Chapter 7

199K 5.4K 131
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'Midnight Phantoms'


"Bakit palaging tulog si Saph?" tanong ni Kiel habang may hawak na laruan ni Aki na binili ni Nyx kasama ng mga pagkain nito. Aki was on the floor, chewing a rubber duck. "It's the doctor's visit," sagot ni Demo habang nililinis ang salamin niya.

"Ang pogi mo kapag wala kang salamin," ani Zack dahilan para tingnan siya ni Demo.

"I don't date boys," sagot nito at sinuot na muli ang salamin niya. Zack scrunched his nose and lay flat on the sofa. "I'm bored," sabay na sabi ni Kiel at Zack.

"Gusto kong mag-club," sabi ni Zack.

"I don't get people who go to clubs, really. Ang ingay at ang baho. The first and last time I went to a club was traumatizing," sabi ni Demo.

"Maingay, oo. Mabaho, I don't think so. Siguro sa mumurahing club ka pumunta," sabi ni Zack pero tiningnan siya ng masama ni Demo.

"In case you forgot, you brought me to your club," Demo said and threw one of Aki's toys at Zack.

"Talaga? Hindi ko na maalala 'yon," aniya at tiningnan siya ng masama ni Demo.

"Oi, food is ready."

Sabay na tumingin silang tatlo kay Stone na kararating lang. He was even complaining why the kitchen was so far away from the living room. Pati si Aki ay tumingin rin sa kanya. Tumaas ang kilay ni Zack nang makitang may suot na apron si Stone.

"Nag-apply ka ba na maging housewife ng mga Tanaka? Akala ko joke lang 'yong gusto mo si Nyx," panunukso ni Zack. Stone glared at him at muntik pang ibato rito ang spatula na hawak nito.

"'Wag ka na kumain. Wala ka namang silbi," mahinang sabi ni Stone sa kanya at tumalikod na. Aki followed him kaya tumayo na lang si Kiel at kinarga na si Aki tsaka sinundan si Stone.

"Ako muna magbabantay sa 'yo kasi tulog 'yong amo mo," aniya at inayos ang pagkakakarga kay Aki. Pagdating niya sa kusina ay nakita ni Kiel na marami nang naluto si Stone.

"Ano bang hindi mo kayang gawin?" tanong ni Demo na sumunod pala sa kanila.

"Ang maging top one sa Fukitsu," sagot ni Zack dahilan para tuluyan nang ibato ni Stone sa kanya ang spatula na hawak nito. "Pikon ka naman. Totoo kasi," dagdag pa nito kaya inawat na lang sila ni Demo.

"'Wag mo nang pansinin 'yan. Alam mo namang ganyan talaga 'yan kapag bored," ani Demo at pinatalikod na si Stone.

"Wala kasing magawa dito," sabi ni Zack at nangalumbaba sa mesa.

"Paano mo nagamit itong kusina? Paano ka pinayagan ng chef nila?" sunod-sunod na tanong ni Kiel habang kinakain ang meatballs doon sa spaghetti. "I threatened him with a knife," pasimpleng sabi ni Stone.

Napailing na lang sina Zack. Kiel prepared Aki's food dahil kanina pa ito gustong kumain ng meatball na nasa mesa. "Rinig ko may bago ring mga estudyante sa Fukitsu," sambit ni Demo at umupo sa tabi ni Zack. Tumingin naman si Stone sa kanila at nagtanong kung paano niya nalaman 'yon.

They all know that Fukitsu Academy is a tough place to enrol. Not because students don't pass the requirements but because every student at Fukitsu passes through recommendations and invitations. Saph's enrollment at Fukitsu was possible due to Nyx's and their family's influence.

Demo and the others are naturally high-ranking members of the society, so there's no question that they're in the school as well. At dahil exclusive ang mga tinatanggap ng paaralan, nalalaman nila kung may bago ba o wala. Most families would boast about how their sons and daughters got accepted at Fukitsu. But even with the strict enrollment and acceptance procedure, the number of Fukitsu students span to almost 600.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon