Chapter 3

290K 7K 380
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'Coward'


Bumaba si Saph sa kotse at kumunot ang noo niya nang makitang sa mall sila pumunta. "Aren't you bored of hanging out at malls?" tanong niya kay Ice na kakababa lang rin sa kotse. Natawa ito at iginiya si Saph papasok sa mall matapos niyang palihim na tiningnan ang mga taong naka-suot silbilyan na nagbabantay sa kanila. Ice recognized the black band on their arms.

"May bibilhin rin tayo pagkatapos mong kumain," sabi nito at kinuha ang cellphone niya. Nagkibit-balikat si Saph at inayos ang benda sa kamay niya. Dumating silang dalawa ni Ice sa isang restaurant at nagtaka si Saph noong tiningnan niya ang menu.

"Chicken nuggets?" tanong niya na may halong pagtataka. She didn't expect such a fancy restaurant to offer chicken nuggets on its menu. Nakita niyang may corn dogs at chocolate cupcake rin sa menu kaya tiningnan niya na ang likod ng menu at nakita ang naka-italic na letter 'I' sa likod.

"Imperial," she whispered.

Napatingin kaagad si Ice sa kanya dahil akala nito ay siya ang tinatawag nito pero noong makita niyang nakatingin si Saph sa likod ng menu ay napakamot na lang siya sa batok niya. "Ang yaman niyo talaga. Pati restaurant meron din kayo?" she said in an uninterested tone. It was not new to her to see the logo of Ice's family businesses.

"Dinala mo ba ako rito para magyabang?" panunukso ni Saph sa kanya.

"Hindi ah. As far as I know, mas mayaman kayo sa amin," sabi nito dahilan para kumunot ang noo ni Saph.

"Anong mayaman? Si Anpa lang 'yon. At saka affiliates lang meron siya. Hindi kagaya niyo na nakikita ko 'yong logo niyo kahit saan," sabi ni Saph na nagpatawa kay Ice. Walang sinagot si Ice sa sinabi ni Saph at tinanong kung ano ang oorderin niya.

"Ba't may chicken nuggets kayo sa menu?" she asked.

"Para sa 'yo 'yan," walang pag-aalangan na sagot ni Ice habang nakatingin ng diretso kay Saph.

She shrugged her shoulders and ordered the chicken nuggets at umurder naman si Ice ng pasta. Habang naghihintay sila sa order nila ay nakuha ng atensiyon ni Saph ang mga glassware na nakadisplay doon sa counter. Nakita niya ang logo ng mga Imperial pero nakita niya rin ang isang naka-italic rin na letter 'T'.

"Ano 'yong T?" tanong niya sabay turo sa mga glassware. "Takahashi. Our affiliates from Japan," agad na sagot ni Ice. Tumango si Saph at tumingin muli sa kaibigan niya na pilit tinatanggal 'yong peke niyang tattoo sa leeg gamit ang isang tissue.

Nagkwentuhan ulit sila sa mga nangyari sa buhay nila sa loob ng limang taon na hindi sila nagkita. Ice has no social media accounts at minsan lang rin nagpo-post si Saph sa accounts niyang naka-private pa. "Nagka-girlfriend ka doon?" tanong ni Saph matapos siyang tanungin ni Ice kung nagka-boyfriend ba siya, na siya namang sinagot niya na wala. Umiling si Ice bilang sagot.

"Baka kasi bakla ka talaga. Ang alam ko crush mo si Nyx dati." Humagalpak ng tawa si Ice sa sinabi ni Saph sa kanya.

"Bakit ba sa tuwing may nakikilala kang lalake eh akala mo nagka-crush sila sa kambal mo?" natatawang tanong nito.

"Ang ganda kaya ni Nyx kapag naging babae siya," she said.

"We don't need a lady version of Nyx. We have you," diretsong sabi ni Ice na nagpangiwi kay Saph.

"Ah gano'n? Gagawin niyo lang akong panakip-butas dahil hindi babae si Nyx? Sus, naghirap pa kayo. Tumatanggap ng lalake si Nyx. Try mong ligawan 'yon," Ice grimaced at what he heard at sinabing ibahin na lang nila ang usapan. Natawa naman si Saph sa kanya at tiningnan ang order nila na parating na.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon