"Waaaaahhh Avaleeeeene~"
Napapoker face na lang ako sa narinig ko sa magkabilang tenga ko samantalang ang kasama ko dito sa kwartong to ay tawa ng tawa.
"Bakit hindi ka lumaban?"
"Akala ba namin malakas ka!"
"Anong nangyar-"
Bago pa man nila madagdagan ang mga sasabihin nila hindi na sila makapagsalita dahil tinakpan ko amg bibig nila at mas lalo namang natawa ang lalaking nasa harap namin aba.
"Tigil na kakatawa baka mabulunan ka" walang gana kong sabi at binitawan ang bibig ng dalawa "Kadiri" sabi ko at pinunasan ko ang kamay ko.
Nakita kong nagulat sila pero agad din namang nag pout ng kurutin ko silang dalawa sa tagiliran.
"Aray ko naman Valene"
Valene. Yan ang tawag sakin ni Jenny at kahit naiirita ako wala din naman akong magagawa kaya ayan hinayaan ko na lang jan sya masaya edi hayaan sya.
"Wag ka naman magurot Bia"
Bia. Yan naman ang kay Maurene nakakairita man pero gaya ng kay Jenny ano pa ba ang magagawa ko tsk.
"Ako tigil tigilan nyo baka masamplelan ko kayo"
"Shut up Valene pakilala mo na lang sya"
"Oo nga Bia wag mo naman syang solohin bigyan mo naman kami"
Napapoker face na lang ako sa sinabi nila ang hihina talaga ng isip ng dalawang to hindi ba nila napansin ang pagkakaparehas naming dalawa ng kuya ko? Wow ah hindi lang sila mahina sa isip mahina pa sila pagdating da taika ano bang mapapala ko sa dalawang to?
Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking nasa harapan namin dahil sa dahil sa malakas nyang pagtawa at ginamitan ko sya ng taika dahilan para mabulunan sya ng laway nya. Makapangyarihan ako dahil lahat ng gusto ko nangyayari.
"Okay ka lang po ba?" Nag aalalang tanong ni Jenny saka nagsalin ng tubig sa baso.
"Hala hoy Bia wala ka bang balak tumulong mamatay na to kakaubo oh"
"Di yan mamamatay" bored kong sabi.
Maya maya pa ay naging okay na sya kaya naman nag pout sya at hinagis ko sa kanya ang tasa na hawak ko kahit na may laman pa at kung hindi ko to kilala for sure magugulat ako sa ginawa nya. Nasalo nya ang tasa kasama na ang laman nun na tea.
"Tsk. Avabil di ka pa rin nagbabago mainitin pa rin ang ulo mo" sinamaan ko sya ng tingin "Okay okay hindi na."
Tiningnan ko ang dalawa at muntik na ko mapatawa sa mukha nila. Literal na napanganga sila siguro dahil doon sa nangyari kanina na pagsalo nya sa tasa.
"Anong nangyari sa inyo?" Taas kilay kong tanong.
"Avabil" nagulat naman ako sa pagbanggit ni Jenny sa pangalan ko.
"Feeling ko narinig ko na ang pangalan na yan" sabi naman ni Maurene.
Sandali silang napatigil saka sila tumingin sakin na nanlalaki ang mga mata kaya naman napataas ang kilay ko. Problema naman ng dalawang to at nagiging mas tanga?
"IKAW SI AVABIL? IKAW ANG PINAKAMALAS NA LANCASTER?" gulat na tanong nila sakin.
"Oh ano ngayon?" Sagot ko sa kanila na may halong inis sa tono.
Ayoko sa lahat nakikinabang ang mga may taas sa pangalan ko eh. Pag sinabing Avabil alam na nila na Lancaster kahit na hindi nila ito kilala.
"And then" sabay nilang sabi at saka tumingin sa kuya ko at ngumiti naman ito at sabay na nalaglag ang panga nila na nanlalaki din ang mata.
