At the Beginning [5]
Dranreb POV
“Pre tama na nga yang kakainum mo” sabay agaw saakin ni Jack ng inumin ko.
“Pre huwag mo muna ako guluhin. Gusto ko magisip” sabay kuha ulit ng kinuha niyang inumin at agad kung tinungga ito.
“Hay naku! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Dranreb”
“Iwan mo na kasi muna ako!!”
“Hindi kita iiwan dito. Ang daming tao mamaya maeskandalo kana naman. Masisira na naman image mo sa publiko…”
Sinamaan ko nalang siya ng tingin… “Ok fine uuwe na ako”
Bigla namang ngumisi ang loko… dahil sa may amats na ako siya na ang nagdrive papunta sa Condo ko. Pagkarating namin doon agad niya akong binagsak sa sofa ko.
“Be ready for tomorrow. May interview ka bukas sa isang network. Kailangan nating ayusin yang image mo”
“Tssss”
“Dranreb. Magtino ka nga. Dati hindi ka naman ganyan nung umalis ka ah. Bakit nung bumalik ka parang pasan mo na ang mundo. Isang buwan na ang lumipas Dranreb. Ikaw na nga ang nagsabi na iniwan ka niya ng walang paalam diba. So ibig sabihhin ayaw na niya talagang hanapin mo siya”
Napatayo ako sa sofa at ambang susuntukin siya.
“Accept the truth Dranreb. Accept the truth na wala na talaga siya sa buhay mo, na parang isa lang siyang Stranger na nakabanggaan mo at after nun hindi na ulit magpaparamdam” sabi niya at bigla nalang umalis.
Nasabunutan ko ang ulo ko. Hindi ko na talaga kaya!! Mababaliw na ako kakaisip kung nasaan na ba siya. Gusto ko na siya Makita. After that day, isang note lang ang iniwan niya. Ang sabi niya.
“Sorry Dran kung umalis na ako ng hindi nakapag paalam sayo… and thank you for helping me na mahanap ang pagkatao ko. Thank you so much. Thank you for being part of my journey, and always take care :)”
“Accept the truth Dranreb. Accept the truth na wala na talaga siya sa buhay mo, na parang isa lang siyang Stranger na nakabanggaan mo at after nun hindi na ulit magpaparamdam” naalala ko na naman ang sinabi saakin ni Jack kanina lang.
Dito na ba natatapos ang lahat. Pero bakit ayaw tanggapin ng utak ko na tapos na at wala na siya. Isang buwan ang lumipas. Hinanap ko siya kahit saan ginamit ko na ang yaman namin pero hindi ko parin siya mahanap. Kailangan na ba talaga akong bumitaw at itigil na ang kahibangan na magkikita ulit kami. Pero ayoko talagang bumigay, ayokong sumuko na baka hindi na kami ulit magkita. I know my heart at habang tinitibok parin nito ay ang pangalan niya. Hinding hindi ako susuko…
Hana Zyla Verrel. Where are you? Nasaan kana ba? Kahit silip lang, gusto kita Makita.
Please Lord help me to find her…
Kinaumagahan maaga ako nagising, nandito na naman kasi ulit si Jack. Bwisit talagang manager ito. Ang aga aga pa nanggigising kaagad.
“Dranreb gumising kana diyan marami kang naka schedule ngayon na gagawin”
“Ou na!” at tuluyan na akong pumasok sa banyo.
Putek sa susunod nga aayaw na ako maging sikat na singer ang hassle eh. Dagdag pa yung saakit ko sa puso na ang gamut lang ay si Zyla.
“Ready na ako! Tara na”
Tumango naman din kaagad si Jack.
Pictorial doon, pictorial dito ang nangyare saakin buong maghapon. Ngayon naman Interview.

YOU ARE READING
At The Beginning (Short Story)
RomancePossible bang main-love ka sa isang tao ng isang araw lang? Kung ako tatanungin hindi naman siguro totoo yan. pero paano kung akala ko lang pala, kasi mismo saakin nangyare iyon. ang sabi nga "Kusang dumarating ang pag-ibig sa hindi mo inaasahan". I...