Kaligiran ng Pamilyang Kinabibilangan

120 0 0
                                    

Unang bahagi: Pagliligawan ng mga magulang

Ang pangalan ni Mommy ay Jemimah Catuiza Abad. Tubong Isabela, siya ang bunsong anak nina Sylvina at Francisco Abad. Ang kaniyang ina ay mula sa marangyang pamilya, habang ang ama niya naman ay isang guro sa nasabing bansa, nagtuturo ng musika at instrumento sa mga estudyante doon. Sila ay labindalawang magkakapatid. Nag-aral siya sa St. Louis University sa kursong Engineering dahil sa peer pressure ngunit linisan ang larangang ito at lumipat sa isang propesyong matagal na niyang gusto—pagtuturo.

Si Daddy naman ay nagngangalang Edgar Morallo Bautista, bunsong anak din nina Alfredo at Josefina Bautista. Bagaman galing din sa may-kayang pamilya, naging simple lang ang kanilang pamumuhay alinsunod sa pagpapalaki ni lola sa kanila, hindi nakakatikim ng kapritso hindi tulad ng mga kakilala niya. Malaki ang kaniyang naging interes sa pag-aaral anupat laging nangunguna sa klase noong Elementarya.

Nagkakilala silang dalawa sa Maynila; si Mommy bilang isang ganap na guro, kasama ang kaniyang ate, at si Daddy naman bilang isang college student sa Adamson. Nagkakilala sila sa Monumento Congregation sa Kingdom Hall (bahay-sambahan sa aming relihiyon) at naging magkapitbahay sa Tandang Sora, Caloocan. Ayon sa kwento ni Mommy, dahil sa apat na taong agwat nila ay “Ate” ang tawag ni Daddy sa kaniya, na nagbago naman noong naging sila na.

Dahil magkapananampalaytaya sa espirituwal, nagkatuluyan silang dalawa at kinasal sa Watchtower Tract and Bible Society, Philippine Branch (kung saan ginagawa ang aming mga literatura sa kongregasyon na ginagamit sa pagpi-preach) sa Quezon City, dala ang lagpas sa kalahating taong kanilang mga kakilala.

Ikalawang bahagi: Kapanganakan ng unang anak

Matapos silang naikasal, nagtayo ng sariling negosyo ang aking mga magulang—isang paaralan. Hindi naging inhinyero si Daddy kasi hindi siya pinag-review ng aking lola matapos ang kaniyang pag-aaral. Dahil sa pagiging guro ni Mommy at pagtatapos ni Daddy sa kursong Mechanical Engineering, nagkaroon sila ng paaralan, ang Little Thinkers’Educational Center.

Sabay sa pagbuo ng paaralang ito noong Disyembre 15, 1993 ay ang pagkapanganak ng aking kuya, si Edgar Paolo Abad Bautista. Dahil nagsisimula pa lang bilang pamilya, hindi naging madali para sa aking mga magulang ang mamuhay dahil hindi sila nagkaroon ng suporta mula sa aking lolo at lola. Naranasan nila ang hirap habang mayroong munting paaralan para sa mga batang nais matuto. Dahil sa kanilang talino at pagsusumikap, ang kahirapang ito ay umusbong sa kaginhawaan.

Naging spoiled ang aking Kuya noong bata, ayon sa pagsasalaysay, dahil sa pagiging unang anak. Napunta sa kapritso at nabigyan ng madaming laruan, naging matalino naman siya anupa’t habang lumalaki ay laging nangunguna sa klase, tulad ni Daddy noong elementarya. Sa kasalukyan, siya ay isang graduating student sa kursong Accountancy sa Unibersidad ng Nueva Caceres.

Ikatlong bahagi: Kapanganakan ng pangatlo/bunsong anak

Dalawang taon lang ang naging agwat namin ng aking bunsong kapatid, si Edgar Carlo Bautista. Parehas silang pinangalanan sabay kay Daddy. Kung sabi nilang maputi ako, pinakamaputi ang batang ito. Mukha siyang Chinese dahil sa kasingkitan.

Dahil siya ang bunso, siya ang pinakaalaga. Noong bata, mahilig siya sa gatas anupat noong ikalimang taong gulang, umiinom pa siya sa bote.

Ngayon, nasa ikawalong baitang na ito. Mahilig siya sa hardware ng kompyuter at mukhang susunod sa yapak ni Daddy bilang Engineer.

Shine Bright Like Panda-iamondWhere stories live. Discover now