My Valentine

249 4 0
                                    

Ako nga pala si Calvin, 4th year college student major in financial management. Sa ngayon maraming pinapagawa samin. Strategic marketing, seminar, reporting, making a website at financial feasibility study. Ni isa dyan wala pa akong ginagawa haha. Katamad naman kasi lalo at mag isa lang ako gagawa.

Anyway hindi yan ang ikukwento ko sa inyo. Simulan natin ang kwento ko nung minsang pumunta ako ng mall para mag palamig lang at gumala. Ganito ko minsan, pag tinopak ako, uunta ako ng mall tapos basa basa ng libro sa national bookstore then bibili ng mga snacks sa supermarket.

Nasasabihan na nga ako minsan ng abnormal dahil may grocery naman samin pero sa mall ako bumibili haha

Well lumalayo na naman ang kwento ko. Ito na talaga.

Habang naglalakad ako sa mall ngayun, naka earphone pala ako at nagtetxt. Gm gm din pag may time hehe

“here at sm Fairview , gala lang mag isa. ^_^v”

Send!

Di ako tumitingin sa dinadaanan ko pero ramdam ko naman kung may mababangga ako at yun nga may nabangga ako.

“Sorry.” Rinig kong sabi sakin nung nakabungguan ko. Tiningnan ko lang sya at tumango. Lalaki yung nakabunggo sakin. Matangkad, maputi at matipuno ang pangangatawan higit sa lahat gwapo. Okay tama na yan.

Tumalikod na ako at naglakad palayo. Ganyan ako minsan pag nakakita ako ng gwapo, sinusuri ko agad parang pagkain lang haha. Bisexual nga pala ako. Nagkakagusto sa babae, nagkakagusto sa lalaki.

Nakarating din ako sa national bookstore. Ang lagging pinupuntahan ko lang na section dito ay yung secton ng PHR. Mahilig kasi ako sa mga romance book. Minsan pag maganda ang story binibili ko yung pocketbook.

Nang Makita ko na lahat doon, wala namang bago, palipat na ako sa ibang section ng pagliko ko ay napatigil ako at yung lalaking dadaan din dapat. Teka ito yung lalaki kaninang nakabunggo ko ah.

Ngumiti sya sakin. Eh? Weird? Bat ako nginingitian nito. Napakunot noo lang ako at nilagpasan sya. Problema nung lalaking yun. Nung nilingon ko sya ay nakasunod sakin sya ng tingin. Napaiwas ako agad ng tingin dahil nag wink sya sakin.

Takte pakiramdam ko namumula na mukha ko. Nagmamadaling lumabas ako doon at naglakad palayo. Kainis anu bang nangyayari sakin? Nung problema nung lalaking yun. Napansin ba nya na attracted ako sa kanya?

Teka di ako attracted! Oo gwapo sya pero yun lang yun. Dumiretso na lang ako sa supermarket at bumili ng makakain tapos naghanap ako ng pwesto sa food court. Nakahanap naman ako kaya naupo na ako at nilabas yung pocketbook na hiniram ko sa pinsan ko.

Mahilig mangulekta pinsan ko nun kaya naadik ako haha. Mga limang minute na ako nagbabasa at enjoy na enjoy na ako dahil nakakatawa yung kwento ng biglang tumaas balahibo ko.

May nararamdaman akong nakatingin sakin. Napalingon ako sa kaliwa at kanan ko. Wala namang nakatingin. Nilibot ko paningin ko sa food court hanggang sa nanlaki mata ako.

May kumakaway sa harap ko na lalaki at nag wink na naman sakin. Yung lalaki weird! Kinabahan pa ako dahil lumapit sya sa kinauupuan ko.

“pwede ba akong makiupo?” nakangiti nyang tanung sakin. Napatango na lang ako. Ewan ko ba pero parang may nararamdaman akong kakaiba. Pinagpatuloy ko na lang pagbabasa ko pero distracted na ako at di na ko makapag focus dahil sa lalaking nasa harap ko.

“will you please stop staring at me?” sabi ko sa kanya at tiningnan sya. Nakangiti syang nakatitig sakin na para bang saying saya sya na makita ako.

“bakit naman?”

“naiilang ako.”

“bat ka naiilang?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My ValentineWhere stories live. Discover now