Chapter 18 - 1st Monthsary (Part 2)

802 28 1
                                    

Shay
5:45 na at may lakad o date kami ni Brent ewan ko dahil ayaw niya naman sabihin kung saan kami pupunta basta aalis daw kami.

Naligo na kami at pag katapos ko ay pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower.

Nag tuyo na ang buhok nag desisyon ako na mag ayos dahil monthsary namin.

Ikinulot ko ang buhok ko para wavy. Nag lagay lang ako ng concealer, face powder, blush, eyeliner, mascara, at lipstick at light lang nilagaw ko.

Ng tapos na ako sa buhok at make up ko ay sinuot ko na ang damit na sinabi sa akin ni Brent. At hinihintay ko na lang si Brent dito sa sala.

Walang tao dito lahat sila may mga sariling lakad.

Eksaktong 7:30 ay may kumatok sa pinto at alam ko na si Brent yon.

Binuksan ko ang pinto at tama nga ang hula ko na si Brent.

"Wow!" ~ Brent

Tumawa na lang ako.

"Ang ganda namang ng baby ko. Mas lalo akong na inlove." ~ Brent

"Brent wag ako." ~ ako

"Totoo naman e." ~ Brent

"Wushuu." ~ ako

At tumawa na lang siya pag katapos kong mag salita.

"Happy 1st monthsary baby!" ~ Brent
At sinabayan niya ito ng isa pang bouquet of red roses.

"Thank you! Ang happy first monthsary din." ~ ako

Kinuha ko ang bulaklak at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you Brent sa lahat ng nagawa mo sa akin. Hindi na ako hihiling pa. You are enough." ~ ako

At hinalikan ko siya sa labi niya.

"Tara na?" ~ Brent

"Tara." ~ ako

At dahan dahan niyang inilagay ang kanyang palad sa ibabaw ng aking palad na para bang first time namin mag holding hands.

"Kinikilig ako ah!" ~ ako

"Mas kinikilig ako sayo!" ~ Brent

Mabagal lang kami nag lakad para mas feel namin yung moment.

Ng makarating na kami sa kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng passenger's seat.

Umikot siya at pumasok na.

Bago niya sinimulan ang kotse ay napatigin siya sa akin.

"May problema ba?" ~ ako

"Ahh wala naman. Pero bakit hindi mo sinuot ang heels na ibinigay ko sayo?" ~ Brent

"Sorry. Alam mo naman na hindi ako nasuot ng ganyan. Ibabalik ko na lang sayo." ~ ako

"No need. Ang importante maganda ka ngayon gabi." ~ Brent

Nginitian ko na lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Wag mo ng problemahin yun. Okay lang naman sa akin. I love you." ~ Brent

"I love you too." ~ ako

Okay na ako. Nakahinga na ako. Ayoko muna mag karoon ng problema ngayon gabi gusto ienjoy ko lang tong gabi.

Sinimulan niya na ang sasakyan .

Ng makita ko ang dinadaanan nami ay papunta itong Makati dun na ako nag taka.

"Saan ba tayo pupunta?" ~ ako

"You will find it out later." ~ Brent

Nakatulog ako at hindi ko ito namalayan.





Brent
Natutulog ngayon si Shay. Kahit natutulog siya ang ganda niya pa rin.

Nakarating na kami dito sa isang secret garden dito sa Makati.

Nanduon ang ibang Green Archers para suportahan ako.

Syempre bago ko ginising si Shay ay pinicturan ko muna siya.

At ng matapos na ako ay ginsing ko na siya.

"Baby gising na. Andito na tayo." ~ ako

Pinatay ko na ang makina ng sasakyan at lumabas na ako para alalayan si Shay

Binuksan ko ang pintuan ni Shay at inalalayan ko dahil medyo inaantok pa.

Nilock ko na ang pintuan.

Nilagyan ko siya ng blindfold.

"Ano na naman balak mo Paraiso?" ~ Shay

"Chill ka lang." ~ ako

Inalalayan ko at ng makarating na kami at tinanggal ko ang blindfold.

"Ang ganda naman dito." ~ Shay

"Parang ikaw." ~ ako

Hinampas niya ako sa braso at niyakap ako.

Puno ng christmas lights ang paligid namin.

"Tara kain na tayo." ~ ako

Pumunta kami sa isabg table na may  naka handa na pagakain.

Kumain kami ng masaya at puro kwentuhan.

Biglang may tumugtog na isang slow dance. At inaya ko si Shay para isayaw ko siya.



Ricci
Ang saya nila. At ang ganda ni Shay ngayon gabi.

Ng makita ko na isinasayaw na ni Brent si Shay muling nabuksan ang sugat sa puso ko na akala ko ay nag hilom.

Ng bago matapos ang kanta ay hinalikan ni Brent si Shay sa kanyang labi na mas ikinasakit ng puso ko sa nakita ko.

Mas pinili ko na lang tumakbo.

Kahit ang mga luha ko ay pumapatak na rin.

Ang sakit lang makita yung taong mahal at gusto mo ay may kasayaw na iba na dapat ikaw yun.

Ang sakit tanggapin na hindi na ulit mapapasa akin si Shay.

Iiyak na lang ba ako? Hahayaan ko na lang ba na madurog ang puso ko?

Masakit at nag dudurugo na pero mas pipiliin kong lumaban para sa pag ibig ko kay Shay.




No Votes = No Update

Si Ricci Rivero ang Secret Admirer ko?! 💚Where stories live. Discover now