Nueve

42.9K 655 251
                                    

~9~

"Are there no other skirts beside this? I mean, something a little longer than this?" tanong ko sa isang crew na siyang nag-a-assist sakin pagkatapos kong makita ang tabas ng skirt na kailangan kong suotin.

Okay, so I've been training for like two weeks already, right after nung pumirma si Mama ng kontrata ko. Kasi hindi pa ako 18 kaya si Mama yung nagsign ng contract. Pinagtalunan pa nga namin yun, kasi sabi ko, kung magpapapictorial man ako, it should be every summer lang dahil ayokong mag-overlap sa studies ko in the future.

I was glad na sumang-ayon naman si Mr. Levi. Kasi kung hindi, bahala sila! Magrereklamo na talaga ako kahit makipagsagutan pa ako kay Mama.

I have the right to decide for myself because it is my life!

Speaking of studies, tinanong ko si Mama kung wala na talaga akong pag-asang makapag-aral dito this month or kahit sa May pa. Sabi niya sa October pa daw talaga ang next opening.

My gaahd! Ang tagal, feeling ko hindi ko talaga kakayanin ang kabagutan. Na-voice out ko pa yata out of impulse na sana, sa Pinas na lang ako nag-aral. Pero parang hindi niya naman narinig, or baka sinadya niyang wag pansinin, knowing her.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa ng nag-a-assist sakin. Her name's Lindy by the way.

"You really aren't comfortable wearing girly clothes, don’t you? Don't worry, this is the last shot we'll be having then you're off to go," Lindy winked.

Alanganing ngumiti lang ako habang maya’t mayang inaayos ang skirt pagkatapos kong isuot iyon sa changing room.

"I just think that this is too short for me," nahihiyang paliwanag ko dito.

"C’mon, it's perfect. It emphasizes your long legs," saad naman ni Lindy na inayos ang skirt.

Mas lalo lang yatang umiksi dahil hinila niya pataas.

Binigyan ko lang ito ng 'what the hell are you talking about’ look habang pasimpleng hinila muli pababa ang skirt.

Hello, c’mon din! Sino ba naman ang hindi maiilang sa skirt na ‘to na sobrang ikli? Wow ha. I never wore any of this kind. Dress siguro, oo. Pero skirt? SKIRT? Kulang na lang makita ang underwear ko dito eh.

And I can't believe there are girls who'd die having a piece of this sinful skirt. Obviously, parang binigyan mo lang ng lisensya ang mga kalalakihan na bastusin ka, di ba?

Anyway, I was relieved by the idea na pwede na akong umuwi pagkatapos nito. Hinatid lang din kasi ako ni Mama sa venue ng pictorials kaninang 9am at ibinilin kay Levi bago siya pumasok sa opisina niya. Susunduin niya na lang daw ako after. Inaabot naman kasi talaga ng hapon ang pictorials at training.

Mababait din ang mga staff ni Levi at inaalagaan talaga nila ako ng maayos sa course ng training ko upang hindi ako mailang and everything kaya hindi ko din masasabing hindi ako nag-enjoy sa ginagawa.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon