Part3:Debt??!

70 3 0
                                    


Lorea's POV



Kriing...kriing....kriing...


Napabangon ako sa kama dahil sa pag-ring ng phone ko.

"Aray... sakit ng ulo ko ng dahil sa hang over. Sino naman kaya ang tatawag sakin ng ganito kaaga" tanong ko sa aking sarili.

Kinuha ko ang phone ko na kanina pangring ng ring.

"Hello" panimula ko.

"Hello anak sorry kung nakaistorbo ko ang pag-tulog mo"sambit niya.

"Ikaw pala ma, naku okay lang teka bat nga pala kayo napatawag ng ganitong oras may nangyari bang masama?" Nag-aalala kung sambit.

"Naku wala naman anak na nangyayaring masama samin".

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa kaniyang sinabi.

"Ano kasi anak may hindi kasing inaasahang nangyari...... ano" nag-aalinlangan niyang sabi.

"Ma, sabihin mo na" pangungumbinsi ko sa kanya.

"Ano kasi anak, nag-karoon kami ng utang ng papa mo sa bangko kapag hindi namin iyon nabayaran makukulong kami ng papa mo" malungkot niyang sambit.

"Ha! Ah...eh.... ganu ba kalaki ang utang niyo sa bangko para makulong kayo" sambit ko.

"5 million" halos pabulong niyang sambit.

"5 million lang pala eh... teka... 5 million bat kayo nagkaroon ng ganyang kalaking utang ma, saan niyo ba ginamit yung pera? Gulat kung sambit.

"Kasi ano anak.... gi-ginamit namin yung pera para gumawa ng bussines kaso nalugi yung bussines na ginawa namin. Kahit pandagdag lang kung hindi mo kaya o-okay lang anak naiintindihan naman kita" pagpapaliwanag niya.

"Naku ma okay lang po yun tutulong ako ma para mabayaran yung utang ano 'pat tayo'y mag-kakapamilya di ba ang pamilya nag-tutulungan. Maghahanap ako ng paraan para makatulong sa inyo."masayang sambit ko.

"Nako anak hulog ka talaga ng langit maraming salamat" mangiyak ngiyak niyang sambit. Dahil sa pag-iyak niya ay naiyak na rin ako.

"Ano ba yan ma, kaaga-aga nag dradrama tayo" natatawa kung sambit habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Sorry anak masaya lang talaga si mama" masaya niyang sambit.

"Eh... kailan daw dapat bayaran" tanong ko sakanya.

"Sabi nila dapat daw bayaran yung utang sa loob ng tatlong buwan" sambit niya.

"Okay ma, sige bye".

"Bye anak".

Haaay... saan naman kaya ako kukuha nang ganung kalaking halaga ng pera.

Nang sa kakaisip ko ay di ko nanamalayan na late na pala ako sa trabaho.

"Shems!!! Late na ako sa trabaho ko!!" Sigaw ko.

Nang sa kakadali ko ay muntik na akong madulas sa banyo.

"Woah.. muntikan na yun ah" sambit ko.

Toothbrush tapos ...sabon....shampoo...banlaw....punas....palit ng damit....suklay....light make up aaaand VOILA.... te den I'm ready to go. Tumingin ako sa aking relo at....



"Shocks 30 minutes na lang" gulat kong sambit.

Agad kung tinakbo papuntang elevator.

"Ting" nang bumukas ito ay agad ko itong pinindot. Sasara na sana ito nang biglang may nakita akong kamay para huminto ito. Bumukas ito at may nakita ako na...





























Marriage Contract! A Contract Of Love ♡Where stories live. Discover now