Chapter 3 - Priceless Smile

2K 48 2
                                    

Shay
"Bes,tignan mo si Brent papalapit sa table natin." Bulong sa akin ni Alexis habang ako kumakain.

Nakita ko si Brent na papalapit sa table namin alam nyo din na isa siya sa mga crush ko. Hindi ko maiwasan na tumigin kay Brent pero kailangan na namin bilisan kumain dahil malapit na yung susunod na klase namin.

May inabot si Brent na letter na kinilig ako ng bongga pero.....

"May nag papabigay." Tumigil ang mabilis na tibok ng puso ko dahil hindi galing sa kanya yung letter na binigay niya sa akin. Umasa ako na galing sa kanya.

"Kanino galeng??!!" Tanong ni Alexis na mataas ang boses kay Brent. "Basta may nag papabigay" Mabilis na sagot ni Brent na agad agad umalis. "Thank you!" Malakas kong sigaw na papalayo ng palayo si Brent sa table namin.

"Basahin natin." Sabi ni Alexis sa akin habang nilipat yung upuan niya sa tabi ko. "Ayoko ko nga!" Sagot ko sa kanya habang nang lalaki ang mga mata ko. "Damot mo talaga!" Galit niyang sagot sa akin. At bumalik na siya sa dati niyang pwesto kanina.

Binuksan ko yung letter.....
Hi Shay,
Una kitang nakita iba ang naramdaman ko. Nabighani ako sa kagandahan mo. Hindi mo ako kilala pero gusto kitang makilala pero torpe kasi ako at lalo akong naging torpe ng nakita kita. Sana makilala kita at makausap kita. At pag nakilala mo ako sana tanggapin mo ako kung sino ako. See around Shay.
Your Secret Admirer,
R
Nakita ko naman yung R naisip ko si Ricci pero sabi ko nga ayokong umasa.
Nakita ako ng kaibigan ko na nakangiti. "Abot hanggnag langit ngiti mo ah." Sarkastikong na sabi sa kin ni Alexis. "Hindi ah!" Patanggi kong sagot kay Alexis pero kinikilig ako.

At nag tweet si.........
@RicciRivero06
Nakita ko na yung ngiti mo na PRICLESS na hindi ko ko pa nakikita.💚

Inisip ko kung sino yun pero itunuon ko yung pansin ko sa pagkain.

Ricci
"Tignan mo pre yung ngiti ni Shay PRICELESS." Diniin ko talaga yung priceless dahil totoo naman e. "Kinikilig na yan" sabi sa akin Brent habang binatukan ako. "Syempre!" Masigla kong sabi kay Brent.

Nag tweet naman si Shay

@shayantonio
Thank you sa letter kung kanino man galeng 😘😘 Sana nga magkita at makilala na kita☺️ See you around din 😉

"Pre,pre tignan mo toh!" Masaya kong sabi kay Brent habnag hinahampas ko siya. Tinignan ni Brent " Pre sana magkita at makilala na daw niya." sabi sa akin ni Brent. Papunta na kami ngayon ni Brent sa dorm dahil may nakalimutan daw siya.

"Oh Ricci! Ang ganda ng ngiti mo ah." Salubong sa akin ni Kuya. "Paano ba namn sabi ni Shay sana mag kita at makilala na daw niya si Ricci kaya ayan kinikilig." Sabat naman ni Brent. "Oh! Chance mo na yan ano pa hinihintay mo? Pasko? Sabi sa akin ni Kuya. "Ako bahala. Tiwala lang kayo." Confident kong sagot sa kanilang dalawa.

Ang hindi lang alam ni Shay na nagkita na kami at alam ko na ang pangalan niya pero hindi niya alam na ako yung secret admirer niya. Una namin pag kikita at pag usap namin ay nung sinadya ko siyang banggain. Sa totoo lang kinilig ako ng sobra sobra ng ngyari yung kahit hanggang ngayon.

Si Ricci Rivero ang Secret Admirer ko?! 💚Where stories live. Discover now