Chapter Thirty

20.6K 466 30
                                    

Scarlet P.O.V

Nagulat ako ng bigla siyang lumhod sa aking harap

Hinawakan niya ang isang kamay at tsaka hinigpitan tila nagtaka ako ng maramdaman ko may pumamapatak na tubig sa aking kamay at doon ko napagtanto na umiyak siya

"I-I am s-sorry"pumipiyok niyang sabi at tsaka binauon niya ang mukha niya sa hita ko

Binitawan ko ang kamay ni Hana at hinaplos ang ulo niya pati ako naiiyak na

"B-bakit ka nag sosorry,diba dapat magalit ka saakin kasi tinago ko siya sa iyo?"naiiyak na tanong ko

Nakabauon parin ang mukha habang  umiling at dahan dahan niyang inangat ang ulo niya

"Nung una nagalit ako p-pero wala akong karapatan magalit k-kasi alam ko na ako rin ang may kasalanan kung bakit mo iyon nagawa"

Tuluyan na talaga akong napaiiyak pero agad din niyang pinunasan

"Wag ka ng umiyak,please away na away kitang makitang umiyak"sabi niya at tsaka tumayo at agad akong niyakap"Let's start over again for the sake of our daugther"

Yayakap na sana ako pabalik ng may naalala ako kaya agad ko siyang tinulak

"J-jiro hindi pwede may girlfriend ka at alam ko na mahal mo siya noon pa at ayokong matali ka uli sa akin dahil lang sa anak ko"umiiyak kong sabi

"Sinong nagsabi sayong may girlfriend ako?"

"Jiro walang nagsabi sa akin halata naman,na si Luna pa rin ang Mahal mo"

"Fu*k hindi ko siya girlfriend at hindi ko siya mahal,tsaka ano sabi mo,matali uli? matagal na akong nakatali sa iyo at hindi ko iyon pinutol kahit wala ka sa tabi ko"

"A-anong ibig mong sabihin"

"I never sign that Fu**ing  paper,kahit pabalik balik ang lawyer mo lagi ko itong pinupunit"sabi niya at tsaka hinawaka ang makabilang pisngi ko

"Scarlet kahit anong mangyari hindi kita iiwan,kung nawalan ka ng tiwala sa akin,I will gain that trust again,I will court you over and over again even if we still married I will court you"sabi niya sabay halik sa aking noo"I love you"

Hindi pa nagproprocess sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Jiro ng maramdaman kong gumalaw si Hana

Napatingin ako sa kanya at hinawakan agad ang kamay niya

"Hana baby naririnig mo ba ako,si Mimi ito"hinigpitan ko ang pagkakahawak ko,hinawakan din ni Jiro ang aming mga kamay

At ayun unti unti na niyang binuksan ako kanyang mga mata

"Mimi?,Tito Jiro?naghihinang saad ni Hana

Agad ko naman siyang sinuggab ni yakap isang napakahigpit na yakap

"M-mimi I can not breath"

Dali dali kong inalis ang aking pakakayakap

"Sorry baby,sobra kasing saya ni Mimi kasi okay ka na"

Naluluha kong sabi, si Jiro naman ay
may pininidot na kung ano malapit sa pinto at agad lumapit kay hana at hinawakan ang kamay nito

"Hana ayos ka na ba?wala ba sayong masakit?"nagaalala niyang tanong

Ito naman anak ko ngumuti ng malapad

"Okay lang po ako"

May biglang pumasok at ang Doctora na in charge kay Hana,agad niya ito tinignan kung meron pa bang problema

"Okay na po ang anak niyo,pwede na po siyang lumabas next week"nakangiting balita ni Doctora

#####
Tatlong araw na kami dito sa ospital,napsugod pa ang Hyuuga family Kahapon matapos mabalitaan ang nangyari kay Hana

Hindi umalis si Jiro sa tabi ni Hana lagi siyang nakaalalay dito,ilang beses ko nang sinabihan na pumasok siya pero ayaw niya si Ate daw munang bahala doon,napagusapan namin kung sasabihin kay Hana kung sino talaga siya,nung una hindi muna ako pumayag dahi mapilit siya ngayon na namin napagdesisyonan na sabihin na ito kay Hana

"Hana may sasabihin ako sa iyo"sabi ko kay Hana na abala sa panunuod niya ng anime

"Ano po yon Mimi?"sabi niya habang nakatutok pa rin sa kanyang pinapanuod

"Diba gusto  mong makita yung Daddy mo?"

Pero itong anak ko deadma lang

"Kasi baby yung daddy mo.......S-si Jiro"

dun naman siya napatingin  sa akin at tumingin kay Jiro na  nakatayo  sa likod ko

Tapos ngumiti siya dun gumaan ang loob ko

"Alam ko na po yun Mimi"sabi niya habang nakangiti

Nagulat ako sa sinabi niya,alam niya na?Paano?

"A-anong ibig mong sabihin baby?

"Ganito po kasi yun mimi"paninimula niya"napansin ko lang po pag nandyan po si Daddy hindi po kayo mapakali"

Napatingin naman  ako kay Jiro nakita ko sa mata niya ang saya ng tawagin siyang Daddy ni Hana tapos lumapit siya sa kama ni Hana at umupo  at nakikinig sa anak namin

"Tapos po masaya ka pag masaya rin kaming magkasama at last sinabi sa akin ni Auntie"

"Sinabi ni Auntie?sinong auntie?"Nagtatakang tanong ni Jiro ako naman tahimik na nakikinig

"Auntie Kat po,kasi po one time pumunta kami sa bahay niyo Daddy,may kukuhanin daw po siya pinapasok niya po ako sa bahay niyo,habang may kinukuha siya napansin ko po sa may living room ang malaking picture at ang picture na po iyo ay ang wedding picture niyo po,tapos walang tigil kong tinanong si Auntie kay napilitan po siyang sabihin saakin"mahabang explenasion niya saamin 

Magsasalita pa sana ako ng nag magsalita ulit siya

"Ay mimi wag mong sabihin na sinabi ko sayo ah,ang sabi kasi ni auntie wag sabihin sayo na alam ko na"

Natawa naman ako sa sinabi niya

"okay baby hindi ko sasabihin"

Hinawakan naman ni Jiro ang mga kamay ni Hana

"Hana hindi ka ba galit saakin?Hindi mo man lang ako nakilala ng maaga"sabi ni Jiro nakunsensya tuloy ako

Umiling naman si Hana"Nung una po,pero hindi ako magaglit kasi po Daddy ko po kayo tsaka sinabi rin sa akin ni auntie kung bakit hindi tayo nag kita agad dahil ayaw ni Mimi na mapahamak po ako at mawalay sa kanya kaya hindi agad na sabi ni Mimi kay daddy wag kang magagalit kay mimi ha"mahaba niyang paliwanag

Nakita ko namumuo ang mga luha ni Jiro pero ako hindi ko na mapigilan at napaiyak na ako

Matalino ang anak ko,at napakabait buti mahusay ko siyang napalaki

Yumakap si Hana kay Jiro nang mapansin niya na paiiyak na ang ama yinaya niya rin ako,sana ganito nalang kami palagi

Sana mabigay ko ang hinihiling na tiwala ni Jiro kung sakali sana pahalagahan niya ang tiwalang binigay ko sa kanya

+#$%&-+(

sorry for the late update pero sana magustuhan niyo ang chapter na ito

By Kuronekonyanya

My Boss Is My Ex Husband !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon