawa ng dahilan para maging close kami. Hahaha. Kinuha nila siya na kagroup naming sa isang subject. Haaaaay grabe! Iwas ditto iwas duon. Hindi kasi ako komportable hahaha. Malamang kinikilig kasi ako. Haha

                Nagging kaclose nia yung isang kaibigan ko. Hahaha. Di nagtagal, niligawan ni Felix siya at sinagot naman niya. Hahahahaha. Opo! Tatawa nalang ako. Ano pa ng aba ang magagawa ko. Ang bilis ng pangyayari taob ang dalawang taon na pagkacrush ko sakanya eh.

                Maghanap nalang ako ng ibang crush ko, sabi ko. Kaysa naman ipagsiksikan ko pa ang sarili ko at kami ng kaibigan ko ang mag-away.

2…it’s a sign

                Bigla ko nakita si Kuya James, yung SA sa deans office. Hahaha. Siya nalang. Oo. Siya nalang yung crush ko. Pero super secret ko ito. Baka maunahan ulit. Hahaha

                Magmula nuon, trinabaho ko na maging close kay kuya. Mula FB hanggang sa pag punta ko sa office. Hihi. Yes! Sadya lahat ng punta ko sa office para makita ko siya. Basta Makita ko siya, kumpleto na yung araw ko. Aaaaaaawh!

Minsan, kinukulit ko si ate Jane, yung kasama ni kuya James na SA sa office. Wala lang, para ilakad niya ako…ahhhh! Kinikilig talaga ako.

Lagi ko din sya minemessage sa FB mula umaga, tanghali at gabi. Ayos lang na walng reply, basta nakita ko na yung SEEN na palatandaan na nakita niya eh kinikilig na ako super. Hahaha. Bonus nalang kung may reply siya.

3…closeness meter (15/10)

                Hahaha. Hayan! Nagrereply na siya in fairness to him ah! May time hahaha time for me?! Hahah (kafeelingan mode ko nanaman oh. Pero tiwala lang, Claire magiging close din kayo. Bwahahaha).

                Ilang lingo pa ang nakalipas eh hindi nalang kami puro Hi-Hello. (Wow! Progressive :] I’m loving this. haha) tapos nagkwento na siya nung love story niya. Si Jessa. Nakakainggit kung paano niya mahalin si Jessa. Pero kung sa tutuusin parehas lang kami. Nag mamahal ng taong hindi naman kami kayang mahalin pabalik, ako sakanya at siya kay Jessa.

                Isang araw tinawag niya ako para kukain, kape kape daw muna. Haha.  Bakit?! Dahil daw gusto niya ako maging ka-close. Hahaha. [well! Sabi ko nga tiwala lang diba? :] )

4…The first [DATE] hahah. Shh, ako lang may alam nito :P

                Galling pa ako sa mga kaibigan ko. Haha kasi akala ko malelate siya. Yun pala early bird, hahaha! kaloka. Kakaupo ko palang eh nag text nan a nadun na daw. Over! Takbo na ako malapit sa SM galing lower Session. At on-time naman ako.

must be destiny ♥Where stories live. Discover now