Elementarya

46 0 0
                                    

Masayang masaya ako noon nang tumuntong ako ng elementarya sa paniniwalang hindi na ako maaaring ibalik ng aking mga magulang sa preschool level. Sa antas na ito, nagkaroon ako ng maraming kaibigan at kalaro.

Noon, hindi ako marunong magsalita ng Tagalog at ako lagi ang pinakabata sa aming magkakaklase, kaya madalas akong mahuli kapag naglalaro kami. Natatandaan ko pa nga na sa tuwing naglalaro kami, hindi ko maintindihan kung bakit lagi nilang binabanggit ang “daga” na nangangahulugan palang “lupa. Dahil hindi ako marunong magsalita ng Bicol, nahilig ako sa asignaturang Filipino sa pag-iisip noon na ito ay isang madaling asignatura lamang. Mula nang nagkaroon ng Brainquest contest kung saan nilalaban ang mga representante mula sa mga pribadong paaralan, ako ang pinasasabak. Ang pinakamasayang parte nito ay nang manalo ako bilang ikalawa noong ikalimang baitang.

Nagkaroon ako ng dalawang matalik na kaibigan. Sa kanila ko natutunan ang mga bagay-bagay na hindi ko nalalaman sa bahay namin. Isa dito si Che, kaklase ko mula Nursery . Mahilig siya sa Ingles at panonood ng Anime kaya lagi niya akong kinekwentuhan tungkol dito. Tinuruan niya rin ako ng ekspresiyong sa salitang Nihongo. Ngayon, nag-aaral siya sa kursong Sikolohiya. Ang ikalawa naman ay si Alaine, ang aking kaibigan na maraming gadget. Lagi niya akong pinapahiram nito at kinekwentuhan din tungkol sa mga bagay-bagay. Sa kaniya ko natutunan ang kantang “We didn’t start the Fire” ni Billy Joel. Ang kinuha naman niyang kurso ay Engineering . Kapwa sila nag-aaral din sa Unibersidad ng Ateneo de Naga.

Sa antas ring ito, natuto akong magkaroon ng taong hinahangaan. ☺ Kaklase ko siya simula noong pumasok ako sa paaralan hanggang ikaanim na baiting namin. Lagi siyang nangunguna sa aming klase ngunit hindi siya masungit, mayabang, o tutok masyado sa pag-aaral. Magaling siyang makisama sa amin at mas makulit pa sa hindi palaaral.

May koneksiyon sa kwentong ito, sa elementary ko naranasan ang unang heartbreak. Nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko sa kaniya at nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, kaya hanggang ngayon, wala kaming koneksiyon. Ngayon, ayon sa aking nalaman, nag-aaral siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.

Ang huli kong naging kaibigan noong ikaanim na baitang ang aking elementary bestfriend., si Zypert. Noon ay naging kaaway ko siya ngunit nang magkabati kami ay naging magkasundo kaya siya ang naging pinakamalapit kong kaibigan nang panahong iyon. Tinulungan niya ako noong namomroblema ako at naging mabait sa akin. Nang hayskul, nag-aral siya sa Ateneo de Naga (Pacol Campus) at kasalukuyang nakatira at nag-aaral sa Bataan.

Shine Bright Like Panda-iamondWhere stories live. Discover now