War Of Love x2

10.9K 429 217
                                    

Diane P.O.V.

Nagising ako sa sikat nang araw na tumatama sa mukha ko. Nasilaw ako kaya dumapa ulit ako at nag takip nang unan. Inaantok pa ako. Ang sakit nang buong katawan ko. Gusto ko lang mag pahinha buong araw. Gusto kong kumain, mag relax at---

"MOMMMMY. WAKE UP" narinig kong sigaw nang batang kalbo habang pinupukpok ang pinto sa labas nang kwarto ko. Argh naman. Sinikap kong tumayo kahit inaantok pa talaga ako. Binuksan ko ang pinto at

BOOOGSH

"HALA baby boy. I'm so sorry" tinayo ko siya sa pagkaka laglag.

"Ouch its hurt" sabi niya at binuhat ko siya.

"I'm really really sorry baby boy. Sino ba kasing may sabi sa'yong kumuha ka nang upuan at tumuntong at sandalan ang pintuan ko? Ayan tuloy nahulog ka" pinagalitan ko siya habang nag lalakad kami papuntang higaan ko. Inupo ko siya doon at tinabihan siya. Hinarap ko siya sa akin. Tinitigan ko siya. Ang mga mata niyang simbolo nang pag mamahalan namin ni Kence. Ang mga matang kapag nakikita ko, kinikilig ako at natutuwa ang nararamdaman ko.

"Baby boy. Bakit di ka naman nag iingat. Alam mo namang lalabas si Mommy tapos sasandal ka sa pinto." yumuko ito at nag pout. Aww ang cute niya eh. Hihi.

"I'm sorry mommy. I just want to say sorry for acting cold yesterday" sabi nito at pinag lalaruan ang daliri niya. Inangat ko ang baba niya at tinignan ko siya.

"Nah baby boy. I'm sorry too. Mommy loves you kaya kahit anong cold or whatever ang gawin mo sa akin. I still love you. Alright?" pag chi cheer up ko sa kaniya. Ngumiti siya kaya naman labas na labas ang golden smile niya.

"Iloveyou too mommy. You're always my babylovess" sagot nito at niyakap ako nang pagka higpit higpit.

"I'm always here babylovess" bulong ko sa kaniya.

Kumalas na kami sa yakap at inayos ang sarili. Iniwan ko muna siya sa kama at mag hihilamos lang ako. Pagkatapos non ay niyaya ko na si batang kalbo na mag umagahan sa baba. Wala si Mama eh. As usual, trabaho na naman. Wala silang ginawa kung hindi mag trabaho nang mag trabaho. Kahit ako may trabaho pero gusto ko munang mag pahinga.

Natapos kaming mag umagahan ni batang kalbo at nag tungo kami sa living area. Ise set up ko na sana yung paborito niyang movie pero nakita ko may dala siyang makapal na libro.

"Mommy, don't disturb. You see, I will read this amazing book. Bonding time mommy" mahina nitong sabi sa akin habang kinaway ang makapal na libro niyang hawak. Aish. Akala mo 10 years old na kung maka demand sa akin eh no?.

"Okay. Bonding time. Wait for me kukuha lang ako nang book ko sa library" sabi ko at umakyat na sa taas para kumuha nang libro.

Sandali akong napatigil nang papasok na ako sa mini library dito sa bahay namin. Bigla kong namiss si Papa dahil mahilig siyang mag basa nang mga libro. Naisisingit niya ang pag babasa nang mga novels kahit na tambak ang trabaho niya.

Binuksan ko ang mini library at kinuha ang dati kong libro ni William Shakespeare. Ito yung lagi kong binabasa noong nag aaral ako sa Park-Sy University. Hmm. Kumusta na kaya doon. Parang gusto kong puntahan at bisitahin sila Papa.

Bumalik na ako sa living area. Nakita ko si batang kalbo na naka headset habang nag babasa. Mas mainam kase yon, nakaka relax. Hindi niya na ako napansing umupo sa kabilang sofa.

Nag simula na akong mag basa pero layag ang isip ko. Hindi ba't kanina naisip ko na 'gusto kong bisitahin ang PSU' ? Parang nangangti ang paa ko at gustong umuwi sa Pilipinas. Miss na miss ko na si Papa pati si Kuya Dwayne. Kumusta na kaya sila. Wala talaga akong naging komunikasyon sa kanila.

War of LoveWhere stories live. Discover now