Impossible

153 8 5
                                    

"Don't you like this place Ethan?" tanong ko sa boyfriend ko.

Kanina pa ako nagsasalita pero eto at nakatunganga lang siya. Napapansin kong wala siya sa mood makipag-usap. Pumunta kami dito sa Skyranch Tagaytay para mag enjoy kami. Today marks our 6th month since we started our relationship. Ako ang namilit na pumunta kami dito dahil gusto kong bumuo ng masasayang alaala para sa monthasary namin. Pero simula nang tumapak kami sa lugar na 'to, nag iba na ang mood niya.

"Come on, tell me what's wrong."

Tipid lang siyang ngumiti at inakbayan ako. "Pagod lang ako sa byahe Camilla. I'm okay."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Are you sure? Kasi kung pagod ka nga talaga, umuwi na lang tayo habang may araw pa. Mas mahirap bumyahe pag gabi na."

Mas isiniksik niya ako sa tabi niya at hinalikan ang gilid ng ulo ko. "Okay lang ba sayo?"

"Of course. Naiintidihan kita, gusto mo ako na lang mag drive pauwi?"

"No need. Ako na. Let's go?" tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa kung gusto niya na rin magpahinga. Nakakapagod naman talaga yung byahe.

We've been together for 6 months. Oo, medyo bago pa kami ni Ethan pero isang taon na kaming magkakilala. Nakilala ko siya sa birthday party ng barkada ko. He was invited since kababata niya yung kaibigan ko. Since then, I already admire him for being a nice person. We go out together with our friends hanggang sa naging close kami. From friends, we turned to lovers.

Nilingon ko siya sa gilid ko na ngayon ay tahimik na nagmamaneho. Deretso lang ang tingin niya. Wala sa amin ang nagsalita. Ganito siya madalas pag nawawala ang mood niya. Hindi siya galit, pero bigla na lang siyang tumatahimik. Yung tipong parang may iniisip siya na kahit nandito ako sa tabi niya, nakakalimutan niya.

For the past 6 months na naging kami ni Ethan, hindi ko masasabi na lubusan ko na siyang kilala. There are things that I still don't know about him yet, but I'm working on it.

Kinalas ko ang seatbelt ko nang huminto kami sa labas ng bahay ko. Kinuha ko ang isang maliit na box mula sa bag ko. This box contains my monthsary gift to him. I don't know if he will like this, pero sana magustuhan niya.

Inabot ko sa kanya ang box. Taka niyang tiningnan ito bago kinuha mula sa kamay ko.

"What's this?" he asked.

"Buksan mo." I smiled at him, encouraging him to open it.

His eyes stared widely on the silver necklace inside the box. "This is too much Cami."

I chuckled with his expression. "Maliit na bagay lang naman 'yan." Ani ko. Lumapit ako sa kanya para sana tanggalin ang necklace na suot niya ngayon pero nabigla ako nang pinigilan niya ang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya na tila ayaw niyang ituloy ang binabalak ko. Nagkatitigan kami.

"Let's replace that old necklace Ethan. Ako na magtatanggal."

"No, hayaan mo na yan. I'll just keep your gift. Sayang kasi, ayokong masira."

Dahan dahan kong binawi ang kamay ko from his tight grip. "Ano ba kasing meron diyan sa necklace na 'yan? Hindi mo ba nagustuhan yung regalo ko?"

Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako. "I like it Cami. Thank you." Bulong niya sa tainga ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Although he said that he liked it, I feel the opposite. Parang napipilitan lang siyang magustuhan ang regalo ko. Hindi ko na lang ginawang big deal dahil ayaw kong mag away kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ImpossibleWhere stories live. Discover now