Seis

44.5K 629 205
                                    

~6~

Oshawa Center

"Ma, bakit kailangan pa nating bumili ng damit? Eh di ba meron pa naman akong mga bagong damit dun sa closet?"

Kami yata ang nagbukas ng mall na 'to eh. Paano, wala pa masyadong tao nang pumasok kami. Dito na din kami naglunch ni Mama. Well sabagay, medyo malapit lang naman sa bahay itong mall. Hindi yata kami inabot ng 30 minutes na byahe. Mama even allowed me to drive the car. Sobrang luwag kasi ng daan dito compared sa Manila na halos magdikit na ang mga sasakyan. Dito, parang two to three cars apart ang distansya ng mga sasakyan. And traffic rules is strictly observed kaya din siguro panatag si Mama.

Nakita kong napangiti lang si Mama sakin. "Hayaan mo na. Gusto ko ding ipagshopping ka. I heard guys like girls who dress elegantly," saad nitong kumindat pa habang hawak ang kaliwang braso ko. Nasa isang boutique kasi kami nun at namimili siya ng mga damit.

Napailing na lang ako dito habang nakasunod sa kanya. Actually siya lang naman ang pumipili eh dahil wala naman akong alam sa fashion talaga.

What matters for me ay yung kumportable ako sa sinusuot ko. Ayos na yun.

"Ma, yung totoo. Tinutulak mo ba ako kay Zeke?" Hindi ko na napigilang itanong dito pagkatapos naming lumipat sa isang boutique. Namimili na ito ng kung anu-anong accessories. Ilang bags na din ang bitbit namin dahil wala yata siyang hindi nabibili sa pinapasukan namin. Halos lahat pa para sakin.

Bahagya lang ako nitong nilingon bago muling itinuon ang pansin sa pagpili ng mga accessories. Halatang nagko-concentrate sa pagbusisi ng mga iyon. "Zeke isn't bad. Mabait pa na bata. You'll get along well. I know you'll have fun later. Kahapon nga ay parang ayos naman ang usapan niyo."

Nakita ko ang pigil pigil na ngiti nito nang sabihin iyon.

Kinikilig ba 'to? Tss. This is going nowhere... tsk!

Pero teka. Ibig sabihin, nakikinig siya samin ni Zeke kahapon?

"Ma, seryoso ka ba sa pinagsasabi mo? Kung gusto mo si Zeke—"

Itinaas nito ang isang kamay para patigilin ako. "Gusto ko siya para sayo kasi alam kong mabuti siyang tao. Hindi ko naman sinabing mag-asawa ka ah. I just want you to enjoy your youth anak. Katulad ng mga normal na teenagers dyan. Lumalabas. Nakikipagdate," paliwanag nito sakin.

So hindi normal ang buhay ko, ganun? Ang labo din ni Mama eh. Walang basagan ng trip. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko ah.

"I don't know Ma. Parang playful kaya si Zeke. Mamaya may girlfriend na pala yun tapos tinutulak niyo pa kami. Ako pa lumabas na homewrecker," mahinang sambit ko dito.

Actually alam ko namang mina-match kami ni Mama. On Zeke's side, I'm not really sure. Syempre kakakilala pa lang namin pero technically, parang first date ko din 'to. Hindi naman alam ni Mama yung paglabas ko dati with Aidan. And now, sa isang foreigner pa. Parang natatakot lang din ako na baka ma-ruin ko yung 'date' na sinasabi nila. Hindi ko alam, medyo na-anxious lang ako bigla na ewan lalo't halatang tinutulak kami ng mga nanay namin.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon