Fifth Reason

572 38 6
                                    

Kwon Soonyoung is defeaning.

Ayaw ni Jihoon sa mga taong sobrang ingay. Naiinis siya sa mga ito.

Ngunit si Soonyoung ay napaka-ingay na tao. Madaldal na, maarte na, maingay pa. Sinong hindi maiinis 'diba?

Therefore, Lee Jihoon hates Kwon Soonyoung.

"Pwede bang tumigil ka na? Ang ingay mo!"

Kanina pa kasi "kanta ng kanta" si Soonyoung. 'Yung tipong wala naman sa tono pero patuloy lang sa pagkanta. Kumbaga, trying hard.

"Kinakantahan na nga kita, ayaw mo pa?"

"Kanta ba 'yun? Ni wala ka nga sa tono. Ang mabuti mo na lang gawin ay tumigil at matulog na. Okay?"

Soonyoung pouted, "Pero hindi pa ako inaantok, Jihoonie. Kantahan kita, ha."

Kakanta na sana ulit si Soonyoung pero tinakpan ni Jihoon ang bibig niya, "Shut up, Kwon Soonyoung!" Sabi ng mas bata bago inalis ang kamay sa bibig ni Soonyoung.

"Matulog ka na, Soonyoung." Dagdag ni Jihoon bago humiga sa kanyang kama.

"Pero hindi pa ako inaantok, Jihoonie! Kantahan mo na lang ako para makatulog ako, please!" Sabi ni Soonyoung. Sigurado naman si Jihoon na hindi sumisigaw si Soonyoung pero ang lakas ng boses niya.

"Oo na, oo na. Ang ingay mo."

"Yey!"

Humiga na si Soonyoung sa kanyang kama at umupo naman si Jihoon sa tabi niya.

Nagsimula itong kumanta habang ini-stroke ang buhok ni Soonyoung.

Tumigil siya sa pagkanta nang mapansin niya na tulog na si Soonyoung.

Ngumiti ito at hinagkan ang nakatatanda sa noo, "Good night. And I still hate you, Mr. Kwon."
-

TEN REASONS. ¦ SoonHoonWhere stories live. Discover now