Chapter 2

134 1 1
                                    

Pagkatapos ng araw na iyon, normal pa rin ang lahat maliban na lang sa hindi na palagi magkasama si Reggie at Angelica kumpara nung bago sila mag-cool off. Dumating na nga ang September at ito ang month ng aming Intramurals. Halo halo ang bawat year level kasi by family color ang labanan. Sa Yellow Family ako napunta, medyo nakakainis kasi ito ang color na lagging LOSER simula nang mag-high school ako dito.

“Anong family color mo?” tanong ko kay Kia.

“Sa Blue ako eh. Sana magkasama na lang tayo sa Yellow”

“oo nga eh. Sasali ako sa Basketball! Sali ka rin para magkalaban tayo”

“Okay” sagot ni Kia habang tumatawa.

Third day na ng Intramurals ng school. Sa major games nga kulelat kami, pero parang bumabawi kami a minor games. Ngayon na nga rin gaganapin lahat ng Championship games: sa Volleyball boys at girls, sa Cheering at syempre, sa Basketball boys at girls.

Kinakabahan ako kasi kasama ang Basketball girls ng Yellow family sa finals ngayon kaya kasama ako sa mga maglalaro. Excited din ako para sa boys’ Basketball kasi running for third consecutive year na champion doon ang Green family at kasama si Reggie doon. Sa totoo lang, hindi siya varsity pero aminado ang lahat na halos kasing galing niya si Chad Aquino, ang Captain Ball.

“Kailangan lagi kayong alert at ready! Hindi tayo pwedeng matalo” sabi ni Jessa Mae, siya kasi ang captain naming.

“Aye! Aye!” sigaw naming lahat.

“And remember, we are playing for the Lord, so do your best” paalala naman ni ate Rm, kasali rin kasi siya.

“Amen!” mas malakas naming isinigaw.

Ito na, nagsisimula na ang laban. Lahat kami sobrang energetic at gustong-gusto manalo.

“Only 8 seconds remaining on the shot clock. Cortez dribbles the ball, passed to Canoy, and two points for the Yellow Lady Warriors.”

“Jessa Mae! Jessa Mae! Jessa Mae!” ang lakas ng cheer ng crowd dahil nga naka-shoot si Jessa Mae.

Simula na ng second half ng game, at lamang kami ng 4 points sa Blue family. Pawisan na kami at biglang pinasa sa akin ang bola.

“Go Gwenn!” narinig kong chinicheer ako ni Kia. Tumakbo ako at tumalon  para mag-shoot pero may humampas ng bola ng sobrang lakas at bigla na lang akong bumagsak at nahilo. Dinala nila ako kaagad sa may bench at lumapit sa akin ang school nurse para i-chek ako. Tumigil ang game ng sandal pero after 10 minutes, they’re back.

“Miss, okay lang po ako. Huwag niyo napo akong lagyan niyan” sabi ko sa nurse.

“Kung hindi mo alam, may sugat ka diyan sa may noo mo at dumudugo pa. lalagyan kita nito” napahawak tuloy ako sa nook o at may dugo nga. Kaya pala ako nahihilo.

“Ayan na. hindi ka na muna maglalaro ng Basketball ha” sabi ni ate nurse sa akin.

“Ah okay po. Teka! Ano na’ng score?!”

True Love WaitsWhere stories live. Discover now