At the Beginning [2]

205 12 0
                                        

At the Beginning [2]

Hana POV

Nang makasakay ako sa kotse ng lalaking ito na nag ngangalang Dranreb. Namangha ako sa kotse niya. Ang ganda kasi sa loob at ang bango pa. Dahil sa pagkamangha ko, hindi ko na napansin na nakapasok na pala siya. Pero diba pareho lang naman kaming magbabakasyon! Eh bakit ngayon may kotse siya dito sa probinsiyang ito.

“Dranreb diba magbabakasyon ka lang din naman dito?”

“Yup” sabi niya habang ini-istart na yung kotse niya.

“Bakit may sasakyan ka dito?”

Agad ko namang nakuha ang atensiyon niya… “Kasi may bahay kasi kami dito”

Napatango naman ako sakanya… Ang yaman naman nitong lalaking ito.

“Ah” yan nalang ang naging tugon ko. Bigla na din namang gumana yung sasakyan, kaya naman nakaalis na kami doon. Ianliw ko lang ang sarili ko sa nakikita ko sa tanawin. Minsan sumusulyap lang din ako sakaniya.

Binuksan ko yung bintana ng kotse at dinamdam ang hangin. Nilabas ko din ang kama ko para mas lalo ko itong maramdaman. Ang sarap sa pakiramdam!

Sana hindi na matapos ito…

IHIDEMYSELF POV

Habang naaliw si Hana sa pagtingin sa paligid na may kasama pang paglipad ng mga buhok niya. Hindi niya alam na si Dranreb naman ay nakatitig na sa mukha niya. Naisip kasi ng binata na Ang ganda pala niya kapag ganyan ang ngiti.

Dahil sa pagkaaliw ni Dranreb sa kasamang dalaga. Hindi niya napansin na may malaking kahoy pala sa daan at nung oras na yun, sa iba niya naibalandra ang sasakyan sa halip na sa kahoy. Doon niya ito binangga sa may patag na kung saan puro putek ang nandoon.

“Ok ka lang?” tanong niya sa dalaga.

Hinarangan kasi niya ang katawan nito para hindi ito tumama sa kung saan kung sakaling mabangga man sila.

Tumango naman kaagad ang dalaga. “O-ou” tugon nito.

Nakahinga ng maluwag ang binata at inumpisahan na kaagad paandarin ang sasakyan. Pero sa kasawiang palad ayaw gumana ng Engine. Nataranta na silang dalawa. Lumabas si Hana para tingnan kong may mga tao ba doon kaso wala siyang nakitang kahit ni isang nakatayong bahay doon. Ngayon lang pala niya napansin na malayo layo na pala yung napuntahan nila. Hindi naman niya kasi malaman dito kay Dranreb kung saan sila pupunta ang layo na kasi nila sa kabihasnan.

Dumungaw siya sa bintana at nakita niya ang binata na pilit paring pinapaandar ang kotse nito.

“Dranreb. Wala ni isang tao dito. Paano yan?”

“Ha! Teka kukunin ko ang Cellphone ko” kinuha naman kaagad Ng Binata Ang Cellphone niya at umakmang may tatawagan.

“Sh*t” bulalas ng binata

“Ha bakit?” tanong ng dalaga

“Wala kasing signal dito”

“Naku patay tayo diyan! Sa mina malas nga naman oh”

“No choice tayo kundi iwan ang kotse dito at maghanap ng pinakamalapit na matutuluyan” bigkas ng binata.

Napabuntong hininga nalang ang dalaga at inisip na siguro ang malas niya. Kasi unang una na holdap siya, pangalawa muntik na siyang marape at pangatlo nasiraan pa itong sasakyan ng kasama niya. Mukhang siya ang salot sa kanilang dalawa. Nalungkot naman kaagad ang dalaga sa iniisip niya.

“Anung naman nangyare sa mukha mo?” tanong ng binata, nakita niya kasi ang biglaang pagkalungkot ng dalaga.

“Ha! Wala noh…” pagiiwas ng dalaga.

At The Beginning (Short Story)Where stories live. Discover now