Chapter Fourteen

57.4K 1K 105
                                    


Chapter Fourteen

Cassandra

BAKIT BA lagi na lang akong bumabagsak sa maling lalaki?

Bakit ba lahat na lang nang lalaking dumadaan sa akin ay napakababa ng tingin sa akin?

Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali?

Bakit ba lahat na lang ng kamalasan nangyayari sa akin?

Wala na ba akong karapatang maging masaya?

"Cass... stop... please..."

Pare-parehas lang sila.

Sa una, ipaparamdam nila na importante ako. Na mahal nila ako. Na isa akong mamahaling pigurin na kailangang ingatan at alagaan.

Pero sa bandang huli, iisa lang naman ang habol nila sa akin, ang katawan ko. Ang sex. Pagkatapos, iiwan na nila ako. Sasaktan nang paulit-ulit. Pagmumukhain akong prostitute kahit na ang ginawa ko lang naman ay mahalin sila at iparamdam sa kanila na seryoso ako sa pagmamahal na binibigay ko sa kanila.

Pare-parehas lang sila. At nasisiguro kong hindi rin iba kay Jacob itong si Ethan.

"May hindi ka ba nagugustuhan sa performance ko, Mister Mondragon?" mapang-akit na sabi ko.

I'm just too tired. Pagod na pagod na ako.

Pagod na akong ako na lang lagi ang nagmamahal. Na ako na lang lagi ang nasasaktan. Na ako na lang lagi ang nagsasakripisyo at nagmumukhang tanga para lang sa mga lalaking hindi naman ako kayang pahalagahan. Sa mga lalaking tawag ng laman lang naman ang kailangan sa akin.

I'm so stress. At gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko ngayon sa Ethan Mondragon na 'to dahil tutal naman, ito ang trabaho na binigay sa akin at wala akong ibang kailangang gawin kundi ang sumunod na lang na parang de bateryang robot.

Umalis ako mula sa pagkakaupo sa mga binti ni Ethan saka ko marahas na inikot ang upuan niya para makaharap kami sa mas maluwag at komportableng pwesto malayo sa mesa niya saka ako lumuhod sa harapan niya at sinimulang kagatin ng mga ngipin ko ang zipper ng pantalon niya bago iyon hinila pababa nang hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga mata niyang punong-puno ng pagnanasa.

Hindi ko ikakaila ang kakisigang taglay ni Ethan. Hindi lang naman siya, maging ang mga pinsan din nitong Mondragon. Marahil ay martyr nga ako pero hindi naman ako abnormal para hindi mapansin ang karisma ng tao na 'to.

At aaminin ko, kung hindi lang dahil kay Jacob, baka matagal na akong nahulog sa mga walang pasakalyeng paglalandi sa akin ng lalaki na 'to.

I know he wants me that bad and somehow, I might be feeling the same all this time.

Kaya kung gagawin kong rason ang trabaho na binigay sa akin ni Sir Trojan para masagot ang mga tanong na nasa utak ko na may kinalaman sa isang Ethan Mondragon, siguro naman magiging sapat na 'yon para sundin na lang ang gusto ng katawan ko at hindi ang dinidikta ng isip ko ngayon.

Lihim akong napasinghap nang makita ko ang nanggagalaiting pagkalalaki nito na bumulaga sa akin matapos kong hilain ang patalon at boxers niya pababa.

Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko 'to pero hindi ko pa rin maiwasan makaramdam ng kaba sa laki ng bagay na ito.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko saka ko hinanap ang sinturon ng patalon nito na nasa sahig bago tumayo at sa harapan niya.

"Paki taas na lang ng mga kamay n'yo, Mister Mondragon."

"Para saan?"

"Bakit hindi ka na lang sumunod para malaman mo kung para saan?" mapanuksong sabi ko.

Fill Me In (Mondragon Series #2)Where stories live. Discover now