"Bingo" sabi naman ni kuya "Akala ko hindi nyo mahuhulaan kung sino ako eh" napairap naman ako sa sinabi nya, natural alam ng dalawang to tinawag nya ko sa nickname ko eh "I'm Luis Lindon Lancaster. Lulil for short and also Avalene's big brother"
"Lulil. The most intellegent in the Lancaster Family" hindi makapaniwalang sabi naman ni Maurene.
Sadali kaming nanahimik at dahil doon nakakutob na ako kaya naman tinakpan ko na ang tenga ko and in count of three ayun nagsisigaw na ang dalawa samantalang si kuya agarang napatakip ng tenga ang lakas ba naman kasi.
"Ops" sabi ni Jenny at napairap naman ako.
"Teka teka" sabat naman ni Maurene at tumingin sakin "Okay ka na ba?" At bored akong tumango.
"Buti naman at nakahanap ka ng kaibigan" napairap lang ako. Mahihina sila di sila pwedeng kaibiganin "oh ayan ka na naman wag mo isipin yun"
"Whatever" sabi ko at umirap.
"Anyway!" At napatigil naman ang dalawa "huwag nyo sana ipagkalat na magkapatid kami ni Avalene dahil hindi ito alam ng elders namin baka nagkaroon ng problema."
"Yes sir!"
Tumayo na ako at akma nang aalis dahil wala na akong mapapala na maganda dito.
"Avabil" tiningnan ko si kuya at nakita ko ang seryoso nyang mukha tuwing may nagagawa akong mali dati "Gusto kong turuan mo ang Class S students" tinaasan ko naman sya ng kilay "Alam ko mahina ang tingin mo sa kanila pero Avabil malaki ang matutulong nila sayo"
"Matutulong? Mahihina nga matutulungan pa ako"
"Mahina sila sa ngayon Avabil alam mo kung bakit?" hindi ako sumagot at hinayaan ko syang magsalita pa "Ang akala kasi ng mga teacher dito malalakas na sila na hindi na sila kailangan pang turuan kaya ayan sila ngayon. Sariling sikap ang pagtuturo nila sa sarili nila"
"Koneksyon ko sa kanila?"
"Ikaw ang magiging teacher nila"
"Ano naman ang makukuha kong kapalit?"
"Eat all you can of chocolates. Anytime."
So ganun ako nagmumukhang masama dito? Hindi ako sumagot at umalis na sa office ni kuya wala naman kasi akong mapapala doon. Pero chocolate talaga kasi yun eh ang ganda ng offer nya. Kahit naman ganito ako babae pa rin ako and all ladies do loves chocolate.
---
Napabuntong hininga na lang akong napaupo sa sofa sa loob ng kwarto ko. Nabubwisit ako dahil sa alam na alam ng kuya ko kung paano ako papa-oo-hin.
"Siguradi ka na ba Bia?" tanong sakin ni Halimau saka ko sya bored na tiningnan at napataas ang kilay ko ng makita kong nakangiti silang dalawa.
"Problema nyo?"
"Kasi naman Velene kung ikaw na ang magtuturo sa kanila bakit hindi mo sila pahirapan? I mean di ba para sayo mahihina sila? Bakit di mo sila palakasin sa mabilis na paraan" suggest naman ni Jenny at mas lalong kumunot ang noo ko.
"Paraan?" takang tanong ko sa kanila.
"Yes yes. May nabalitaan kasi kami na sa age na seven at nagtetraining ba sila and in just one to two months nakokontrol na ng mga Lancaster ang taika nila. Bakit di mo gamitinbang paraan na yun?" suggest naman ni Maurene.
Napaisip ako. Oo nga pwede din pero ayoko.
"Ayoko. I have my own ways. Sige na umalis na kayo magpapahinga na ko. Bantayan nyo ang S Class alam nyo namang classmate natin sila sa susunod na subject nyo. Balitaan nyo ko."
"Okay"
BINABASA MO ANG
The Cursed Eye [Available on Dreame]
FantasyIn the universe there are only two worlds that the person can call home, one is for the good and one is for the bad. It is really a good thing when you are born in good but what if the world turn into something you don't want? Can you still call you...