[trigger warning: scenes in this chapter contain violence. reader's discretion is advised]
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
'Warning'
Chiel's game was child play. It was foolish to think that the Fukitsu students can make Sapphire breach her over 30% limit just because of a game. Alam na ng mga estudyante na imposibleng mangyari 'yon kaya ang tanging nagagawa nila ay palibutan lang si Saph at inisin ito. They never imagined hurting any noble blood, let alone, Sapphire's close friends, just to rile her up.
But that's what the guys from A-class did.
They succeeded in riling her up. Her stats now show that she used 24%.
Natigil ang mga estudyante sa labas ng building nang makita nilang may kinakarga sina Ice at Stone na katawan papunta sa cart. May takip ang mukha ng mga taong karga-karga nila pero kitang-kita ang dugo na bumabakat sa tela na nakatakip sa katawan nila. Hindi nila alam kung sino ang mga 'yon, pero alam nilang isang babae at lalaki iyon.
Dahil sa tumigil sila sa pag-iingay ay doon na nila narinig ang mga sigaw ng mga lalaki sa loob ng building. Nanginig sila sa takot at dumarami na rin ang mga estudyante na umaaligid sa building na 'yon para malaman ang nangyayari.
Habang nakikinig sila ay bigla na lang tumigil ang ingay sa loob at maya-maya ay nakita nilang naglalakad si Saph palabas ng building. Napansin nilang may hila-hila itong katawan ng lalaki pero kumunot ang noo nila nang makita na gumagapang rin palabas ang iba pang mga lalaki.
Saph casually dragged the body of an A-class student out of the building. Huminto siya sa harap ng S-class students at tiningnan niya ang mga 'to. They looked at her eyes. She was staring into nothing. Napansin rin nila si Zero na pasimpleng naglalakad sa gilid ni Saph. Nanginig ang ibabang labi ng mga kaklase nila at sinabihin sila ni Zero na umatras.
"Hindi mo ba siya pipigilan?" tanong ni Aya. Tumingin si Zero sa kanya at saka sa mga lalaki na natumba na sa lupa matapos silang pasunurin ni Saph sa labas.
"They deserve to die," walang ganang sabi nito at naghanap ng upuan sa gilid. Kunot-noong tiningnan ng mga S-class students si Zero dahil alam nilang dapat nitong pigilan si Saph. But they saw how Zero also had murder in his eyes. Dahil dito ay umatras na rin sila at tiningnan si Saph na hinarap ang mga lalaki.
"Strip," she commanded.
"You... Tanaka bitch!" sigaw ng isa sa mga lalaki sa kanya.
Umangat ang gilid ng labi ni Saph at naglakad palapit sa lalaki na 'yon. Without saying a word, she smashed his face on her knee. Napasigaw ang mga estudyante sa ginawa nito at hinila ni Saph ang lalaki na 'yon palapit sa mga kasama niya.
Saglit na yumuko si Saph at tiningnan 'yong mga lalaki sa mga mata.
"Gawin niyo sa kanya ang ginawa niyo sa mga kaibigan ko," mahinahong sabi ni Saph.
Nanginig ang kamay ng mga 'to at parang ayaw pang sumunod. Tumingala si Saph at walang pasabi na ibinagsak ang ulo ng lalaking hawak niya sa sahig. Napasigaw kaagad ito kaya kumuha naman si Saph na isa pa sa mga lalaki at walang hirap na ibinagsak ang mukha nito sa sahig.
She did the same to three other guys. Natakot ang iba kaya agad nilang nilapitan 'yong leader nila at ginawa ang ginawa nila kay Kiel at Xyra. Binugbog nila ang kasama nila at hinubaran.
But while Saph was distracted, isa sa kanila ang tumakbo palapit kay Saph at napasigaw ang lahat ng makita na may patalim 'yong lalaki. Umilag lang si Saph at inagaw ang kutsilyo na hawak nito. Nang mahawakan ni Saph ang kutsilyo ay naalala niya ang mga sugat sa binti ni Xyra.

YOU ARE READING
Fukitsu Academy
ActionDaughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...the Tanaka clan. By the whispers of the crowd, Tanakas are worse than demons. They are the most in...